S O M E O N E ' S P O V
**1 text message from K**
Inopen ko ang text.
K: pupunta ako ha
Edi pumunta ka. Nagpapaalam pa. Eh labas-pasok ka nga sa bahay.
Di ko nga nireplyan.
Humiga ako ulit sa kama at nagsoundtrip.
Maya-maya bumukas ang pinto.
"Hoy! Ang galing mo kanina ah." sabi ko sa kaniya "Maraming natakot."
"Huh? Anong pinagkakakana mo jan?" siya at umupo sa tabi ko
"Kanina nagparamdam ka nanaman. Patay-sindi ilaw effect pa. Tas hinangin pa yung kurtina. Basta. Akala talaga nila may multo. Galing mo dude." sabi ko
"Huh? Eh hindi ko nga nahawakan yung switch ng classroom niyo kanina eh. Naiwan ko ata yung susi ng switch sa bahay." siya
"Eh ano yung kanina? Totoong may nagpaparamdam sa classroom?" natakot na ako
"Ano bang nangyari sa classroom niyo kanina?"
---------------------------------------------------------------------
12 hours ago...
A N N A ' S P O V
Nandito ako ngayon naka-upo sa isang bench.
Ang aga ko pa. Konti pa lang ang mga estudyante at ako pa lang ata ang grade 6. Halos may isang oras pa akong mag-aantay sa flag ceremony.
Ang aga ko kasing nagising. Nagising ako dahil sa panaginip ko.
Napanaginipan ko si Elle at ako. Noong bata pa kami. Noong masaya kami at walang iniintinding problema. Noong naglalaro kami ng paborito naming laro. Noong buhay pa siya.
Dahil marami pa naman akong oras kaya gumala muna ako sa school bitbit ang bag ko.
Binalikan ko ang mga lugar kung saan kami lagi ni Elle.
Nandito ako sa harap ng classroom namin. Kung saan siya mismo pinatay.
Mag-a-apat na taon na pala nang mamatay siya.
Napaluha ako.
"Elle, ipaglalaban ko ang kamatayan mo."
Biglang humangin ang paligid. Parang nandito siya.
"Miss na kita Elle. Miss na miss na kita."
Hindi o na napigilang umiyak. Umupo ako sa gilid ng court, tapat ng classroom namin at tahimik na umiyak.
'Miss na rin kita'
--
S E A N ' S P O V
Walang teacher ngayon so party time. Pangalawang subject palang eh. 8:00 pa nga lang sa orasan ng classroom eh.
Tumayo ako papunta sa upuan ni Drace. Kaso may harang eh. Bunggoin ko nga.
"Aray! Ano ba!?" talsik si Andrei eh
"Paharang-harang ka jan eh. Taba kasi." ako
Binatukan ako.
"Hindi masakit bleh :P " ako
Pero masakit talaga.
Pumunta na ako kay Drace. Nangtitrip siya kay Darlain eh. Sumali ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/41466319-288-k314418.jpg)
BINABASA MO ANG
The Classroom of a 6th Grader
Mystère / ThrillerThe classroom of a 6th Grader (TCOA6G) Kami ay Grade Six students Ayaw kaming turuan ng mga teachers namin Kaya laging free time Pero sa bawat free time, May nangyayaring kababalaghan Ano?? .. .. Basahin niyo =>> ⇛ ➜ ↠ ============================...