"Sige mag-picture muna kayo. Alam ko namang gustong gusto niyo ito eh." sabi ng kanilang adviser na agad namang ikinatuwa ng mga estudyante "May mabibili din kayong souvenirs jan."
Matapos iyon sabihin ng kanilang adviser ay...
"Miggy samahan mo nga ako sa dining area." Philip "Naiwan ko yung jacket ko sa table natin."
"Sige." Miggy
At pumunta na nga ang dalawa.
Pagpanik nila ay naghanap na sila. Nang makita ni Philip ang kanyang jacket ay bumaba na ito. Ang akala ni Philip ay kasunod niya si Miggy.
Si Miggy ay susunod na sana kaso natanggal ang shoe lace niya kaya inayos niya muna ito at hinayaang mauna si Philip.
"Oo okay na... Oo nakita ko na.. Bahala ka na diyan... Nasa akin na nga ang baril"
Napatigil si Miggy nang marinig ang salitang baril.
May tao sa dulo sa may hagdan na may kausap sa phone. Nakatalikod ito sa kanya.
Pamilyar ito kaya tinawag niya ito sa pangalan niya.
Natigilan naman siya at lumingon. Nagulat kay Miggy.
"Kanina ka pa diyan?" tanong nito
"Ahh--" Hindi alam ni Miggy ang sasabihin dahil nakita niya itong may hawak na baril "A-anong g-gaga-win mo diyan?"
"Ah eto ba?" Dahan-dahan nitong iniangat ang baril at hindi nagdalawang isip na i-putok kay Miggy.
Agad na nakailag si Miggy kaya imbes na sa ulo ay sa braso siya natamaan. Tumakbo si Miggy. Habang tumatakbo ay tulo nang tulo ang kanyang dugo. Malayo pa ang isang hagdan dahil kung sa malapit na hagdan si Miggy bababa ay nandun siya na nakatayo.
Pinutok niya ulit ang baril sa binti ni Miggy para di na makatakbo.
At ayun na nga. Nadapa si Miggy.
Nilapag niya ang baril at tumakbo para di siya mahuli.
Samantala..
"Miggy?" nang mapansin ni Philip na wala si Miggy at kinabahan nang marinig ang putok ng baril "Wag naman sana."
Tumakbo siya sa hagdan kasama ang ibang kaklase.
Ayun na nga. Hindi nagkamali si Philip. Si Miggy nga ang nabaril/binaril.
"Anong nangyayari dit-- Oh Diyos ko!!" Ms. Pelaes nang makita si Miggy na walang malay
Ang dalawang guro kapwa may ginagawa. Ang kanilang adviser ay kasama si Miggy sa clinic samantala si Ms. Castro ay tumatawag na sa ambulansya.
Ang kanilang section ay naka-upo sa sahig. Nakapaikot sila sa isa't isa.
"May baril oh." Sabi ni Hansel at tinuturo ang baril sa bandang dulo
"Wag niyong kunin baka may finger prints yan ng bumaril kay Miggy." Sabi ni Rhian "Sabihin na lang natin yan pagdumating na sila."
"Sino naman kaya ang may gawa nito?" Dennis
Katahimikan ang bumalot sa kanila.
"Sino ba ang huling nakasama ni Miggy?" pambabasag ni Natalie sa katahimikan
"A-ako." Philip. Kinuwento ni Philip ang nangyari.
"Di mo manlang napansin na di mo na siya kasama." Anna "Sino ba ang wala nang mangyari iyon?"
![](https://img.wattpad.com/cover/41466319-288-k314418.jpg)
BINABASA MO ANG
The Classroom of a 6th Grader
Mistério / SuspenseThe classroom of a 6th Grader (TCOA6G) Kami ay Grade Six students Ayaw kaming turuan ng mga teachers namin Kaya laging free time Pero sa bawat free time, May nangyayaring kababalaghan Ano?? .. .. Basahin niyo =>> ⇛ ➜ ↠ ============================...