ENTRY 29

614 16 2
                                    

Lorainne's POV

Matapos kong maibigay ang ipinabibigay ni Yoh-- Sir Yohann kay Mrs. Santos agad akong nagtungo sa bahay nila sir. Buti nalang naaalala ko pa kung saan kami pumunta kagabi.

Nang makarating ako sabi ni manong guard wala raw si manang, di pa raw bumabalik galing palengke kaya no choice ako nalang maghahanap.

Pumasok ako sa kwarto ni Yohann. Inilibot ko ang mga mata ko sa buong kwarto at talaga nga namang nakakatuwa. His room is very manly. The walls were neutral colored-- black and brown , and a unique accent wall made the room homey plus it is well ventilated and oohh with limited decor-- just two mother earth paintings and the awesome bed in between.

Nature lover ah. Haha

Sinimulan ko ng hanapin yung files na kailangan ko. Makalipas ang ilang minuto , nahanap ko siya sa aparador sa tabi ng kama. Pero bago ako lumabas ng room, nahagip ng mata ko ang picture frame. Iyon yung picture frame na hinablot niya sa akin kagabi.

Nakangisi akong lumapit sa picture frame.

Siguro tama ako na nakaduck face siya kaya ayaw niyang ipakita. Haha.

Kinuha ko yung frame at nagtatakang pinagmamasdan ang litratong nakalagay.

Its him. Its Yohann.

Siya lang pala yung nasa litrato eh bakit parang na OA naman siya kagabi. Ayaw niyang ipakita yung picture niya? Baliw talaga yun.

Pinakatitigan ko talaga yung picture niyang iyon. Napangiti ako.

" halos pareho talaga ang mata nila. No-- I think they have the same eyes. " pinagmasdan ko talaga ang mga matang iyon, parehong pareho sila. Maliban sa parehong blue-green, there something with in it na talagang pareho...  And again , I feel the pain kaya ibinalik ko na sa kinalalagyan yung frame pero sa biglang pagtalikod ko , natabig ng folder na hawak ko yung frame at --

" w-what the--?! " agad kong pinulot ang frame. Nakahinga ako nang maluwag ng makita kong hindi basag ang salamin pero nanlaki ang mga mata ko ng makitang nasira yung likuran! Natanggal yung lock... Huhu.

Umupo ako sa malambot niyang kama at pilit inaayos yung frame ng may mapansin ako... There's another picture na nakalagay sa likod ng frame.  Kinuha ko ito at tiningnan.

Twins? Twins na baby. Soo cute!

Magkahawig na magkahawig sila pero not identical twins. Parehong lalaki at parehong blue-green eyes. Ang pagkakaiba lang yung isa may maitim na balat sa kanang bahagi ng dibdib . Tinitigan ko talaga ang picture and something hit my brain.

Tiningnan ko ang likuran ng picture at lalo akong nagulat ng mabasa ang nakasulat.

April 27, 19XX
First birthday of my twins Spade Yohann and Spade Klark Crimson.

Paulit-ulit ko itong binasa hanggang maprocess ng brain ko ang nakasulat.

"No way..." Nabitawan ko ang picture , " No ... Impossible.. He-- he is. He is S-spade's ... S-spade's t-twin.. t-twin b-brother. Impossible. " Nanginginig akong napahawak sa unan.

Hindi talaga ako makapaniwala. Bakit hindi siya kahit kailan nabanggit ni Spade? Bakit ito tinago ni Spade sa akin? Bakit biglang nagpakita si Yohann ngayon? Nang m-mamatay si Spade bakit di siya nagpakita man lang?

Napakarami pang tanong ang tumatakbo sa isip ko na kailangan kong sagutin.

Biglang bumalik ang nakaraan. Lahat ng nangyari at alam kong lahat ng pangyayaring ito ay magkakadugtong. I just need one piece to reveal the truth behind this.

My boss is my fiancéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon