ENTRY 16

1.1K 20 0
                                    


ANOTHER ONE GUYS...


****


* I got all I need when I got you and I , I look around me and see swe--*


" hello"


" where the heck are you?!"


" nagjojogging ako" hinihingal kong sagot.


" what?! Can't you remember that its week days?!"


Napakunot noo ako.


" so? "


" what?! " may mga sinasabi pa si Spade pero hinayaan ko lang dahil kanina ko pa napapansin na may sasakyan na sumusunod sa akin. Pauwi na kasi ako kaya nasa kalsada ako . sinusundan ako ng isang Van na black mula pa nang makalabas ako sa park .


" hey Lorainne are you listening to me? Are you still there?" Naririnig ko pa rin ang boses ni Spade sa kabilang linya pero hindi ko masagot dahil nakafocus ako sa Van. Sinubukan kong bilisan ang pagjojogging , binilisan rin nila ang pagandar. Nang binagalan ko , binagalan rin nila.


Nang masiguro kong ako nga ang sinusundan nila , nagsimula na akong kabahan. Binilisan ko ang pagjog hanggang sa tumakbo na ako.


" the heck Lorainne , are you listening?! What's happening?!" Narinig niya siguro ang paghingal ko ng malakas. Nagpapasalamat ako sa nakaimbento ng headset dahil hangga't naka salpak sa tainga ko yung headset naririnig ko at naririnig parin ako ng nasa kabilang linya.


" Spade Spade!" Hinihingal kong sabi.


" h-hey! Lorainne! Whats happening?!"


" Spade may sumusunod sa aking Van , kanina pa. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ! Anong gagawin ko?! Tinatakbuhan ko sila ngayon pero sumusunod talaga eh, anong gagawin ko Spade? Natatakot ako ! Natatakot na ako Spade?!" Naghihisterikal na ako. Binilisan ko pa ang takbo.


" sh!t!! OK listen to me Lorainne. Calm down first and tell me where are you?" Mahinahon na sabi ni Spade, pero naroroon pa rin ang takot at kaba.


" andito ako sa Pa-- aahh!!" biglang nahulog yung phone ko nang biglang may humablot sa akin at ipinasok ako sa loob ng Van!


****


Spark POV


" Lorainne? Lorainne?! Lorainne! Sh!t! Bullsh*t! The heck! Lorainne?!" Halos mapiga na ni Boss yung Phone niya dahil sa pagaalala.


Nagsitayuan kami ng biglang itapon ni Boss yung phone niya. Nagkatinginan kaming tatlo nila Dwight at Raven. Mukhang nahulaan na rin ng dalawang kumag ang nangyayari.

My boss is my fiancéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon