ENTRY 13

1.1K 23 1
                                    


PASENSYA NA PO VIA PHONE PO AKO NAGUPDATE KAYA MEDYO MAGULO...

****

"Yummy!" Sabi ko habang hinihimas-himas ang busog kong tiyan. Sigurado nagpipyesta na ang mga bulate ko! Bwahaha!

" tss. Kakaiba ka talaga . " nangingiting sabi nito.

" 'cause I'm unique and uniqueness is beauty!" Proud kong sabi. Aba! Yan ang motto ko sa buhay. " be proud of what you have and who you are!"

Hindi ko alam pero bigla na lamang akong napatingin kay Spade and ... ohlala!

Ngayong nakakain na ako , gumana na rin ang nervous system at hormones ko isama mo pa ang kalandian ko !

Tiningnan ko siya mula paa hanggang ulo, nakacocky shorts siya tapos binagayan niya ng V-cut white T-shirt, napakasimple pero lalong nadagdagan ang kisig niya!

Idagdag pa ang biceps, tapos kahit di nakikita ang abs panigurado malaman rin! Grabe! Naglalaway na ako! Sino ba naman ang hindi malalaglag ang panga kung ganitong nilalang ang nakikita!

" stop staring like that!" Nagulantang ako ng marinig ko ang boses ng pinagpapantasyahan ko. " para mo akong kakainin sa tingin mo, naglalaway ka pa"

Oh sh!t! Malala na ba ang pagkahumaling ko kay Spade! Nakakahiya!

Hinawakan ko ang bibig ko baka nga naglalaway na ako! Buti nalang wala.

" kapal mo! Wala namang nakakalaway sayo no saka mukha ba akong cannibal, kaderder ka!"

" tss"

Habang naglalakad kami, napansin ko ang isang napakalaking banner. Humarap ako kay Spade saka ngumiti ng makahulugan,

" change first your clothes" he said

Ay oo nga pala naka two piece lang pala ako napatungan lang nang jacket ni Spade.

Pero Yay! Araw ko na talaga ngayon!

Dali-dali ko siyang inaya patungo sa condo unit para magpalit. kung nagtataka kayo, iisa lang ang tinutuluyan naming condo kaso dahil malaki yung unit niya dalawa ang kwarto. Ewan ko ba sa kanya, pagmamay-ari niya naman yung condominium building, di man lang ako bigyan ng sariling unit. Para raw makatipid! Aish! Kayaman-yaman!

Wait eh kung bumili kaya ako ng sarili kong unit? ... Ay wag na! Pagkakataon ko na nga para makasama si Spade ko sa iisang kwarto eh! *evil smile*

Now I'm wearing a simple jeans and  a simple white T-shirt. Hindi kasi palaayos ang lola niyo , basta ba may maisuot lang ok na pero siyempre kung may dadaluhan akong party ... I mean business party, nagaayos ako baka pagalitan ako ni Dad eh.

White talaga ang pinili kong t-shirt para pair kami! Couple shirt! Bwahaha! Pagbigyan niyo na ako ngayon, araw ko ngayon diba? ..

Kinaladkad ko si Spade papasok,

" sus! Di ka rin excited no"

" naman! Akong pipili ng uunahin natin, hmmmn... Ferris wheel!" Nakataas kamay kong sabi.

****

" grabe! Halos mamalat na ako kakasigaw! Hahaha!" Bulanghit ko.

" what's next?" Tanong ni Spade.

Napaisip ako. Tapos na namin yung ferris wheel, car bumper, rocket , rocket ba yun? Basta yun, then katatapos lang ng roller coaster . Napatingin ako sa paligid,

Light bulb!! With matching sparkling eyes!

Tumingin ako kay Spade na mukhang alam na kung anong iniisip ko.

My boss is my fiancéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon