Chapter 6
"Cath bakit parang ang bilis nyang nawala?" pagtataka ni Sean
Cathy Point of View
"Hay naku Sean hayahan mo na sya" ako na pinagpatuloy ang paglalakad
Teka nga lang hindi pwede Sean ang itawag ko sa kanya
Dahil Sean ang tawag ko kay Sean Mathew kaya hindi pwedeng parehong Sean ang itawag ko sa kanilang dalawa
Siguro Kyle na lang ang itatawag ko sa kanya para mas maganda
"Oh Kyle sumunod ka na lang sa akin"
Kahit hindi sya magsalita ay alam kong sumusunod lang sya sa akin
Dahil ramdam na ramdam ko ang sense nya pati na rin ang anino nya
Habang naglalakad kami ay bigla naman ako napahinto sa paglalakad
"Oh bakit ka huminto"
"Pssssssss huwag kang maingay"
"Bakit?"
"Basta huwag kang maingay" ako na dahan-dahan naglalakad paatras
"Teka ano ba kasing ginagawa mo at saka ano ba yan tinigtignan mo na color green"
Bigla naman gumalaw yung tinitignan ko at humarap ito sa amin
Pagkaharap ko ay bigla kong hinawakan ang kamay ni Kyle
"Kyle pagsinabi kong takbo, takbo"
"Pero bakit"
"1 2 3, takbo" ako sabay takbo ng mabilis
Kahit hindi ako tumingin sa likuran ay alam kong hinahabol kami ng Goblin
Ang Goblin ay parang isang duwende pero malaki ito kasing laki ito ng Gorilla
Ang mga Goblin din ay matatagpuhan sa gitna ng gubat na kung saan ay naghahanap ng matitirahan
Mahilig mambato ng mga bato ang mga Goblin kaya lagi silang may bitbit na bag sa likod nila na kung saan ang laman ay puro bato na matitigas
Kung sino man ang makita ng mga Goblin ay tiyak na hindi ka titigilan na batuin hanggang sa mawalan ka ng malay para lutuin at kainin
Kahit kailan talaga ayokong maencounter ang mga Goblin
Paano ang baho-baho nila parang akala mo hindi naliligo
Habang patuloy kami sa pagtakbo ay natatanaw ko naman ang kabilang lugar
Bigla ako napahinto sa pagtakbo dahil sa walang tulay ang nakaconnect papunta sa kabila
"Sandali Cath anong klaseng nilalang iyon?"
"Maya ka na lang magtanong kapag hindi na tayo hinahabol"
"Edi ano ng gagawin natin, huwag mong sasabihin na tatalon tayo"
"Aba syempre hindi"
"Edi ano ngang gagawin natin?"
"Tatalon papunta dun sa kabila"
"Pero ang layo"
"Basta kumapit ka lang sa akin ng mabuti"
Hinigpitan ko ang pagkapit sa kanya at bumuwelo muna ako bago tumalon
Matapos kong bumuwelo ay tumalon na nga ako patawid sa kabila
Nakatawid na nga kaming dalawa sa kabila
Kitang kita naman namin na yung Goblin ay huminto sa paghabol sa amin at bumalik na lang ito kung saan namin sya nakita kanina
"Teka nga ano bang klase kayong tao paano mo nagawa na makatalon mula dito hanggang doon? Kahit sinong tao walang makakagawa nun"
BINABASA MO ANG
Immortal Love(On-going)
VampireSubaybayan ang kwento ni Cath kung saan makakarating sya sa mundo ng mga tao kasama ang mortal na si Kyle na isa palang Playboy habang hinahanap naman silang dalawa ni Prince Mathew na isa namang prinsepe sa kaharian ng Bermesiah. Alamin din ang pag...