Immortal Love Chapter 21 - Wizard Blood

55 2 15
                                    

Chapter 21

Abby Point of View

Pagkatapos kong kumain ay pumunta muna ako sa kusina para kumuha ng vegetables sa ref pero nagulat ako ng bigla akong hinila ni Manang Belen sa gilid ng kusina

"Manang Belen may problema po ba?" tanong ko sa kanya

"Mam mag-iingat po kayo kay Cathy" seryosong pagkakasabi ni Manang Belen

"Pero bakit at Manang Belen, uso na po ba ang paggawa ng kwintas gamit ang bawang?"

"Mam bampira po si Cathy, kaya nagsuot ako ninto pangontra sakaling sugurin nya ako"

"Manang okay lang ba kayo, bakit mo naman pinag-iisipan na bampira si Cathy?"

"Basta Mam nakakasigurado ako na bampira si Cathy kaya kailangan natin mag-ingat sa kanya"

"Manang Belen, alam ko pong never pa kayong nagsinungaling sa amin pero imposible po nyang sinasabi nyo lalo na sa panahong ito hindi na uso ang tungkol sa mga bampira dahil isa lang naman silang imahinasyon ng tao kaya hindi nyo dapat kailangan maniwala sa mga ganyan dahil walang bampira"

"Mali ka dyan Mam dahil mayroon, naniniwala ako na susugod din sila para ubusin tayong mga tao"

"Ganito na lang Manang, diba ang mga bampira nasasaktan once na nakakahawak sila ng bawang o asin"

"Oo ganun na nga po Mam, bakit nyo po natanong"

Kumuha naman ako ng isang bawang at kumuha rin ako ng kunting asin at inilagay ko ito sa palad ko

"Oh Cathy tapos ka na ba sa pagkain?" tanong ko pagkapasok ni Cathy sa kusina

"Ate Abby ang sarap ng pagkain nyo" Cath na halatang nasarapan sa pagkain na hinanda

"Cathy pwedeng humingi ng favor sayo?"

"Okay lang po Ate Abby, kahit ano gagawin ko"

"Well may pinag-aaralan kasi ako kaya gusto ko sana hawakan mo itong bawang sa kaliwa mong kamay habang itong mga asin naman ay nasa kanang kamay mo"

"Ah ganun ba, sige akala ko naman mahirap na madaling lang pala"

Ibinigay ko na kay Cathy ang bawang habang inilagay ko naman sa palad nya ang kinuha kong asin

"Ate Abby anong gagawin ko pagkatapos ninto"

"Ahmmm sige samahan mo na lang si Kyle doon, sinubukan ko lang kung totoo ba yung sinasabi nila na nakakabigat ang bawang pero mukhang hindi naman pala" gawa-gawa ko lang ito para hindi sya mag-isip ng kung ano

"Sige Ate Abby labas na ako, hinatid ko lang ito sayang" Cathy sabay lapag sa lamesa ng juice

Pagkalabas ni Cathy ay agad akong tumingin kay Manang Belen para kausapin

"Manang Belen, siguro naman nakita nyo na hindi sya nasaktan matapos nyang hawakan ang bawang at asin"

"Pero... baka gumamit sya ng kapangyarihan kaya hindi sya nasaktan pero Mam ang alam ko walang nakakaligtas sa tanso na bakal kaya baka sakali doon masaktan sya"

"Manang kung bampira nga po talaga si Cathy sana pagkakita pa lang nya kay Kyle ay pinatay na nya ito pero kita mo naman siguro na ligtas na nakauwi si Kyle dito"

"Pero Mam....." Manang na hindi maituloy ang sasabihin dahil sa hindi nya alam kung ano ang isasagot

"Basta Manang imbes pag-isipan natin ng masama si Cathy ay magpasalamat na lang tayo dahil kung hindi dahil sa kanya ay hindi makakauwi ng ligtas dito si Kyle"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Immortal Love(On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon