ENTRY 18

940 16 2
                                    



Nakaupo ako sa sofa habang kinakalikot ang phone ko. Wala naman kasi akong ginagawa kaya eto ako ngayon nakahilata lang sa isang tabi. Mayamaya, biglang may humablot sa phone ko.


" what the heck is your doing?!" asik ko. Aba! Kinikilig na nga ako sa pinapanood ko eh! Andun na eh no!


" who's that dammit ?"


Napakunot noo ako.


Tiningnan niya yung phone ko. At taas kilay na nagtanong.


" Who's this freak?"


" problema mo?"


" I'm asking you who is this?"


Sinilip ko yung sinasabi niya. Nang makita ko kung sino ang pinagpuputok butsi niya, nanlaki ang mga mata ko.


" waaahh! " tili ko sabay hablot sa phone ko na hawak niya. " oh my gosh!!! Sinagot niya yung tweet ko! Eeeii!!!!" Halos magtatatalon ako sa tuwa.


Samantala, napansin ko ang pagdilim ng mukha ni Spade. Nagkibit-balikat lang ako at tinuloy ang paghagikhik.


" I can't believe it! Sinagot talaga ni Alden yung tweet ko!!!! Pwede na akong mamata--" natigil ang moment ko nang mapansin kong wala na pala yung kausap ko. Bumalik na sa dati niyang kinauupuan at ipinagpatuloy ang pagbabasa ng mga files.


Problema nun?


Nagkibit-balikat na lamang ulit ako at itinuloy ang panonood ng kalyeserye.


Lumipas ang ilang oras , naburyo na ako sa pagkaboring. Lumapit ako sa taong dapat na naguutos sa akin , ipinatong ko ang dalawang kamay ko sa glass table niya at tumitig sa mukha nito.


" Wala ka bang ipaguutos ?"


" None" masungit na sagot nito.


" bakit parang ang sungit mo ngayon?"


Hindi siya umimik at nagkibit-balikat lang.


" wait-- don't tell me-- may period ka ba ngayon?!" Biro ko sa kanya.


He glared at me kaya nanahimik na ako.


" Who am I here, Sir ?" Tanong ko sa kanya ng maalala ko bigla kung ano nga pala pakay ko sa paglapit sa kanya.


" secretary"


" tumpak! I'm your secretary, pero mula pa kanina, no , mula pa kahapon wala ka namang inuutos. Kung may kailangan ka, inuutos mo nga pero hindi sa akin. Maawa ka naman kay Anna! She's not your secretary. " mahabang litanya ko. Aba! Kung hindi ko pa pinilit si Anna na sa akin niya ibigay yung papers na kailangang dalhin kay Rudy, e di nganga lang ako. Siguro kung may itlog sa upuan ko, baka sa sobrang init , naluto na , mali, baka sunog pa!

My boss is my fiancéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon