ENTRY 31

747 17 1
                                    

Aloha!! Salamat ng marami sa pagaantay ! 

Sana magustuhan niyo . :)

PM me guys.:)

****

" Bakit hindi mo nalang binasag yung salamin ng kotse?!"

" hey sissy. Ginawa ko na sana iyan kung hindi bullet proof ang salamin ng kotse ko." Sagot ko. Kinuwento ko kay Lorainne ang lahat ng nangyari. Nandito kami ngayon sa tabi ng kalsada habang nagaantay ng update--update galing sa buong Midnight. Kinontak ko na sila kanina at nasabihan. Agad naman silang gumalaw at nagsabing tatawag sila kung may update na.

" hey, sis . Calm down will you?"

Sabi ko nang makasampung ikot na siya sa harapan ko.

" How can I calm down if my son is missing?! And my ghad! He's been missing for half a day and I cannot do anything!"

Napaparanoid na ata 'tong kapatid ko.

" Let's wait for their update."

" Kuya! We've been waiting for.. For-- an hour!"

Tinaasan ko siya ng kilay, napaparanoid na nga ata. " 10 minutes. Its only ten minutes."

Magsasalita pa sana siya ng hawakan ko ang magkabilang balikat niya. " You, of all of us, you knew Axcel very well , isn't it?"

Nakakunot- noo siyang tumango.

" He is a very smart kid. And take note, he is not missing-- he damn left me on his own will. He knows what he's doing. Matalinong bata yung anak mo. I know he's alright."

Nagbaba siya ng tingin, " yes... But... He's just a kid. What if--"

Bago niya pa maituloy ang sinasabi niya, nagpatuloy ako, " you knew him well, so... Saan kaya siya pupunta?"

Nakatungo lamang siya pero makalipas ang ilang segundo unti-unting nagtaas ng ulo , " Kuya! Either sa opisina o sa lluvia!" Agad siyang pumasok sa kotse niya at bago pinaharurot nagsabi muna siya ng " Sa office ako, sa lluvia ka. Update me."

lluvia-Read as "Juvia"

Napapailing akong pumasok sa police Mobil na hiniram ko. Pinaandar ko ito at nagtungo sa lluvia. Ang sinasabi niyang lluvia ay sa bahay ni Boss Spade. Doon nakatira sila Lorainne pero nang ipinaparenovate ito , tumira muna sila sa bahay. Kung bakit lluvia ang tawag, di ko rin alam. Tanungin niyo si Spade kung matatanung niyo pa.

Habang nasa kalagitnaan ng daan biglang may tumawag,

" Hello"

" Hey" bigla akong napapreno sa narinig kong boses. Hindi ko alam kung bakit pero nagsitaasan ang mga balahibo ko. Isang salita ang binitiwan ng nasa kabilang linya pero bigla akong natakot. His voice is very familiar yet its somewhat different from 'him'.

Maybe I'm just thinking too much. How will that happen?

Itinabi ko ang sasakyan at nagtanong, " Who's this?"

" meet me at ... " may sinabi siyang lugar , " Axcel is with me. Come alone" iyon lamang at pinatay na ang phone.

Hindi ako iyong tipong basta-basta natatakot pero alam kong kapag nagdala ako ng kasama , delikado. Wala akong naramdamang panganib pero alam kong yung taong kausap ko ay seryoso. Hindi ako nagdalawang isip at pinaharurot papunta sa nasabing lugar.

Mahigit isang oras na akong nagaantay sa lugar na sinabi ng kausap ko kanina pero ni anino niya o ni Axcel man lang ay wala. May posibilidad na niloloko lamang ako pero alam ko na hindi.  Ang tanong ko lang, paanong nasa kanya si Axcel?

My boss is my fiancéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon