Chapter 8
"Ano ba yan, bakit hindi ako magawang dalawin ng antok" sabi ko sa sarili ko
Cathy Point of View
Oo nga pala nandito ako ngayon sa kwarto ni Mama kung saan dito muna ako matutulog, gamit kasi ni Kyle yung kwarto ko
Dahil sa hindi talaga ako makatulog ay bumangon na lang ako sa kama at lumabas ng kwarto para kasing gusto ko lang magpahangin sa hangin at baka sakaling antukin na ako
Habang naglalakad ako papunta sa pinto ay napansin ko naman na nakabukas ang pinto nang kwarto ko kaya sinubukan kong sumilip para tignan kung anong ginagawa ngayon ni Kyle
Pagsilip ko naman ay napansin ko na nakatingin sya sa labas ng bintana at para bang may pinagmamasdan na kung ano
Kaya naman sinundan ko ang tingin nya para makita kung ano ang pinagmamasdan nya
Pagkatingin ko ay mabilis akong pumasok ng kwarto sabay hila kay Kyle palayo sa bintana at sara sa bintana
Matapos ko syang ilayo sa bintana ay napaandusay kami sa sahig bali nakaupo ako habang nakahiga naman sya sa mga hita ko
Sinubukan ko syang sampalin-sampalin para magkaroon ng malay at nagkaroon naman sya ng malay
"Kyle ayos ka lang ba?" tanong ko habang nakatingin sa mukha nya na para bang kakagising lang
"Anong nangyari?" tanong ni Kyle sabay bangon at upo sa kama habang minumulat nya ang mga mata nya
"Wala ka bang maalala?"
"Ah naalala ko na"
"Ano bang pumasok sa utak mo at nakipagtitigan ka sa uwak?" ako sabay tabi sa kanya
"Bakit masama bang makipag eye to eye sa uwak"
"Oo"
"Bakit naman? kasi tanggap na nang uwak na ako lang talaga ang pinakapogi sa mundong ito"
"Ewan ko sayo ang yabang at ang hangin mo talaga"
"Totoo naman ah"
"Baka hindi mo alam mas maraming pogi dito sa lugar namin"
"Edi iharap mo sa akin ng magkaalaman"
"Huwag na baka mainlove ka lang sa kanila"
"Sus baka nga sila pa ang mainlove sa akin"
"Bakit anong akala mo sa kanila bakla?"
"Diba may mga bampira namang bakla?"
"Aba ewan ko"
"Oo nga pala Cath anong ibig mong sabihin dun sa sinabi mo kanina?"
"Na ano?" pagtataka ko
"Na masamang tumingin sa uwak"
"Alam mo ba na hindi dapat tumitingin ng diretso sa mata ng uwak"
"Bakit naman at saka ano bang meron sa uwak at para bang pakiramdam ko nawalan ako sa pag-iisip?"
"Naalala ko na sinabi sa amin nung Elementary na sa oras tumapat ang mata mo sa mata nang uwak ay unti-unti nitong kinukuha ang kaluluwa na nakatitig sa mata nang uwak"
"Seryoso?" Kyle na halata sa mukhang hindi makapaniwala
"Sa totoo hindi ako naniwala pero sinunod ko pa rin yung sinabi sa amin at ngayon napatunayan ko na totoo pala"
"Kung ganun salamat sa pagligtas mo"
"Alam mo namumuno ka na sa akin, lagi na lang kita nililigtas"
"Eh kasi may gusto ka sa akin kaya hindi mo maiwasan na iligtas ako"
"Maypagkaassuming ka rin pala noh" sarcastic kong sabi
"Balang-araw maiinlove ka rin sa akin"
"Puputi muna ang uwak bago mangyari yun"
"Talaga dahil kukulayan ko na agad ang mga uwak para mangyari na"
"Hay, ang hirap mo talagang kausapin ng matino" ako sabay tayo at hakmang lalabas na pinto
Dug..... Dug..... Dug.....
Dug..... Dug..... Dug.....
Dug..... Dug..... Dug.....
Haist! bakit ganito? bakit parang pakiramdam ko bigla akong nakaramdam ng kaba
Ano na naman kayang gagawin ng lalaking ito para hawakan nya ang kamay ko
"Cath pwede bang favor?" sya sabay bitaw sa kamay ko
"Ano naman yun" ako sabay harap sa kanya
"Pwede bang samahan mo muna ako dito"
"Bakit naman"
"Kasi kanina habang nakasara yung bintana may narinig ako nang kung ano sa labas kaya binuksan ko yung bintana hanggang sa bigla na lang sumulpot yung uwak at napatitig ako"
"Oh ano naman ngayon? wag mong sabihin na natatakot ka?"
"Hindi noh naninigurado lang, sige ka malay mo may malapit na aswang o bampira dito sa bahay nyo at bigla akong patayin edi lagot ka sa Mama mo"
"Bakit naman ako magiging lagot sa Mama ko"
"Kasi hindi mo man lang ako tinulungan"
Imbis na sagutin ko sya ay lumapit na lang ako sa kanya sabay higa sa kama
Ano ba ito bakit parang hindi ko yata nagawang tanggihan yung hinihingi nyang pabor
Wala naman syang kapangyarihan para gamitan ako at mapauo sa gusto nya, ay ewan makatulog na nga lang
"Huwag na huwag mong susubukang lumapit sa akin kung hindi kakainin kita ng buhay"
"Opo" sya sabay higa na rin sa kama
After ng conversation namin ay pinikit ko na nga ang mga mata ko hanggang sa makatulog na lang ako
Samantha PoV
-----*
Whoi for the first time ko yatang magkakaroon ng point of view, imagine pinagbigyan ako ni Ate Gee na magPoV kahit ang anak ko lang dapat o yung ibang teenagers ang magPoV
Author: Bakit ayaw mo pa, sabihan mo lang ako kasi madali akong kausap
Sungit naman ni Ate Gee baka nakakalimutan mo mas matanda ako kaysa sayo kaya dapat igalang mo ako
Author: Edi sorry po, kung pahihintulutan nyo po ako, ipagpatuloy nyo na lang po ang sasabihin nyo para maipagpatuloy na ng mga mambabasa ang dapat nilang mabasa
Ok yun lang pala
-----*
Nasaan naman kaya sya at saka ang aga pa para magising sya ng ganitong oras
Tumayo ako sa kama para tignan sya sa labas at baka kung ano na naman ang ginagawa nya
Napansin ko naman na bukas pala yung kwarto ni Cath kung saan ay dun natutulog si Kyle
Sumilip muna ako saglit at nagulat naman ako ng bigla kong makita si Cath pati na rin si Kyle na magkatabi sa kama pero may pumapagitna na unan sa kanilang dalawa
Ano naman kaya ang ginagawa dito ni Cath? huwag nyang sabihin na kusa syang pumunta dito
Hindi pwedeng magkaroon ng relasyon si Cath sa isang mortal dahil kung mangyayari yun ay sila ang tinutukoy sa propesiya at tiyak na manganganib ang buong mundo
Pero hindi ko alam ang gagawin kung kailangan ko ba silang ipaglayo para hindi matupad ang propesiya o hayahan sila at gabayan na lang?
Hayyy ang hirap magdesisyon sana lang talaga nandito ka pa Richard edi sana hindi ako nahihirapan sa pagdedesisyon kung anong dapat gawin
BINABASA MO ANG
Immortal Love(On-going)
VampireSubaybayan ang kwento ni Cath kung saan makakarating sya sa mundo ng mga tao kasama ang mortal na si Kyle na isa palang Playboy habang hinahanap naman silang dalawa ni Prince Mathew na isa namang prinsepe sa kaharian ng Bermesiah. Alamin din ang pag...