ENTRY 20

882 18 0
                                    

Another one again guys... hope you like it! :)

****

Dwight POV

Isang araw na ang nakalilipas mula ng mangyari ang insidenteng iyon kina Lorainne. Ilang beses ko nang kinausap si Boss Spade kung ano ang plano , pero ganun at ganun pa rin ang sagot niya.

" like I said, just keep quiet and pretend nothing happened" nakapikit na sabi ni Spade habang nakaupo sa swivel chair niya.

" like hell! " ito ang kauna-unahang pagkakataon na sinigawan ko si Boss pero wala akong pakialam sa kanya ngayon. Higit akong nababahala sa kalagayan ni Lorainne, hawak siya ng A.C.E. at hanggang ngayon hindi pa namin alam ang gusto nila. Idagdag pa ang pagiging walang pakialam ni Spade.

" Dwight" kalma sa akin ni Raven, " Boss I know you have a plan. Pero mas maganda ata na sabihin mo sa amin, baka makatulong kami"

Medyo nahimasmasan ako ng bumuntong hininga si Boss at tumingin sa amin ,

" you guys are really hard headed" umiiling-iling na sabi ni Boss .

Napangiti kami ni Raven ,

" siyempre Boss! " sabay naming sabi habang nakathumbs up.

Napakalaking ngiti ang nakapaskil sa mukha naming dalawa ng mokong na katabi ko. Tumingin sa amin si Boss ng hindi maipaliwanag at nagsabing,

" I want Lorainne and her father to be DEAD" agad nawala pareho ang ngiti namin at napalitan ng gulat. Pinilit kong aninagin ang mga mata ni Boss kung nagsisinungaling ba siya o nagbibiro lang pero hindi ko matanto , ang tanging napansin ko lang ay ang lalong pagdilim ng kanyang mga mata. Ito ang pangalawang beses na nakita kong ganito ang mga mata ni Boss, una ay nung tinututukan niya ng baril si Christopher, yung taong kinamumuhian niya nung araw dahil pinatay nito ang kanyang ama. Napatingin ako kay Raven nang tanungin niya yung tanong na kanina ko pa gustong tanungin.

" B-boss you're kidding right? You know its a bad joke"

" do I look like I'm kidding?" Balik tanong ni Boss. Alam namin pareho ni Raven na batay sa ekspresyon ni Boss , hindi siya nagbibiro at talagang seryoso siya. " if you want to save that bitch , go . Hindi ko kayo pipigilan pero pakatandaan niyo kung ginawa niyo iyon, ako ang makakaharap niyo" seryoso niyang tugon.

****

" this is bullsh!t!"

" that's enough Dwight" kalmadong sabi ni Spark. " I think its better to follow what Spade said"

" what?! Are you kidd-- Spark " tinitigan ko talaga ng husto ang mga mata niya, " sa ating lahat , maliban kay Spade ikaw ang pinakamalapit kay Lorainne pero anong nangyari? Nasaan na yung Spark na kilala namin, na kaibigan namin, na laging pinagkakatuwaan si Boss at Lorainne? Saan mo dinala ang tunay na Spark?"

Bumuntung hininga siya at nagsabing,

" tol ano bang gusto mong gawin natin?"

" wha-- ano pa ba, siyempre kung ano ang dapat gawin, iligtas si Lorainne!" Hindi ko na talaga alam kung ano ang nangyayari, wala talaga akong kaideideya! Yung mga taong inaasahan kong magkakandaugaga sa paghahanap at pagliligtas kay Lorainne ay siyang tumatakwil sa kanya ngayon.

Humarap si Spark sa babaeng nakahiga sa hospital bed at tumabi sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ng babae at tumingin sa akin,

" tell me Dwight, kung ikaw ang nasa kalagayan ko , makakaya mo bang iligtas ang taong naging dahilan ng pagkacoma ng babaeng p-pinapahalagahan mo ng sobra"

My boss is my fiancéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon