Immortal Love Chpater 9 - The Bishop

108 8 0
                                    


Chapter 9

"Hoy gising"

Cathy Point of View

"Maya na po Ma inaantok pa ako" sagot ko habang nakapikit ang mga mata ko

"Hoy Cath gising"

"Mama naman eh sandali lang po" ako sabay takip ng unan sa ulo ko

"Hindi ka ba talaga gigising dyan?"

Hindi ko na lang sinagot si Mama dahil pinagpatuloy ko na lang ulit ang pagtulog ko

Habang sarap na sarap ako sa pagtulog ay mabilis akong napatayo sa kama ko

"Mama naman..... Kyle?"

"Kahit kailan talaga ang hirap mong gisingin"

"Anong ginagawa mo sa kwarto ko?"

"Baka nakakalimutan mo dito ako pinatulog ng Mama mo"

"Ano bang kailangan mo at ginising mo ako?"

"Nagugutom na kasi ako"

"Oh bakit hanapan ba ako ng pagkain"

"Hindi pero kuha ka naman ng pagkain please!"

"Aba'y tinde mo kalalaking tao mo kung makapag-utos ka"

"Eh ano magagawa ko sa ating dalawa ikaw lang naman ang may kakayahan na makahanap kaagad ng pagkain"

"Alam mo gusto na talaga kitang kainin ng sa ganun wala na akong prinoproblema"

"Huwag gusto ko pang magkaroon ng pamilya noh"

"Hay nako maghanap ka mag-isa"

"Please!"

"Hintayin mo na lang si Mama baka may dala yun na pagkain"

"Eh baka mamaya pa babalik yun"

"Problema mo na yun"

Tokkkkk Tokkkkk Tokkkkk

Tokkkkk Tokkkkk Tokkkkk

Tokkkkk Tokkkkk Tokkkkk

"Oh baka si Mama na yun"

Lumabas naman si Kyle ng kwarto ko para pumunta sa pintuhan para buksan

kahit hindi pa ako nakakapaghilamos at nakakapagmumog ay lumabas din ako ng kwarto para kausapin si Mama

Nakita ko naman na binuksan ni Kyle ang pinto, pagkabukas ni Kyle sa pinto ay nagulat ako sa nakita ko

"Cathy hindi porkit hindi na nagtrarabaho ang Mama mo sa palasyo ay kinakalimutan mo na ang pagbibigay galang sa isang Bishop"

Bishop - Isa sa mga may pinakamataas na posisyon sa palasyo pero nasa pang-apat lang sila. Sabihin na natin na ang mga Bishop ay halintulad sa mga Officer, nagtitipon-tipon sila kasama ang hari at Reyna para pag-usapan kung ano ang nagaganap sa kaharian. Isa rin sila sa mga nagsusugeest sa mga dapat gawin habang ang Hari't Reyna pati na rin ang Pinunong Bishop ang nagdedesisyon sa dapat gawin.

"Patawad po B. Adana" ako sabay yuko ng ulo ko senyales ng pagbibigay galang

(B. - shortcut for the "Bishop" yun lang naman)

"Pumunta lang ako para kausapin mo ang Mama mo, nandyan ba sya?"

"Ahm wala po si Mama dito"

"Ganun ba, sabihin mo pumunta ako at hinahanap ko sya"

"Masusunod po"

"Sandali nga lang"

"Bakit po iyon?"

Immortal Love(On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon