ENTRY 25

846 17 4
                                    


guys dahil mabait at maganda ako, dinagdagan ko pa ang update ko.. haha.. actually marami na akong natapos hmmn mga until entry 27 ( marami na yun? haha) pero dahil maganda ako hindi ako nakakapagupdate.. char.. di naman sa tamad magupdate guys, talagang sobrang busy lang sa pagpapaganda ang lola niyo kaya ayun,.. hehe. here's another one guys, hope you like it.. comment kayo guys if you want me to continue updating.. thanks!

****

Lima. Limang taon na ang nakalilipas pero bakit parang kahapon lang nangyari. Bakit hanggang ngayon di pa rin ako makalimut-limot. Napatingin ako sa naukit na pangalan sa diyamanteng kwintas. Kahit anong pigil ko , unti-unti paring bumabalik ang mga alaala nang nakaraan.

" Lorainne, it is much better if you let it flow" Matagal akong nakatitig sa mala-vase na nasa aking harapan bago ko sinagot si Spark.

" Im ok. Im good." nakangiti kong sagot. Napailing lamang siya dahil alam niya na alam kong kahit anong tago ko sa nararamdaman ko, nakikita ito sa mga mata ko. Bago siya nagpaalam, tinapik niya muna ako sa balikat , " you know, im always here" . Bakas sa namumugto niyang mga mata ang sinseridad at pagkaawa.

" I know. Thank you."

Sa lahat ng mga nagpaalam at nakiramay sa akin, isang tao lang ang di umiyak , di humagulgol o di namugto ang mga mata. Ako. Hindi ko alam kung bakit pero kahit gaano kasakit at kabigat ang nararamdaman ko wala ni isang patak ng luha ang lumabas. Ramdam ko ang panginginig at pagtigas ng lalamunan ko , ang puso ko ay parang sinugat sugat gamit ang blade at binuhusan ng alcohol saka ibinabad sa asin . hindi ko alam kung nagprocess ba talaga sa utak ko ang mga nangyayari na hindi ko na siya makikita at makakasama kahit kailan na hindi ko na siya mahahawakan, mahahalikan, mayayakap, na wala na. wala na ang taong dapat pakakasalan ko.

Tumingin ako sa maliit na kalendaryo na nakasabit sa pintuan ng kwarto ni Aling Maring. July 23. Ang araw na nakatakda para sana sa kasal namin pero napalitan ng araw ng libing niya. Napangiti ako at napailing. Nakakatawa.

" Bestie. Kung kailangan mo kami nandito lamang kami"

Napatingin ako sa kanya, sa kanila. Lahat ng miyembro ng Midnight , kabilang na si Des. Ang ilan ay naka shades, ang ilan ay sumisinghot-singhot pa, at ang ilan ay namumugto ang mga mata.

" Thank you." Iyon lang ang nasambit ko. Lumapit ako sa kinalalagyan ng abo ni Spade at binuhat iyon.

" So anong balak mo?" tanong ni Freede.

" Sa sabado pupunta ako sa bagong patayong beach house ni Spade para duon isaboy ang mga a-abo niya" nanginginig kong sagot. Dahil wala ng ibang natitirang pamilya si Spade sa akin na Fiance niya ipinagkatiwala ang labi niya. Ang bagong beach house na pupuntahan ko sana ay ang ipinatayo ni Spade para sana sa honeymooon namin.

" Bestie..." nagaalalang sambit ni Des.

" Im ok. Ill call you if i need you so dapat sagutin niyo agad ah"

" Aprub Boss! " sigaw ni Dwight.

" just call us" sabi ni Raven.

Matapos naming magpaalaman nagsialisan na sila.

Napakaswerte ni Spade kasi nakahanap siya ng maaasahan at mababait na kaibigan.

" Iha, kailangan mo nang magpahinga" napatingin ako kay Dad. Nasa mukha nito ang sobrang pagaalala. Alam kong kung gaano kasakit ang nararamdaman ko mas masakit sa kanya dahil nakikita niya akong ganito.

My boss is my fiancéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon