Immortal Love Chapter 15 - Follow Her

111 9 2
                                    


Chapter 15


[Oo nga po pala huwag kayong magtaka kung sa chapter na ito ay puro conversation ang nagaganap, wala kasi ako sa mood kaya puro conversation ang ginawa ko at saka kahit papaano naman may description pa rin pero mas lamang nga lang ang conversation kaya PEACE po tayong lahat. Sana lang talaga ay bigla kayong nakaramdam ng excitement matapos nyong masaba ang Chapter 14. God bless sa inyo and vote anytime]


Author Point of View


"Mathew anong nangyari kay Sean?" worried na tanong ni Queen Eliza


"Dalhin mo muna sya sa kwarto para mabilis na gamutin ang mga sugat nya" utos ni King Mathew sa kanyang asawa


Mabilis naman na kinuha ni Queen Eliza si Sean para dalhin sa kwarto at gamutin ang mga sugat na natamo ni Sean matapos nyang makipaglaban sa kapwa bampira


Bago umalis si Queen Eliza bitbit ang kanyang Anak ay napatingin muna sya kay Samantha at bakas sa mukha ni Queen Eliza ang pag-aalala kung anong pwedeng mangyari sa kanyang kaibigan


Matagal ding panahon na nanilbihan si Samantha sa palasyo at dahil sa tapat si Samantha ay naging magahan ang loob ni Queen Eliza sa kanya kaya mabilis nya itong naging kaibigan at yun din ang dahilan kaya naging magkaibigan ang anak nilang dalawa na sina Cath at Sean


Pero ngayon hindi nya alam kung paano nya tutulungan ang kanyang kaibigan lalo na at alam nyang wala syang kalaban-laban sa kanyang asawa na si King Mathew


"Sige kawal iwanan nyo muna kami" utos ni King Mathew sa mga kawal


Umupo muna si King Mathew sa kanyang pwesto habang nakaluhod naman si Samantha at nasa harapan nya ang mga Bishop


"Samantha marami kaming gustong itanong sayo kaya sana sagutin mo kung ayaw mong ikadena ka pa namin" Pinunong Bishop Akim


"Bakit mo hinayahan na patuluyin ang mortal sa bahay ninyo kahit alam mong pinautos namin sayo na magmasid sa gubat para hanapin ang mortal na nakapasok dito sa mundo natin"


"Dahil walang kasalanan ang mortal na iyon para paslangin nyo at kunin ang dugo nya"


"Tumigil ka Samantha! alam mong hindi lang dugo ang pakay namin sa kanya" B. Amura


"Kung ganun gusto nyong alamin kung paano sya nakapasok sa mundo natin kahit nakasara ang lagusan?" tanong ni Samantha sa kanila


"Ganun na nga Samantha" B. Kasul


"Gaya ng sabi ko walang kasalanan ang mortal marahil aksidente lang ang pagkapunta nya dito sa mundo natin" sagot ni Samantha


"Pero sa paanong dahilan at nagawa nyang makapasok lalo na't isang dugong maharlika lamang ang magagawang buksan ang isang lagusan" B. Baragwa


"Kung ako ang tatanungin nyo siguro may isa sa kaharian ng Bermesiah na binuksan ang lagusan kahit alam nating isinara na ito at dahil sa may nagbukas nakalimutan yata nya na isara kaya hindi namalayan ng mortal na ang dinadaanan nya ay lagusan na pala papunta sa ating mundo lalo na't naikwento nya samin na naaksidente sya at napadpad sa isang isla na kung saan doon matatagpuan ang lagusan" paliwanag ni Samantha


"May punto sya" Pinunong Bishop Akim


"Pero mali pa rin na hindi man lang nya tayo sinabihan ang tungkol dito matapos nyang matagpuhan ang mortal" B. Adana


"Kung ganun tapos na ang usapan dalhin nyo na sya sa kulungan para pagbayaran ang paglilihim nya satin" King Mathew


"Masusunod po King Mathew" sabay na sagot ni B. kasul at Baragwa

Immortal Love(On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon