Immortal Love Chapter 10 - Unexpected Kiss

133 8 0
                                    


Chapter 10

"Saan ka galing?"

Cathy Point of View

"Aba bakit miss mo ako kaagad?"

"Aba syempre hindi, assuming ka pala"

"Wow ako assuming"

"Oo feeler na babae"

"Alam mo minsan nagtataka ako ano bang meron kang ugali kasi hindi ko maintindihan kung mabait ka ba, o pinanganak ka lang sa mundong ito para mang-asar at mang-inis"

"Mabait kaya ako"

"Mabait saan banda?"

"Hindi lang mabait gwapo pa"

"Tsk! humandar na naman nyang pagiging mahangin mo"

"Totoo naman ah"

"Edi okay gwapo ka na...... kasu ikaw lang ang nakakaalam" ako sabay walk out

Pumasok na lang ako sa kwarto ko para kumuha ng mga damit at maligo

Medyo mainit kasi sa labas kaya pinagpawisan ako habang kasama ko si Sean na namamasyal

"Cath matanong nga kita"

"Ano yun?" ako na busy sa paghahanap ng susuotin ko

"Hindi ka ba naiinlove sa akin?"

"Ang totoo nababaliw ka na ba?" ako sabay harap sa kanya

"Huh anong ibig mong sabihin?" Kyle na parang gulat na ewan

"Ano na naman pumasok sa utak mo para itanong mo sa akin kung naiinlove ba ako sayo"

"Bakit hindi ba?"

"Bakit sa mukha ko ba ito mukha akong inlove sayo?"

"Hmmmmmm hindi"

"Yun naman pala magtatanong ka pa"

"Pero kasi sa amin sa tuwing may nakikilala akong mga babae wala pang segundo inlove na kaagad sa akin"

"Sa inyo yun hindi dito" ako sabay talikod sa kanya para maghanap ulit ng damit

"Sa bagay bampira ka kasi kaya siguro walang epekto sayo yung malaprince charming kong mukha"

"Alam mo gutom lang nyan kung anu-ano na lang pinagsasabi mo"

"Gutom ka dyan dami ko ngang nakain kanina"

"Ewan ko sayo maliligo na lang ako" ako na tapos na paghahanap ng susuotin ko

"Last question na lang"

"Ano naman yun" ako sabay harap sa kanya

"Kung hindi ka naakit sa mukha ko eh sa katawan ko ba hindi rin?" sya sabay taas ng sando nya

Kitang-kita naman na dalawa kong mata ang bakat na bakat nyang mga abs

Syeeeeeeeeeetttttttttttttt bakit parang natetense yata ako nang makita ko ang katawan nya

Cathy tigilan mo ang pagtitig sa katawan nya dahil baka mainlove ka talaga sa kanya kaya close the eyes

"Hindi rin" ako sabay labas ng kwarto ko habang nakapikit, dala ko rin ang mga damit ko

Pumunta na nga ako nang banyo at sinimulan ko nang maligo

Ilang minuto lang naman ay natapos din ako sa pagliligo kaya naman isinuot ko na yung damit ko

Matapos kong magsuot ay lumabas na ako ng banyo, pinunas-punas ko naman yung tuwalya sa buhok ko para mabilis tumuyo

Habang pinupunasan ko nang tuwalya ang buhok ko ay napansin ko naman na nakatingin sa akin si Kyle

"Oh anong tinitingin-tingin mo dyan?" tanong ko pero hindi naman sya sumagot

Bigla naman akong napatingin sa kamay nya at napansin kong hindi nya suot yung ring, bigla rin naman akong nakaramdam na may papalapit sa bahay namin at tatlo sila

Hindi ko alam kung anong gagawin ko basta ang naisip ko lang ay lapitan sya at isandal sya sa pader, pagsandal ko naman sa kanya sa pader ay kusang dumikit ang labi ko sa labi nya

Pagdikit ng labi ko sa labi nya ay kusa itong gumalaw, naramdaman ko naman na kumikilos din ang labi nya

Wadafaq! ano itong ginagawa ko, bakit ako nakikipaghalikan sa kanya? pinagpatuloy ko lang naman ang paghalik sa kanya habang nasesense ko nandito pa rin sila

Ilang minuto lang ay naramdaman kong wala na sila kaya naman mabilis akong bumitiw sa pagkakahalik nya sabay pasok sa kwarto at sara sa pinto

Pagpasok ko sa kwarto ay napaupo na lang ako sa tapat ng pinto at para akong natulala dahil sa nangyari

(Finally magkaka PoV na rin si Sean Kyle)

Kyle Point of View

Habang nakaupo ako ay napansin ko naman na biglang bumukas ang pinto ng banyo kaya naman napatingin ako

Pagtingin ko ay bigla akong napatayo at napatulala kay Cath habang pinupunasan nya ang buhok nya gamit ang tuwalya

Bakit ganito? imbis na sya ang mainlove sa akin bakit parang pakiramdam ko ako ang naiinlove sa kanya

"Oh anong tinitingin-tingin mo dyan?" tanong nya pero hindi ko sya sinagot basta nakatitig lang ako sa kanya

Habang tinititigan ko sya ay nagulat ako nang mabilis syang lumapit sa akin, isinandal ako sa pader at bigla na lang akong hinalikan

Dahil sa paghalik nya sa akin ay hinalikan ko rin sya gaya nang ginagawa ko sa ibang babae na walang alam kundi matikman lang ang matamis kong labi

Pero habang hinahalikan ko sya ay naninibago ako, pakiramdam ko hindi kagwapuhan, masarap kong katawan at matamis kong labi ang dahilan kung bakit nya ako hinahalikan

Hindi ko maipaliwanag kung bakit basta wala sa mga katangian na iyon kung bakit sya nakikipaghalikan sa akin

Kahit nakapikit ang mga mata ko ay ramdam ko na may tao sa harapan namin, alam kong hindi Mama ni Cath ang nasa harapan namin

Bigla ko naman naalala na hindi ko pala suot ang ring dahil nasa bulsa ko ito kaya habang naghahalikan kaming dalawa ay isinuot ko ito hanggang sa bigla na lang bumitiw sya sa pagkakahalik, hinabol ko naman ang labi nya para halikan pa ulit pero mabilis syang pumasok ng kwarto nya sabay sara sa pinto

Ano ba itong nangyayari sa akin, kahit kailan hindi ako humahabol ng labi para halikan pero bakit ng sya na ang nakikipaghalikan sa akin ay parang gusto ko ipagpatuloy lang

Haist!, dahil sa hindi ko inaasahan na halik nya ay nagkakaganito ako

Ano bang meron sa kanya na wala sa mga nakarelasyon kong babae? Dahil ba sa hindi sya tao kaya ganito na lang ang nararamdaman ko?

Shit gulong-gulo ang isip ko kaya naman lumabas na lang ako nang bahay at naglakad-lakad

Gusto kong manigarilyo pero naalala ko na nasa ibang lugar ako kaya wala akong nagawa kundi maglakad-lakad habang sinasariwa ang hangin

*Conversation ng tatlong bampira*

"Tama ba ang naamoy natin?"

"Oo, hindi ako pwedeng magkamali na amoy ng tao ang naamoy natin"

"Pero bakit ng sundan natin yung amoy bigla na lang ito nawala tapos nakakita pa tayo nang naghahalikan"

"Oo nga pero si Cathy yung babae iyon diba"

"Ewan nakatalikod hindi ko nakita yung buhok"

"Hayahan na nga lang natin gutom lang siguro ito kaya akala natin may tao malapit dito"

"Mabuti nga, tara labas na lang tayo dito at dun tayo kumain sa mundo nang mga tao"

"Baliw, hindi mo ba alam na isinara ang lagusan"

"Ganun ibig sabihin totoo nga yung balita pero paano tayo makakapunta sa mga tao?"

"Huwag kang mag-alala may naisip ako"

"Ano naman?"

"Puntahan natin si Prince Mathew at baka matulungan nya tayo"

"Mabuti nga yang naisip mo tara"

Immortal Love(On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon