ENTRY 40

659 8 6
                                    


Musta? Natagalan ba? hahaha. Salamat sa paghihintay!

Medyo cheesy siya pero pagtiyaan niyo muna kasi unedited pa siya. Busy much eh. hihihi.

Gusto kong malaman insights niyo about sa story. Thank you!

Alam ko mahirap i-ignore ang mali-maling grammars niya, pero konting tiyaga. hahahaha.

****

Lorainne's POV

Bumuntong hininga ako bago tuluyang pinihit ang seradura . Napangiti ako ng makita ko ang napakacute kong anak na nakaupo sa kama habang tinitingnan ang bagay na hawak niya. Unti-unting lumingon si Axcel sa akin saka ibinalik ang tingin sa hawak. Nanikip ang aking dibdib sa nakita ko. Isang malungkot na Axcel ang rumehistro sa aking harapan. Pinigil kong umiyak at lumapit sakanya.

"Hi there, sweetie. What's wrong?"

Ibinigay lamang niya ang kanyang hawak nang hindi umiimik. Nagulat ako sa nakita ko. Drawing. Drawing niya noong nakaraang taon. Hindi man maayos ang pagkakaguhit pero makikita dito ang lungkot at pangungulila ni Axcel.

Ang papel ay nahati sa dalawa, sa unang bahagi ay isang bata at isang babae ang magkahawak ang kamay, samantalang sa kabila ay isang lalaki na mag-isa. Ang parte ng kinalalagyan ng bata at ng babae ay kinulayan niya ng asul na may halong itim, samantala sa lalaki naman ay kinulayan niya ng itim.

Nakita ko ang guhit na iyon noong nakaraang taon habang naglilinis ng kwarto ni Axcel pero hindi ko na binanggit sa kanya dahil halatang tinago niya ito kasi nakalagay sa pinakasulok ng cabinet niya. Napaiyak na lamang ako. Pinilit kong maging matatag para sa kanya , ginawa ko ang lahat ng alam ko para sumaya siya pero alam ko na kahit anong pilit niyang ngumiti at ipakita sa akin na masaya siya, alam kong may kulang sa mga ngiting iyon. Ang pagkukulang na kahit na anong gawin ko, hinding-hindi ko mapapawi at matutugunan.

"I draw that before." Mahinang sambit niya, " I was sad."

Napamura na lamang ako ng tahimik. I knew. Alam kong malungkot siya kasi hindi kami kompleto pero ang sabihin niya ito... ang manggaling mismo sa bibig niya... iyon ang pinaka masakit sa akin. Wala akong magawa sa kanya noon.

"I'm sorry..." Iyon na lamang ang nasambit ko. Pilit kong pinipigil ang maiyak. All this time this little one is suffering more than mine.

"But you know what mom, I'm happy now. Very much happy. I'm happier than when our first date. Than...than when we went to amusement park... than... than... you kiss me every night, than you read me books, than... than Tito Treize tell me stories about dad. Because he's here with us now. I'm happy because I can tell to my classmates that I have dad and we can all go tomorrow, right? I will tell them tomorrow 'cause they keep bugging me that I don't have a dad. If ... if I will tell them straight to their face that I have they will definitely cry! Yes! For sure, and then after I tell them, I will kick their as—oppss , my bad. Hehehe."

Tuwang-tuwa niyang sabi. Ito ang kauna-unahan kong Nakita si Axcel na ganito. Yes, he was happy before, he told me stories before but... not like this. Tuluyan ng bumuhos ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

Axcel is longing for his Dad so much...

"ah--, mom... are you okay? I promise I won't say bad words anymore, just stop crying..." pang a-alo niya sa akin.

"Okay, I will stop just promise me not to say bad words anymore, okay?" nakangiti kong sabi.

No sweetie, I'm just happy. I'm very happy for you...

Itinaas niya ang kanyang kanang kamay na parang nanunumpa, "I promise"

I promise to make you happy, for whatever it takes, because you are my life. I think... I...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 31, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My boss is my fiancéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon