ENTRY 39

375 10 1
                                    


Nagbabalik na ang pinaka magandang nilalang! XD. Kidding aside, sa mga naghihintay , medyo busy, mali , busy po kasi talaga.

Actually, may ilang araw na pong naka draft itong chapter na ito sa phone ko, hindi ko pa kasi naeedit. Kaya, pagtiyagaan niyo muna ah. Hihi.

Ang balak ko kasi eh , after 1k reads or 10 comments bago ako magupdate ulit.

Ssssooo, kayo na bahala! Hehe
Sana magustuhan niyo!

****

Dwight's POV

Hi! Hindi niyo siguro ineexpect na ako ang may POV ngayon noh. Don't worry, ang genius na inhinyerong ito ang bahala sa inyo! Hahaha!

Ngayon, balik tayo sa kwento.

Tahimik kaming kumakain ng almusal. Napapaisip tuloy ako, ano ba ang nangyaring sinasabi ni Yohann? Bakit parang naguguluhan si Spark? Isa ba si Des sa mga naging babae ni Spark? Eh ba't hindi alam ni Spark? Pero teka, bakit ko ba pinoproblema iyon? Ang dapat kong problemahin ay kung paano ako makakaalis sa lugar na ito nang ligtas. Hindi dahil nananahimik na si Boss ibig sabihin nun okay na ako sa kanya.

Utang na loob naman Dwight! Ano ba naman kasi ang naisip mo at nagawa mo iyon dati! Pero wala namang malisya iyon! Para ko lamang siyang kapatid. Kumbaga halik lang iyon sa kapatid. Gustong-gusto ko ngang sabihing sa pisngi lang iyon pero baka pagnagsalita pa ako morgue na talaga aabutin ko.

Tiningnan ko si Boss. Bigla siyang tumingin sa akin.

Bad Trip naman oh! Mukhang kailangan ko na talagang umexit agad upang makapagpalamalig ng ulo si Boss.

Kasalanan to nung batang yun eh. Tiningnan ko ng masama si Axcel.

Naku kahit bata ka, mapapatulan talaga kita.

Tumingin si Axcel sa akin at ngumiting tagumpay.

GGGGRRRRR!!! Malalagot ka talaga sa aking bata ka!

"Baby you should eat veggies also. Here." Sabi ni Lorainne habang pinapasubo si Axcel ng kalabasa, "It's good for your eyes."

Bumusangot si Axcel pero pinilit pa rin kainin. Heh! Buti nga sa iyo. Hahaha!

"Ang bait naman ng baby ko. Very good." Nakangiting sabi ni Lorainne nang malunok na ng batang uhugin ang kalabasa. Kumunot ang noo ng bata saka nagsalita.

"Mom I'm not a baby anymore. I'm big boy na." Sabi niya.

Muntik ko nang maisuka ang nginunguya ko. Natawa naman ang iba.

"Anong big boy? May big boy ba na sinusubuan, ha? May big boy ba na nagpapakanlong, ha? Ha?" pang-asar ko sa batang uhugin. Hmp! Akala mo siguro tapos na ako sa iyo noh. hahaha! Payback time!

Tiningnan ako ng masama ng bata. Bwhahaha! Ngiting tagumpay!

"Tigilan mo nga yang inaanak ko Dwight! Para kang bata." Saway ni Des, " Teka nga pala, nasaan si Calvix? Di ko pa siya nakikita ah? Kumain na ba? Kagagaling lang sa hospital nun ah." May pag-aalalang tanong ni Des.

Nanlamig ako ng makita ko kung paano tingnan ni Yohann si Des.

"First, Spark. Second, Treize. And now, Calvix. Hey you, how many guys do you have in your life?" seryosong tanong ni Yohann.

"Woah! Woah! Paano ako nasali sa listahan?" biglang sabi ni Treize.

Tiningnan ko siya, "Ulol! Nagtanong ka pa."

"Ano ba yang sinasabi mo? Anong lalaki? Pwede ba?" inis na sabi ni Des.

Nawala ang mainit na usapan ng biglang nagsalita ang magaling kong uhugin na inaanak.

My boss is my fiancéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon