Immortal Love Chapter 11 - Kyle's Blood

102 8 0
                                    


Chapter 11

"Prince Mathew may naghahanap po sa inyo"

Sean Point of View

"Sino?"

"Mga kaibigan mo po"

"Ah sige papasukin mo na lang dito"

"Masusunod po"

Habang nakaupo ako sa malaki naming bintana at pinagmamasdan ang buong Bermesiah ay umupo muna ako sa table ko para kausapin yung naghahanap sa akin

Bigla naman may kumatok sa pinto kaya sabi ko "tuloy" at nagsipasukan nga silang tatlo sa kwarto ko, umupo naman sila sa harap ko

"Oh kayo pala Vince, Zel at Arc anong kailangan nyo?"

"Prince Mathew pwede mo ba kaming tulungan?" tanong ni Vince

"Anong klaseng tulong?"

"Sa ating apat kasi ikaw lang ang may kakayahan na buksan ang lagusan patawid sa mundo nang mga tao" sagot naman ni Zel

"At ano naman gagawin nyo sa lugar ng mga tao?"

"Mamamasyal" sagot naman ni Arc

"Mamamasyal o papatay?"

"Kasama na rin"

"Sorry pero hindi ko kayo mapagbibigyan" ako sabay tayo at talikod sa kanilang tatlo

"Pero Prince Mathew bilang magkaibigan tulungan mo kami"

"Huwag na huwag nyong susubukan pumunta sa mundo nang mga tao kung hindi mamamatay kayo" ako habang ginagamitan sila ng kapangyarihan ko

"Masusunod po" sabay-sabay nilang sabing tatlo

"Umalis na kayo dito sa palasyo" utos ko at nagsilabasan na nga silang tatlo sa kwarto ko

Ganito na lang ba palagi ang takbo nang buhay namin, papatay at sisipsip ng dugo nang tao para lang mabuhay?

Buti pa ang pinakamamahal kong babae ni kahit kailan hindi nyang sinubukang tumikim o sumipsip ng dugo ng tao samantalang ako kahit hindi pumapatay ay nakakasipsip nang dugo dahil sa mga alalay namin

Kailan nya kaya ako mamahalin, hanggang kaibigan na nga lang ba talaga ang turing nya sa akin?

"Oh Anak mukhang malungkot ka yata"

"Kahit kailan talaga ang bilis nyong malaman kapag nalulungkot ako" ako sabay harap sa kanya

"May problema ba?"

"Mom alam mo ba may mahal na akong babae"

"Serious? bakit parang ngayon ko lang yata nalaman nyan pero sino naman kaya ang napakaswerteng babaeng iyan?"

"Kasu hindi naman nya ako mahal dahil ang turing lang nya sa akin ay isang matalik na kaibigan"

"Si Cathy ba yan?"

"Huh paano nyo naman nasabi?"

"Mathew bata pa lang kayong dalawa ay alam kong may gusto ka na sa kanya, kaya nga ipinasok ko sya kung saan ka nag-aaral kahit isa syang Anak ng Plebians para makasama mo sya"

"Alam din po ba ito ni Dad"

"Hindi, dahil alam kong hindi nya matatanggap na si Cathy ang makatuluyan mo"

"Ibig po bang sabihin ninto ok sa inyo si Cath?"

"Bakit naman hindi, naging mabuti sya sa akin hindi bilang Reyna kundi bilang kapwa bampira nya"

"Pero ano pong gagawin ko"

"Hindi ako ang makakasagot nyan"

"Bakit pa kasi sya ang minahal ko, edi sana hindi ako nahihirapan ng ganito"

"Mathew ito ang tandahan mo kung kayo talaga ni Cath gagawa ang tadhana para maging kayo pero kung hindi naman wag mo na lang subukan dahil masasaktan ka lang"

"Pero ganun naman talaga Mom diba, kapag nagmahal ka dapat handa ka rin masaktan"

"Aba-aba saan mo naman nakukuha ang mga iyan" Mom sabay ngiti

"Wala naman may nabasa lang ako sa libro"

"Oh sige Anak aalis muna ako para puntahan ang Dad mo"

"Sige po Mom"

Umalis na nga si Mom kaya naiwan na naman ulit akong mag-isa habang malungkot at hindi alam ang gagawin kung paano nya ako mamahalin hindi bilang matalik na kaibigan, kundi mahal nya talaga

Cathy Point of View

Habang nakasandal pa rin ako sa pinto ay napatingin naman ako sa orasan at narealize ko na mahigit dalawang oras na pala akong nakaupo dito at nagmumuni-muni sa nangyari kanina

Sinubukan ko naman tumayo at inisip na parang walang nangyari at ng ready na ako ay lumabas na ako ng kwarto, pagkalabas ko naman ng kwarto ay hindi ko nakita si Kyle

"Saan naman kaya nagpunta ang lalaking iyon? Huwag nyang sabihin na gumala sya"

Lumabas ako nang bahay para hanapin sya pero syempre bago ako lumabas ay isinara ko muna ang mga pinto at bintana na bukas

Habang naglalakad ako at pinagmamasdan ang paligid ay sinisigaw ko rin ang pangalan nya na nagbabakasakaling marinig nya at malapit lang sya sa kinalalagyan ko

"Kyle" sigaw ko pero wala naman sumasagot

Pinagpatuloy ko naman ang paglalakad ko hanggang sa mapansin ko na lang na malapit na pala ako sa palasyo

Bigla naman akong nakaamoy na kakaiba at parang pareho sya nang amoy nung araw na nakita ko si Kyle sa ilalim na bangin kaya naman naisip ko na baka may kumain sa kanyang halimaw o bampira kaya naamoy ko ang dugo nya

Mabilis ko namang sinundan ang amoy ng dugo nya hanggang sa makita ko sya sa tabi nang puno at may tumutulo na dugo galing sa kamay nya, agad ko naman syang nilapitan para kausapin

"Anong nangyari sayo?"

"Nasugatan kasi ako dahil sa dahon" sagot nya habang hinayahan lang nya na tumulo ang dugo sa kamay nya

"Patay, hindi pwedeng magpatuloy ang pagtulo ng dugo mo dahil sugarado ako na ilang segundo lang ay may lalapit sa atin na bampira"

"Eh anong gagawin ko?"

Bigla naman may nagflashback sa utak ko noong bata palang ako

*Flashback*

"Ma ano po ito?"

"Yan ang tinatawag na V Necklace"

"V Necklace, ano pong klaseng kwintas ito?"

"Alam mo Cathy regalo sa akin nyan ng Lola mo"

"Kung ganun po bakit nyo po sa akin binibigay Ma?"

"Kasi Anak kita kaya sa oras na ito sayo na yang kwintas"

"Salamat po Mama"

"Oo nga pala huwag na huwag mong kakalimutan na ang kwintas na yan ay maraming kakayahan"

"Kakayahan po tulad ng alin?"

"Sa oras na itapat mo ang kwintas na yan sa sugat ay kusa itong gagaling"

"Ibig pong sabihin may magic ito?"

"Tama ka may magic nga yan kaya huwag na huwag mong iwawala nya at lalong-lalo na huwag mong tatanggalin nyan dapat lagi mong suot nyan saan ka man pumunta kahit sa pagligo mo dapat suot mo pa rin yan"

"Huwag ka po mag-alala Mama pinapangako ko hinding-hindi ko po ito huhubarin"

"Pangako?"

"Opo promise"

*End of Flashback*

Hinawakan ko ang suot kong kwintas at itinapat ito kamay ni Kyle na patuloy pa rin ang pagtulo nang dugo

Matapos kong itapat ang kwintas sa kamay nya ay kitang-kita naman ng dalawa kong mata na unti-unting nawawala ang sugat nya sa kamay hanggang sa tuluyan na ngang nawala ang sugat at pagtulo nang dugo sa kamay nya

"Tara magtago muna tayo may paparating" ako sabay hawak sa kamay nya, mabilis naman kaming pumunta sa likod ng isang malaking puno

Habang nagtatago kami sa likod ng malaking puno ay sumilip naman ako para tignan yung dalawang lalaki na nasa pwesto namin kanina

"Hindi ako pwedeng magkamali dahil dugo nga ito nang tao"

"Kung ganun paano nakapasok ang isang tao dito, diba matagal ng isinara ang lagusan"

"Hindi ko alam basta hanapin na lang natin kung sinon man sya at tiyak na busog tayo"

"Tara hindi pa yun nakakalayo"

Umalis na nga silang dalawa, matapos kong marinig ang pag-uusap nila ay ngayon ko lang nalaman na matagal na palang isinara ang lagusan pero paano nga ba talaga nakapasok si Kyle sa lugar na ito?

Hay ewan si Mama na lang siguro ang tatanungin ko at baka may alam sya

"Diba sinabi na sayo ni Mama na huwag na huwag kang lalabas ng bahay dahil panganib"

"Bakit ba ang hilig mo akong sermunan"

"Kasi ang tigas ng ulo mo, hindi ka ba marunong makinig"

"Marunong"

"Yun naman pala, tara na nga at baka may makakita pa sa atin dito"

Nagsimula na nga kaming dalawa maglakad papunta sa bahay

Immortal Love(On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon