Grade 6 October 2014
R H I A N ' S P O V
"Grabe nakakatakot." sabi ni Lorreign
"Bakit?" sabay naming tanong ni Anna
"May nagpakamatay." Lorreign
"Hindi yun nagpakamatay. Pinatay yun." biglang sumingit si Lyn
"Sino naman pumatay?" Anna
"Panong namatay?" Ako
"Easy lang. Isa isa tanong. Hindi pa alam sino pumatay. Nahulog daw sa hagdan. Nabagok ang ulo. Pero buhay pa naman. Nasa ospital na daw." Lyn
"Di ka naman tsismosa noh." Lorreign
"Hindi nga." Lyn
"Sino yung nahulog sa hagdan? Tsaka pano mong nasabi na pinatay? Hindi ba pwedeng naaksidenteng nahulog sa hagdan?" Ako
"Highschool daw. Babae. Di ko nakita eh. Sabi kasi parang kinaladkad galing sa classroom nila. Sabi nung huling nakakita sa kanya kahapon daw nagpapractice sila ng sayaw daw nila. Project daw nila yun. Mga 5 ata o 6 tas pauwi na sila. Nauna na daw yung mga kasama niya sa kanya. Tas ngayon nakita daw yung ibang gamit niya sa classroom nila tas may mga nakakalat na gamit niya yung mga ballpen notebook basta sabog sabog yung gamit niya na simula classroom nila hanggang sa may hagdan. Tas kanina lang siya nakita." Lyn
"Diba kahapon nasa school din sila Andrei, Natasha, Madison tsaka sila ano basta yung mga kagrupo nila. Tinatapos yung project. Grupo na lang nila di nagpapasa eh. Hindi ba nila alam yun?" Anna
"Ewan." Lyn
"Diba mga 4 lang sila natapos sabi sakin ni Natasha." Lorreign
"Sabi sakin ni Andrei 5:30 na daw siya nakauwi. Sila na nga lang daw nila Philip, Dennis, at Madison eh." Lyn
"Pero sabi ni Madison mga 6 na daw siya nakauwi. Sila na lang daw ni Dennis." Anna
"Ganun. Iba iba oras. Pero nakachat ko si Dennis sabi nya mga 6:20 na daw niya natapos. Siya na lang tumapos. Ang totoo nga daw dinala niya sa bahay niya yung project nila kasi natakot na siya kasi daw parang may narinig siyang kakaiba. Di kaya narinig niya yung pangyayaring pagpatay?" Ako
---------------------------------------------------------------------
S T A C E Y ' S P O V
Nandito kami sa hallway naglalakad. Kasama ko sila Chamille, Claudia, at Cheerie.
Lunch time ngayon at may oras pa kami bago ang susunod na subject.
Nasa harap ako. Katabi ko si Cheerie sa kanan. Sa likod naman namin sila Chamille at Claudia.
Papunta na kami sa CR. May hagdan malapit sa CR.

BINABASA MO ANG
The Classroom of a 6th Grader
Misteri / ThrillerThe classroom of a 6th Grader (TCOA6G) Kami ay Grade Six students Ayaw kaming turuan ng mga teachers namin Kaya laging free time Pero sa bawat free time, May nangyayaring kababalaghan Ano?? .. .. Basahin niyo =>> ⇛ ➜ ↠ ============================...