Immortal Love Chapter 14 - The Portal

86 7 3
                                    


Chapter 14

"Mom anong meron bakit nakita kong pinaghahanda ni Dad ang mga kawal?"

Sean Point of View

"Sorry Anak pero balak nilang sugurin ang bahay nina Mia"

"Huh! pero bakit?"

"Nalaman na kasi nila na sa bahay nina Samantha tumutuloy ang mortal kaya balak nilang sugurin ang bahay para hulihin sya kasama na rin si Cathy"

Aalis na sana ako palabas ng palasyo ng bigla naman akong pinigilan ni Mom

"Sean saan ka pupunta?"

"Mom alam mo pong mahal na mahal ko si Cath kaya hindi ko aayahan na may mangyaring masama sa kanya pati na rin kay Tita Samantha"

"Pero kasama and Dad mo sa paglusob"

"Wala akong pake kahit kalabanin ko pa ang sarili kong Ama, matagal ko rin tiniis na sundin kayo kaya pwes susundin ko naman kung anong gusto ko"

Binitawan naman ako ni Mom kaya nagmadali na akong umalis palabas ng palasyo papunta sa bahay nina Cath kailangan matulungan ko silang dalawa laban kala Dad

Alam kong mas malakas si Dad kaysa sa akin pero hindi ko kakayanin na mapahamak si Cath lalo na at sarili kong kadugo ang dahilan kaya mas mabuting magkaalaman na lang kami ni Dad ng sa ganun mailigtas ko lang sya

Cathy Point of View

"Oh Kyle maghanda ka na pala para bukas" sabi ni Mama kay Kyle

"Bakit po, anong meron bukas?"

"Dahil ibabalik ka na ni Mama sa mundo ninyo"

Napansin ko naman na bigla syang ngumiti pero parang pilit lang

"Sige kumain na tayo"

Kumain na nga kaming tatlo pero habang kumakain kami ay biglang napahinto si Mama sa pagkain

"Ma may problema po ba?" pagtataka ko, medyo seryoso kasi ang itsura ng mukha ni Mama

"May paparating"

Bigla ko rin naman naramdaman na may paparating papunta sa bahay namin at marami sila

"Sige Anak at Kyle pumasok kayo ng kwarto ko"

"Pero bakit po Ma"

"Basta pumasok na kayo"

Wala naman akong nagawa kundi sundin si Mama bale hinila ko si Kyle papasok ng kwarto ni Mama

Immortal Love(On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon