Immortal Love Introduction

998 43 5
                                    

Immortal Love

By:

NewStoryOfLove

************************************************************************************

Noong unang siglo may isang nilalang na nagpakita sa mundo at lumikha ng isang nilalang na kung tawagin ay "bampira"

Ang mga bampira ay walang alam gawin kundi sipsipin ang dugo ng mga tao upang mabuhay

Kaya naman kinakatakutan ng mga "mortal" o pangkaraniwan na tao ang mga bampira

Dahil ang mga bampira ang dahilan kung bakit nababawasan ang mga tao na nabubuhay

Pero hindi lang basta takot ang nararamdaman ng mga tao sa mga bampira kundi galit at paghihiganti

Galit dahil basta-basta pumapatay ang mga bampira lalo na sa mga taong walang laban

Paghihiganti naman dahil ang mga pinapatay nilang mga tao ay ang kanilang mga mahal sa buhay

Kaya naman bumuo ang mga tao ng isang alyansa na kung saan ang layunin ay patayin ang lahat ng mga bampira na nabubuhay

Nagkaroon ng isang malaking kasaysayan ng laban ang mga tao at bampira

Ngunit kahit sino sa kanila ay walang nagtagumpay sa kanilang hangarin

Habang ang mga ibang tao at bampira na hindi sumali sa labang iyon ay nagkasundo na lamang na mamuhay ng tahimik at hindi pakikialaman ang isa't-isa

Sa paglipas naman ng panahon ay nabuhay nga ng tahimik ang mga tao, bampira at kung ano man nilalang na magkakalayo

Kahit sinong nilalang ay walang nakakaalam sa nangyari laban sa mga tao at ng mga bampira

Pero patuloy pa rin ang ilan sa mga bampira na kung saan ay pumapatay ng mga tao upang mabuhay ng matagal

May mga tao naman na hindi na naniniwala sa mga bampira at sa kung ano pa man na nilalang, para sa kanila ay isa itong kwentong hindi dapat paniwalaan

***********************************************************************************

Ayos lang ba ang pagpapaliwanag ko para sa Introduction?

Medyo nahihilo kasi ako ng gawin ko ito kaya kung anu-ano na lang ang pumapasok sa utak ko

Pero sana ay nagustuhan nyo pa rin ang ginawa ko

Hindi ko pala alam kung may connect ba ito sa ginagawa kong kwento

Basta ang alam ko gusto kong gumawa ng Historical Story for Vampire

Oo nga pala alam kong alam ninyo na ang dami kong kapareho ng title nito

Pero sana naman ay hindi nyo isipin na isa sa mga kapareho kong title ay kinopya ko or ginaya

Dahil mayroon akong sariling IMAHINASYON at ORIGINALITY

Pero kung sa tingin nyo naman ay may kapareho nga ako

Hindi ko na iyon kasalanan kasi sinusulat ko lang naman kung ano ang mga naiisip ko

Ah basta relax dahil susubukan kong patawanin, pakiligin, paiyakin at takutin kayo sa mababasa ninyo

Immortal Love(On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon