Day 1 6:00 pm
Nandito ang lahat sa session room at ginaganap na ang sharing. Shinare nila ang mga masayang karanasan, malungkot, nakakahiya, at nakakatakot.
Halos lahat ay iisa lang ang sinabing nakakatakot na karanasan nila at iyon nga ang mga nangyari sa kanilang classroom.
Matapos iyon ay dumeretso na sila sa dining area upang maghapunan. Kada lamesa ay may anim na upuan.
Masaya silang naghahapunan. Yung iba ay natapos na.
"Guys, CR lang ako ha. Sakit ng tiyan ko eh." Sabi ni Rhian sa mga kasama niya
Apat lang sila sa table.
"Dami kasing nakain eh." Sabi naman ni Anna kaya nagtawanan sila
"Sige bilisan mo." Madison
"Malapit ng mag-time." Lyanna
Bumaba na nga si Rhian ng dining room. Hindi siya nag-iisa. Marami siyang kasamang mag-CR. Magkatabi lang ang CR ng girls at boys.
Samantala yung iba naman ay pumunta na ng session room.
"Tayo pa lang babae." Sabi ni Darlain kay Criztelyn nang makaupo na sila sa kanilang upuan
"Ay hindi, lalaki ak--- Wait lang." sabi ni Criztelyn at agad tumayo
"Saan ka pupunta?" tanong ni Darlain habang sinusundan ng tingin si Criztelyn
"Ballpen oh." Sabi ni Criztelyn nang makaupona sa tabi ni Darlain "Nakita ko kaya pinulot ko."
"Ikaw talaga mahilig mamulot ng ballpen." Darlain
"Check natin kung may tinta." Criztelyn
Nangtanggalin nila ang takip ng ballpen ay laking gulat na lang nila. Imbes na point ng ballpen ang makita nila, isang patalim ang nakita nila.
[a/n: yung ballpen yung nasa picture]
Nataranta ang lahat nang biglang mag-brown out.
Agad namang tinago ni Criztelyn ang patalim na inakala nilang ballpen.
Yung mga nasa loob ng session room ay nagsilabas.
Yung mga nasa dining room ay nagsibaba.Kalat na ang dilim bago nagkita ang lahat sa labas ng session room. Gabay-gabay sila ng dalawang gurong kasama (ang kanilang adviser at ang values teacher), ang paring nagretreat sa kanila, at ilang tauhan sa retreat house na may dalang flashlight.
"Sino pa ba ang wala?" tanong ng kanilang adviser
Padami na sila ng padami.
"Si Claudia po at si Stacey wala pa po." Sabi ni Cheerie
"Si Rhian, Madison at Anna din po wala pa." Lyanna
"Pati rin po si Drace at si Sean." Miggy
"Si Anna andito na!" sigaw nila nang makita si Anna
"Saan ka ba galing?" Ms. Pelaes
"Sa CR po tas bumalik po ako sa dining room dahil hinanap ko po yung ballpen ko." paliwanag ni Anna
"Si Dennis din po nawawala." Rudolf "Tsaka si Philip."
"Sige jan muna kayo sa loob ng session room at hahanapin lang namin ang mga kaklase ninyo." sabi ni Ms. Castro, yung isa pa nilang kasamang teacher
"Kami naman ay aayusin namin ang kuryente." sabi ng isang tauhan ng retreat house
Pumasok na sila sa session room. Nag-iwan naman ng mga flashlight ang mga tauhan kaya may konting liwanag sa loob.
Sa CR...
"Claudia, una na ako ha." sabi ni Stacey
"Sige kita na lang tayo sa session room." Claudia
Ilang sandali nang biglang mag-brownout.
"Ano ba yan!?" Claudia sabay na tayo lumabas." sabi ni Rhian sa loob ng isang cubicle
"Bilisan mo ha." Claudia
Si Claudia ay nasa may lababo. May nakita siyang dumaan sa likod niya. Ang nasa likod ni ay pintong bukas. Nakikita niya sa salamin.
Nang tumalikod siya,
Si Sean at Dennis lang pala.
"Uy si Claudia oh." sabi ni Sean kay Dennis
"Sabay sabay na tayo ha. Natatakot ako eh. Antayin na lang natin si Rhian." Claudia
"Nandito na ako. Tara na?" Rhian
Samantala si Stacey naman ay naligaw. Ang dilim na kasi. Kanina pa siya palakad-lakad.
May nakita siyang ilaw na gumagalaw. Paraang hawak ng taong naglalakad. Nawala ito dahil pumasok ata sa isang kwarto.
Sinundan niya ito.
Napunta siya sa CR.
Lalabas na sana siya ulit nang malaman na wala na dito sila Claudia.
Ngunit...
Sa session room...
"Wala pa ba si Stacey?" tanong ni Claudia kay Cheerie at Chamille
"Diba kasama mo?" Cheerie
"Nauna na siya sa akin eh." Claudia
"Saan naman kaya yun nagpunta?" Chamille
"Wala pa din si Drace?" sabi ni Sean kay Rudolf
"Wala pa." Rudolf "Pati nga si Philip, Stacey, at Madison."
"Nasaan na kaya sila?" Sean
Natigilan ang lahat dahil sa isang malakas na sigaw na nanggagaling sa CR.
"Ano yun?"
"Saan yun?"
"Sino yun?"
=====================================
Nasaan na nga ba sina Philip, Stacey, Drace at Madison?
Kaninong boses ang narinig nilang sigaw?
V o t e☆
(if nagustuhan niyo)
C O M M E N T ▤
(if there's something opinions, violent reactions, or anything na magpapatahimik sa kaluluwa niyo about TCOA6G =)) or baka naman may hinanakit kayo sa characters)
S h a r e❡
(share and spread TCOA6G =)) thank you)
11-28-15
©CrishaneAen❞
![](https://img.wattpad.com/cover/41466319-288-k314418.jpg)
BINABASA MO ANG
The Classroom of a 6th Grader
Misterio / SuspensoThe classroom of a 6th Grader (TCOA6G) Kami ay Grade Six students Ayaw kaming turuan ng mga teachers namin Kaya laging free time Pero sa bawat free time, May nangyayaring kababalaghan Ano?? .. .. Basahin niyo =>> ⇛ ➜ ↠ ============================...