Chapter 13
"Oh yan na" ako sabay bato sa kanya ng mga damit na hiniram ko kay Sean
Cathy Point of View
"Saan mo naman nakuha ang mga ito?"
"Mas mabuting wag mo na lang alamin"
"Huwag ka dyan, paano kung may sakit yung pinagkunan mo ninto edi nagkaroon pa ako ng sakit"
"Ang arte naman nito, malinis po ang may-ari nyan tara na nga ang dami mo pang sinasabi" ako sabay kuha sa kamay nya at hinila ito para makatayo sya
"Ma swimming lang po kami" paalam ko
"Ah sige mag-iingat kayo ah" Mama na nasa kwarto nya
"Wait magpapalit lang muna ako ng short"
"Ah sige bilisan mo" ako sabay bitaw sa kamay nya
Pumunta na nga sya sa banyo para magpalit, ilang segundo lang naman ay lumabas na sya ng banyo suot ang short na hiniram ko kay Sean
Pagkatapos nyang magpalit ng short ay hinihagis muna nya yung dalawang polo at isa pang short sa upuan na ibinato ko sa kanya kanina
Hinawakan ko na nga ulit ang kamay nya sabay takbo nang mabilis papunta sa dagat kung saan malapit lang naman dito sa Elven Forest
Ilang minuto lang naman ay nakarating na rin kami kaya naman binitawan ko na sya
"Kahit kailan talaga hinihingal ako sayo sa tuwing hihilahin mo ako ng patakbo" Kyle na halatang hingal na hingal
"Ayaw mo nun para mabilis tayong makarating"
"Teka nasaan naman tayo"
"Nasa dalampasigan"
"Alam kong nasa dalampasigan tayo ibig kong sabihin anong tawag sa lugar na ito"
"Ah yun ba tinatawag, itong Kerrie Beach"
"Kerrie Beach?"
"Yup oh pano mauna na ako sayong lumusong ah" ako sabay takbo palapit sa dagat
Agad ko namang binasa ang buong katawan ko at parang tulad lang ng ginagawa ko kapag naliligo sa ilog, hindi ako lumalangoy kundi ginagamit ko ang kamay ko para basahin ang katawan ko
Habang binabasa ko ang katawan ko ay bigla naman akong napatingin kay Kyle na dahan-dahan lumalapit sa akin habang dahan-dahan din nyang tinatanggal ang suot nyang tshirt sabay bato sa kung saan matapos nyang hubarin
BINABASA MO ANG
Immortal Love(On-going)
VampirosSubaybayan ang kwento ni Cath kung saan makakarating sya sa mundo ng mga tao kasama ang mortal na si Kyle na isa palang Playboy habang hinahanap naman silang dalawa ni Prince Mathew na isa namang prinsepe sa kaharian ng Bermesiah. Alamin din ang pag...