Immortal Love Chapter 16 - Two Prophecy

95 7 2
                                    

Chapter 16

Sean Point of View

"Mom sigurado ka ba na may lagusan din dito?" tanong ko kay Mom habang nasa loob kami ng isang maze

"Oo naman" sagot ni Mom

Hindi ko alam kung paano nagkaroon din ng lagusan dito sa garden namin kung saan merong maze, basta sumusunod lang ako kay Mom sa paglalakad

Ilang segundo lang naman ang lumipas ng paglalakad ay nakarating kami sa pinakadulo ng maze kung saan labasan papuntang likod ng palasyo

Maglalakad na sana ako palabas ng gate ng bigla naman akong pinigilan ni Mom kaya hindi natuloy ang paglabas ko sa maze

"Dito ka muna sa tabi ko" Mom na hinila ako papunta sa tabi nya

Pagkatapos nya akong hilahin ay bigla naman nyang tinanggal ang suot nyang kwintas at itinaas ito para itapat sa gate na labasan ng maze

Pagkatapat ni Mom ng kwintas nya sa gate ay umilaw ito at bigla na lang naging portal ang gate ng maze

"Mom bakit parang ngayon ko lang yata nalaman ang tungkol dito?" pagtataka ko

"Sean Anak marami ka pang hindi alam tungkol sa kaharihan ng Bermesiah pero bago kita hayahang pumasok sa portal na iyan ay may ibibigay muna ako sayo" Mom sabay lagay ng ring sa palad ko

"Para saan ito"

"Gusto kong pagkarating mo sa mundo ng mga tao ay susuotin mo yan at kahit anong mangyari ay hindi-hindi mo iaalis nyan sa kamay mo"

"Mom para saan pa ito kung meron na akong suot na necklace?"

"Oo nga pala akin hubarin mo yan" utos sakin ni Mom

"Huh pero bakit?"

"Prince Mathew bilang Queen ng kaharian ng Bermesiah ay sundin mo na lang ang utos ko"

"Si Mom naman talaga oh" ako sabay hubad sa necklace at bigay sa kanya

"Basta promise mo sakin na hindi mo huhubarin nyang singsing, isipin mo yan ang kapalit sa pagkuha ko sa kwintas mo"

"Opo Mom susundin ko po ang bilin mo"

"Prince Mathew, Queen Eliza!"

Nagulat kami sa narinig namin ni Mom kaya agad kaming napalingon sa likod, paglingon namin ay si B. Adana lang pala

Tatakbo na sana sya palayo sa amin ng bigla naman syang nahabol ni Mom at isinandal sa mga harang na maze

Immortal Love(On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon