ENTRY 36

465 10 10
                                    


Hello guys! kumusta? pasensya na ngayon lang ako nakaupdate. Nasira kasi yung lappy kaya medyo natagalan ako. Atleast meron na. hehe. I'll try my best to update one or two chapter a month. hihi. Thanks!

Salamat din pala sa mga patuloy na sumusubaybay sa istoryang ito saka sa mga nagvvote at nagffollow sa akin. chalamuch! labyu all. mmuuwahh! <3 <3

Sorry din sa mga wrong grammar at wrong construction of sentences. sorry na. hehe.

****

Lorainne's POV

Zero Seven Two Three.

July 23.

Sa mga nangyayari ngayon sigurado akong hindi ito nagkataon lang.

Limang taon makalipas ang pagkamatay ni Spade, dumating ang isang lalaki na nagpakilalang " Spade Yohann". Pumasok siya sa buhay ko. Sa pagaakalang mabuti siyang tao, pinagkatiwalaan ko siya only to find out isa pala siyang manloloko. Hindi siya ang tunay na Spade Yohann, na kakambal ni Spade. Isa siyang impostor. Dahil sa kanya nasa hospital ngayon si Calvix. Nalaman ko rin siya ang kumausap sa mga investors ng Bench Co. para ipull out ang kanilang investments.

Planado ang lahat.

Planado niya ang lahat.

Walang may alam kung bakit niya ginawa iyon at magkakaroon lamang kami ng ideya sa dahilan kung malalaman namin kung sino siyang talaga.

Ginawa ko ang lahat upang malaman ang tunay niyang pagkatao at heto ako ngayon, sa harapan ng vault at nakatitig ng malalim. Alam niyang naghahanap ako ng ebidensya kaya nakipaglaro siya sa akin. Hindi na ako magtataka kung may camera sa paligid at pinapanood niya ako. Pero hindi iyon ang iniisip ko sa ngayon.

July 23. Wedding day SANA namin ni Spade. At iyon ang code niya sa vault na walang laman. At iyon din ang araw ngayon. Dalawa lang ang maaring ibig sabihin nito. Either may kinalaman siya sa pagkamatay ni Spade o siya mismo si ...SPADE.

Kung may kinalaman siya sa pagkamatay ni Spade, bakit ngayon lang siya nagpakita? Ano ang plano niya? Sa ilang araw na pakikisalamuha ko sa kanya alam kong isa siyang makapangyarihang tao. Mga politician at business tycoon ang mga nakikita kong nakakausap niya. Iyon siguro ang dahilan kung bakit hindi ako , kasama ng Midnight, makahanap ng ebidensya sa pagkamatay ni Spade. Ginawa namin ang lahat ng paraan upang malaman kung bakit at sino ang nagpapatay at hanggang ngayon hindi kami tumitigil pero wala. Wala ni isa. Pero kung ang impostor na iyon ang nagpapatay kay Spade bakit siya nagbalik?

Nangingilid ang luha ko at nanginginig ang buo kong katawan dahil siguro sa naghalo kong emosyon. Galit. Sobrang galit na may halong sakit. Sakit dahil naalala ko nanaman ang nakaraan.

Pinilit kong iwaksi sa isipan ko ang ikalawang maaring rason dahil alam kong malabo at napakaimposibleng mangyari iyon. Kung nagbalik man si Spade , bakit ngayon lang? saka ipina-DNA namin ang katawang nasunog sa sasakyan. Binantayan ni Spark ang proseso hanggang matapos upang masigurado na walang magpapalit nito. Positive. Si...Si Spade iyon. Kahit sunog ang buong katawan niya pero ang hubog nito, kaparehas ng katawan ni Spade at kitang-kita ng dalawang mata ko. Kitang...kita...ko. Kitang-kita ko kung paano unti-unting nilamon ng apoy ang nakangiting niyang mukha. Kitang-kita ko ang malakas na apoy at rinig na rinig ko ang malakas na pagsabog. Kung hindi lang ako nawalan ng malay. Kung hindi lang talaga ako tumilapon sa ikalawang pagsabog at nawalan ng malay, sana nailigtas ko pa siya. Sana buhay pa siya. Sana nakilala niya at nakilala siya ni Axcel. Sana kompleto kami ngayon. Sana...Sana... pero hindi eh.

Dahil sa mga nangyayaring ito, nabigyan ng kaunting pagasa ang puso ko na baka nagbalik nga siya. Na buhay siya. Pero Lorainne, nasa reyalidad ng buhay ka. Imposible iyon. Imposible.

My boss is my fiancéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon