Once a killer, always a killer.
--
C L A U D I A ' S P O V
"Siya ang killer!"
Maraming bulong-bulongan.
"Teka, teka nga lang." singit ni Anna "B-buhay ka, Miggy?"
"Talagang kinalimutan niyo na noh? Matagal ng patay si Miggy. Pinatay niyo siya. Naalala niyo pa? Way back grade 3? Lagi niyo siyang binubully. Hanggang dumating ang point na namatay siya. Bakit? Kasi nung PE class niyo, natamaan siya ng bola sa ulo at sa di inaasahang pangyayari ay tumama ang ulo niya sa sahig. Masama ang pagkakabagsak nun. Tinulungan niyo ba siya? Hindi! Tinawanan niyo lang. Tsaka kayo humingi ng tulong nang mawalan na ito ng malay. At sa kasamaang palad, dead on arrival siya. Hindi na siya nagawang gamutin. And at that time, wala ako sa tabi niya. Wala ako sa tabi ng kakambal ko?" galit na sigaw niya
"Kung ganon, sino ka?" tanong ni Rhian
"Ako si Michael. At siya ang killer!" muling sigaw niya at tinuro muli si Madison
"A-anong ibig mong s-sabihin?" tanong ni Madison na hanggang ngayon ay nasa stage at basa pa rin ng pulang likido
"Wag ka nang mag-maang-maangan pa. Alam na namin. Ikaw ang bumaril sa akin nung retreat." Migg- Michael
"Oo nga. At dahil din sayo kaya na-kick out ako. Kakampi mo rin sina--" Sean
"OO! Ako nga ang killer." Putol ni Madison sa sasabihin ni Sean "Pero hindi lang naman ako ang pumatay dito."
"Kung ganon ikaw si Erica?" tanong ni Criztelyn
Halata sa mukha ni Madison ang gulat.
"P-pa-paano--" Madison
"Sabi na eh. Erica ang pangalan ng killer." Criztelyn
Maraming nagtanong kung bakit Erica si Madison, paano niya nalaman, at marami pa.
"Nalaman ko dahil dun sa code na VIRXZ. Ganto ko kasi sinolve yun. Yung A ginawa kong Z, B=Y, C=X, D=W, E=V, and so on. Then I come up with the name Erica." Explain ni Criztelyn
Erica? Yun yung kapatid ni Eric. Yung batang lalaking nagpapakita sa akin.
Lumingon ako sa kaliwa at nakita ko si Eric na tumatango na para bang nababasa ang isip ko.
Pagkurap ko ng mata ay bigla na lang siya napunta sa harapan ko. Mula sa maamong mukha, naging duguan ito sabay sabing "T-tul-lungan m-mo k-ko.."
"Oo ako nga! Ako lang ba pumatay!?" napabalik ako sa realidad nang sumigaw si Madison at bumaling ang tingin kay.... Rhian
Kakampi niya din si Rhian?
"At kayo naman Michael, Sean? Kayo may gawa nito noh? Kayo yung naglagay nitong kung ano man ito." Tukoy niya sa pulang likido na bumuhos sa kanya
"Oo. Sa tulong nina Dennis at Laurence." Sabi ni Michael
"Wait, naguguluhan talaga ako. Ano connection niyo sa isa't isa?" tanong ni Anna na sinang-ayunan ng iba
"Okay mga classmates, ganto kasi yun. Pinsan ko si Michael. Nagpanggap siyang si Miggy para mapaghigantihan ang kamatayan nga ng kakambal niya at para malaman niya kung sino-sino ang pumatay sa kapatid niya. Nung binaril siya ni Madison, di na siya pumasok at nangpanggap na lang na patay at ako ang ginawa niyang spy. Nang ma-kick out ako, si Laurence ang ginawa naming spy together with Dennis. Si Dennis ang spy namin kay Madison dahil kakampi siya ni Madison. Ayaw man ni Dennis na kumampi kay Madison ay kumampi siya dahil nakakatanggap siya ng death threat, hindi lang para sa kanya kundi pati sa pamilya niya. Dahil din kay Dennis, nalaman naming may binabalak si Madison na may mangyari ngayong araw ng graduation kaya inunahan namin siya. Kaya tingnan niyo, may nahulog sa kanyang pulang something na yan. Candy yan na tinunaw na may halong tubig." Mahabang explanation ni Sean at Natatawa nung sinabi niya yung pulang likido na candy pala "Haha. Bagay sa kanya."
Sinamaan lang siya ng tingin ni Madison. Bago pa makapag-react si Madison ay nagsalita si Michael.
"Ang hindi lang namin maintindihan, ay kung bakit niya kakampi si Rhian? At paano rin na Erica din ang pangalan niya?" sabi ni Michael
"At kung sino pa ang kakampi niya?" dugtong ni Sean
"Yun na nga ang sasabihin ko eh. Na hindi lang ako ang killer dito. Pati si Rhian din." Sabi ni Madison
Dahil sa sinabi niyang iyon, lahat kami Napatingin kay Rhian. Yumuko lang ito.
"Pinatay ni Rhian ang kapatid ko!" makikita sa mga mata ni Madison ang galit "Pinatay niya si Eric!"
"Sabi na eh. Kapatid niya si Eric." Hindi ko namalayang nasabi ko yun kaya napatingin yung ibang malapit sa akin, mahina lang naman pagkakasabi ko
"Oo, kapatid ko siya! Sa mga nakakakilala kay Eric, alam kong nagtataka kayo kung paano kami naging magkapatid. Kasi ampon ako! Inampon ako nina Daddy Matthew at ng anak ni Ms. Pelaes na si Mommy Faye." Sa sinabi niyang iyon ay nagulat kami, nagtaka, at nagtanong "Oh, nagulat kayo noh? Ang alam niyo ay walang anak si Ms. Pelaes. Jan kayo nagkakamali. Sina na Mommy Faye at ang kapatid niyang si Tito Kenneth ay ang mga anak ni Ms. Pelaes na iniwan niya at ipinagpalit sa asawa niya." Dugtong ni Madison "At ampon din si Rhian!"
Galing niyang sumegway infairness. Kanina topic is si Ms. Pelaes ngayon bumalik kay Rhian.
"Si Rhian ay kapatid ng kapatid ko." Lalo kaming naguluhan sa sinabi niya "Si Marjorie na kapatid ko ay ampon din. So bale magkapatid lang kami sa papel. Sina Marjorie at Rhian naman ay magkapatid sa dugo. At ang tunay na pangalan ni Rhian ay Nicolette." At tumawa na parang nababaliw "At si Rhi-- este Nicolette ang pumatay sa kapatid ko. Siya ang pumatay kay Eric. At dapat ka ring mamatay!" galit na sigaw ni Madison
"Hindi! Hindi ako ang pumatay sa kanya!" at this time, nagsalita na rin si Rhian, akala ko natuyuan na ng laway eh "Aksidente lang ang lahat."
"Once a killer, always a killer. You can't erase the fact na ikaw ang nag-plano ng lahat. Kayo nina Julie, Beatriz, Miguel, at ni Jimuel ang bumugbog sa kanya. At nung iniwan ka na ng mga kasama mo ay tinuluyan mo na siya." Sagot ni Madison
"Hindi!" sigaw ni Rhian at parang iiyak na "Hindi! Hindi! Hindi!"
"Mamamatay na kayo ngayon!" sigaw ni Madison at may inilabas na baril na galing sa bulsa niya
============================
[a/n: May tanong ako, ilang Madison ang nabanggit sa chapter na ito?
Waaaaaaa~~ malapit na ang pagwawakas..
Anong mangyayari sa susunod? Abangan..
Sino ba gusto niyong mamatay? Or mabuhay?
Basta read read na lang sa next chappy
Diba Katzuri? Hello!! Classmate ko po siya. Dedicated sayu. Basahin niyo rin po mga story niya. Mga lovestories po.
Meron pa rin bang naguguluhan? Comment lang kayo or PM sa akin then I'll explain]
Abangan sa susunod na kabanata↠
Find out next chapter⇛
Wait for my next update...➜
V o t e☆
(if nagustuhan niyo)
C O M M E N T ▤
(if there's something opinions, violent reactions, or anything na magpapatahimik sa kaluluwa niyo about TCOA6G =)) or baka naman may hinanakit kayo sa characters)
S h a r e❡
(share and spread TCOA6G =)) thank you)
03-11-16
©CrishaneAen❞
![](https://img.wattpad.com/cover/41466319-288-k314418.jpg)
BINABASA MO ANG
The Classroom of a 6th Grader
Misterio / SuspensoThe classroom of a 6th Grader (TCOA6G) Kami ay Grade Six students Ayaw kaming turuan ng mga teachers namin Kaya laging free time Pero sa bawat free time, May nangyayaring kababalaghan Ano?? .. .. Basahin niyo =>> ⇛ ➜ ↠ ============================...