FIRST day ng pasukan

1K 29 3
                                    

Grade 6        June 2014                                                           

Bago pa lang ako sa school na to. Wala pa akong kilala. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. May mga estudyanteng may hawak ng board na nakasulat yung grade at section hanggang sa nakita ko yung section kung saan ako nabibilang.

Nag flag ceremony muna at pumasok na kami sa classroom namin.

"Good morning class. Ako nanaman ang adviser niyo. So kilala niyo nanaman ako diba? Para naman sa mga new students, ako nga pala si Ms. Pelaes. Oh lahat kayo kilala na ako ha. I'm your adviser for this school year." pakilala ng adviser namin. Siya rin pala ang adviser nung grade 5 sila.

"So 33 kayong lahat. 6 na new students. 3 babae 3 lalaki. 33 kayong lahat tapos may 5 absent. Kahit kailan talaga kayo. First day na first day marami na agad absent."

5 absent?? Dapat 28 lang kami. Eh ilang beses ko nang binilang 29 talaga kami eh.

"Sino-sino nga pala ang mga new students? Tumayo nga kayo." Tumayo na ako

Yung isang lalaki na kabilang sa new students di nakauniform. Eh bakit yung isang babae na di din nakauniform di tumayo?

Tinitingnan ko lang yung babaeng nakaupo sa dulo, di naman tumayo. Atsaka 6 na kaming nakatayo. Kung old student yung babae, ba't wala pa siyang uniform?

"Claudia?" nagulat ako nang tinawag ako ng adviser namin kaya napatingin ako sa unahan. "Po?"

"Ah ikaw si Claudia. Okay. Sino naman si Sean?"

"Ako po."

At tinanong pa yung iba new student at habang tinatanong tumingin ako dun sa babae kanina.

Laking gulat ko dahil wala yung babae. Lumingon ako ulit sa unahan at nakita ko yung babaeng nakaupo kanina. Nasa harap ko siya. Iba ang kanyang itsura. Ang mukha niya ay maraming dugo pati na rin ang kanyang puting bestida kaya napasigaw ako sa sobrang takot.

-----------------------------------------------------

Uwian

"Criztelyn, kaloka yung babae kanina noh. Claudia ba yun?" tanong ni Darlain

"Oo Claudia yun. Yung bago. Bigla bigla na lang sisigaw tapos nahimatay." sagot ko naman

"Nakakatakot pala noh. Nakita mo yung itsura niya? Takot na takot talaga siya eh. Tapos nun nahimatay siya. Napaaga tuloy uwian natin."

"Ah, di ko nakita itsura niya eh. Nakatingin kasi ako sa crush ko."

"Adik ka talaga Criztelyn."

"Adik sa kanya. Syempre nakatingin ako sa crush ko. Ikaw kaya dalawang buwan di nakita crush mo. Ikaw talaga Darlain. Tara na nga uwi na tayo."

==============================


Sinong babae ang nakita ni Claudia?

Ano na nga ba nangyari kay Claudia?

Sino crush ni Criztelyn?


Abangan sa susunod na kabanata

Find out next chapter ==>>

Wait for my next update...

V o t e

©CrishaneAen  

The Classroom of a 6th GraderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon