ENTRY 33

638 14 4
                                    

Hello Hello mga kababayan! 

Dahil hindi masyadong busy ang lola niyo, makakapag update na ako! yehey! 

Sana magustuhan niyo! :)

Beep nyo naman ako kung may comment kayo or recommendation or suggestions... Para ganahan ako. hehe. Charot. 

Salamat sa pagtangkilik at salamat sa mahabang pag aantay! 

****

Spark's POV

Tahimik akong nagaantay kung sino ang unang magsasalita, samantalang ang iba ay nakikinig na lamang sa nakakabinging katahimikan o kundi ma'y bumubuntong-hininga sa isang tabi habang inaabsorb kung anong mga nangyayari .

Naalala ko ang sinabi ng Lorainne kanina.

"ah! Oo nga. Bakit di ko agad napansin yun. Yung kambal sa picture na nakita ko, isang blue-green ang mata at isang hazel brown."

Ayon kay Des, hindi ang taong nasa litrato ang nakilala niyang Spade Yohann, at sabi naman ni Lorainne, hazel brown ang mata nung isang bata sa picture. Ibig sabihin lang nun, its either may nagpapanggap na Spade Yohann or buhay ang Boss ng midnight, which is I think not the impossible. Kung may nagpapanggap mang Spade Yohann, napakaimposibleng hindi alam ng totoong Yohann yun, sa koneksyon ba namang meron siya. Saka nasisiraan ba ng ulo kung sino man yun, sa kadami-dami ba naman ng taong gagayahin isang mafia pa and to think na isa pang Rei Cosa Nostra!

Unless... that impostor is... his twin, Spade Klark Crimson.

Pero paanong nangyaring buhay siya? Ako mismo ang kumuha sa bangkay niya sa loob ng kotse. Nagkahinala na rin ako noon na hindi siya yung bangkay kasi sunog na sunog ito na halos di na makilala kaya nagpaDNA test ako. Ako mismo kumuha ng sample at nang dumating ang resulta "positive". Hindi ako maaring magkamali kasi binantayan ko ang doctor na nagsagawa ng procedure at nasisiguro kong walang ibang taong pumasok doon kundi kaming dalawa lang. Maliban nalang kung...

Nawala ako sa guni-guni ko ng makarinig ako ng tunog. It's my phone.

Wala sa loob kong tiningnan kung sino ang nagmessage sa akin. Napangiti ako sa nabasa ko.

I guess I got the answer to my question.

Tiningnan ko isa-isa ang midnight at lahat sila'y napapangiti habang hawak ang kanilang phone. Guess they also receive a message.

Tumayo si Treize sa kinauupuan niya saka umakbay sa dalawang magkaibigang dilag.

" Hey, Des. Hindi pa nakakakain si Lorainne mula pa nung lunch and its almost midnight now, bakit di mo siya samahang kumain, same goes with you 'cause im pretty sure di ka pa nakakadinner." Nakangiting sabi ni Treize kay Des. Agad namang tinanggal ni Des ang kamay ni Treize sa balikat niya saka humarap na nakapamaywang.

I think something happened between those two.

"Huwag mo akong mautos-utusan diyan ha." Taas kilay na sabi ni Des.

Napaatras naman si Treize. " Hey hey.. Chill. Im just concern with the two of you. Saka nagaalala na rin ako kay Axcel. Its better if umuwi na muna kayo."

"Yeah! Alam naming nagaalala na si Lorainne kay Axcel. Don't worry with me, I can handle myself and besides kasama ko naman ang mga alalay ko." Nakangiting sabi ni Calvix.

"Yups. Lorainne and Des, don't worry kami nang bahala sa paralisadong ito." Sabi ni Dwight.

"sinong paralisado?!" sigaw ni Calvix sabay bato ng unan kay Dwight.

My boss is my fiancéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon