ENTRY 22

868 22 1
                                    


late update.. choriii... :)

here is it! hope you like it!

****

Nang mabanggit ni kuya ang mga salitang iyon, kitang-kita ko ang pagdilim ng mukha ng dalawa, lalong-lalo na si Raven. Wala pang ilang segundo , nakahilata na si kuya sa sahig habang nasa ibabaw niya si Raven.

" Raven!" Saway ni Dwight sa kanya dahil sa paulit-ulit na pagsuntok sa mukha ni kuya, samantalang si kuya naman, pulang-pula na ang mukha at duguan na ang labi. Hinawakan ni Dwight si Raven at pinalayo samantala tinulungan naman ng ibang miyembro ng Ace si kuya na tumayo.

" Raven tama na! Kalama lang 'tol!" Sabi ni Dwight habang hawak parin si Raven. Ako? Nasa tabi lang, hindi ako makagalaw. Hindi ko alam kung ano ang gagawin, sasabihin , kung sino ang unang lalapitan ...

Sa isang iglap , nakita ko nanamang inundayan ni Raven si Kuya ng isang malakas na suntok, hindi umiilag si kuya...para bang buong puso niyang tinatanggap ang mga suntok. Halos di ako makagalaw .. No... Hindi talaga ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa mga nangyayari. Ito ang unang beses na nakita kong hindi lumalaban si kuya at ito rin ang unang beses na nakita ko kung paano magalit ng sobra si Raven.

" Raven! Stop it! That's enough!" Pigil ni Dwight pero patuloy parin sa pagsuntok si Raven. Nahimasmasan ako kaya pinilit ko na ring umawat , gumitna ako sa kanilang dalawa ngunit sa kasamaang palad mukhang nalamon na si Raven ng kanyang galit at hindi na niya napansin na ako ang nasa harapan niya. Napapikit ako ng makita ko ang malaking kamao na papalapit na papalapit sa mukha ko. Inantay ko ang kamaong iyon ngunit wala akong maramdaman kaya unti-unti akong napamulat...nagulantang ako sa mukhang rumehistro sa harapan ko...

" Raven" matigas niyang sabi habang hawak niya ang kamao ni Raven.

Narinig ko ulit ang boses niya... Gustong-gusto ko siyang lapitan at yakapin ng mahigpit... Ng sobrang higpit ... pero hindi ko magawa... hindi ko pwedeng gawin dahil alam kong sukang-suka siyang makita ang mukha ko.

" Boss" gulat na sabi ni Raven at Dwight.

" oh! Mr. Crimson! " napatingin ako sa nagsalitang demonyo," so dala mo ba ang regalong sinasabi mo?"

Tumingin ako kay Spade para sana mahuli ang tingin niya pero... Ni saglit na tingin wala akong nakuha mula sa kanya... Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko..

Do you really hate me that much, Spade? Why is life so unfair? Bata pa ako nun! Wala pa akong alam nun! Bata pa ako nun... I know its my fault pero... pero... I'm just a little girl back then..

Yan ang mga salitang naglalaro sa isipan ko, mga salitang nais kong isumbat kay Spade pero alam kong wala sa oras ang pagiinarte ko..

" yeah... Ipasok niyo na siya" sabi ni Spade. Nang marinig ko ang 'siya' kinabahan ako bigla . Nang pumasok ang taong sinasabi ni Spade, napahakbang ako papalapit sa kanya. Ramdam ko ang pangingilid ng luha ko nang mahawakan ang mukha niya...

" Dad..." Hinimas ko ang duguang mukha niya, basag na labi at nangingitim na mga pisngi. " what h-happened ?"

Ngumiti lamang siya at nagsabing,

" I'm glad your'e ok"

Binitawan ko si Dad at humarap sa taong gumawa nito... Nanginginig akong humakbang papalapit sa kanya, nanginginig ako ng sobra... Nanginginig sa sobrang galit... Nang nasa harapan na niya ako, tiningnan ko siya sa mata at ng mapagtanto kong wala ni kaunting awa ang makikita , sinampal ko siya ng malakas. Sobrang lakas. Iyon bang parang lahat ng emosyon ko ibinuhos ko sa malakas na sampal na iyon.

My boss is my fiancéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon