Bunso ng Bayan (pbb collab housemates x teen!reader)

20 1 0
                                        

Sa loob ng Bahay ni Kuya, may isang housemate na palaging hinahanap-hanap ng lahat — si Y/N, ang bunso sa kanilang lahat. Labinlimang taong gulang pa lang siya, pero parang siya ang may pinakamalaking puso sa bahay.

“Y/N, kain na tayo!” tawag ni Klang, habang inihahain ang sinigang na niluto.

“Wait lang po, Ate! Patapos na po ako maghugas ng pinggan!” sagot ni Y/N habang nakangiting pinupunasan ang plato.

Hindi man siya pinaka-bibo sa tasks, palagi siyang nagbibigay ng saya. Para na rin siyang nakababatang kapatid ng lahat. Si Esnyr palaging pinapatawa si Y/N sa pamamagitan ng kanyang TikTok skits, habang si Bianca, Mika, Xyriel, at Shuvee ang ka-bonding niya sa mga gabing kwentuhan bago matulog.

Pero kung may dalawang taong sobrang malapit kay Y/N, sila ay sina Brent at River.

“Kuya Brent, ikaw na naman po ang kasama ko sa chores?” tanong ni Y/N habang inaayos ang lapel mic niya.

“Oo, bunso. Alam mo na, ikaw lang ang hindi ko kayang tanggihan,” sagot ni Brent habang kinukusot ang buhok ni Y/N.

“Kuya, yung buhok ko!” tawa niya habang dumidikit sa braso ng binata.

Pag may problema si Y/N, si River agad ang nilalapitan niya. Isang gabi, habang tahimik si Y/N sa garden, napansin ni River na tila may bumabagabag sa kanya.

“Uy, bunso, bakit tahimik ka diyan?” tanong ni River, sabay upo sa tabi niya.

“Miss ko na po kasi sila Mama. Tsaka yung mga aso ko,” sabi ni Y/N habang pinipigil ang luha.

Tahimik lang si River, pero hinawakan niya ang kamay ni Y/N at sinabing, “Andito lang kami, ha? Ako at si Kuya Brent mo. Hindi mo na kailangang magpanggap na okay ka palagi.”

Hindi man madali ang buhay sa loob ng Bahay ni Kuya, kay Y/N, naging tahanan ito. Sa bawat yakap ni Mika, sa kwento ni Shuvee, sa kulitan kay AZ, at sa pang-aalaska nina Josh at Dustin — ramdam niyang hindi siya nag-iisa.

At sa tuwing tatawagin niya ang “Kuya Brent” at “Kuya River" niya, alam niyang may dalawang kuya siyang laging nariyan para sa kanya — handang umalalay, umintindi, at nagmamahal sa kanya na parang tunay na kapatid.

---

10:00 AM
Habang busy ang mga housemates sa kanikanilang chores nakarinig sila ng tunog ng whistle at ang boses ni Kuya:

“Housemates, ang inyong weekly task ay magsisimula na ngayong araw. Welcome your guest coach… Donny Pangilinan!"

Sabay pasok ni Donny sa activity area, naka-jersey at bitbit ang clipboard. Agad siyang sinalubong ng mga housemates.

Y/N:  Coach Donny! Pwede po ba ako mag-water girl?

Donny: (tawa) Pwede, pero kailangan mong mag-shoot muna!

---

🏀 **MECHANICS RECAP**

Total word count ng letters: 2,541
Goal: 1,779 baskets
Para mabasa ang isang letter: dapat makashoot ng number of baskets = number of words in the letter.

STARTERS (Mini-size hoop)
🔹 Donny (Coach/Guest)
🔹 Dustin
🔹 Josh
🔹 Klarisse
🔹 Ralph
🔹 River
🔹 Vince
🔹 Will

BENCH (Standard size)
🔹 Y/N
🔹 AZ
🔹 Bianca
🔹 Brent
🔹 Esnyr
🔹 Mika
🔹 Shuvee
🔹 Xyriel

---

1:00 PM - First Practice

Sinimulan ni Donny ang warm-up drills. Pumorma agad sina Josh at Dustin, habang si Will ay parang seryosong player sa college varsity. Nagpapatawa naman si Esnyr, habang nagmi-miss ng lay-up gamit ang bola.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 16 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Random One - shotsWhere stories live. Discover now