8:30 PM..."Patience, Kathryn, patience! Baka na-traffic lang siya.", hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na 'tong sinabi sa sarili ko. Nasaan na ba kasi si Danyel?
Sa mga nagtataka, May 25 ngayon. 5th wedding anniversary namin. And he promised na mag-dinner kaming dalawa sa favorite resto namin. Sa Taste of L.A.. Ano na? 6:00 PM ang usapan namin, pero 8:30 na wala pa rin siya.
"Nanay? Bakit po nandito ka pa rin? Akala ko po ba mag-dinner kayo ni Tatay?", natigil ako sa pag-iisip ko nang bigla na lang magsalita si Reese, ang panganay na anak namin.
"Ate, wala pa si Tatay eh. Na-traffic siguro.", sabi ko sa kanya. "Eh, how 'bout you? Bakit gising ka pa?", pahabol na tanong ko.
"Nakatulog na po talaga ako, kaya lang, I need to drink water po. Na-uhaw po ako. Mamu Mercy told me kasi na kung pwede daw, ako na lang daw muna po ang kumuha ng water ko, naiyak po kasi si Buknoy eh.", sagot ni Reese sa akin bago siya pumuntang kusina.
Si Mamu Mercy nga pala ay ang nag-aalaga kay Reese at kay Buknoy. Si Buknoy naman ay ang bunso namin ni Danyel. Alexander talaga ang pangalan niya. Lambing lang namin sa kanya yung Buknoy. At oo nga pala, nanganak na ako nung January. Kaya nga ang lakas na ng loob kong lumabas kahit gabi na eh.
"Nanay? I'll go to my room na po, ha? Antok na po talaga ako eh. Good night po.", hinalikan ko siya sa pisngi at nginitian.
Magiging good nga kaya talaga ang night ko?
Mag-9:00 PM na, wala pa rin siya. Baka naman may emergency. Pero sana, kung meron nga, nag-text man lang siya. Hay, naku! Sige lang, push mo lang, Kathryn! Hintay pa more! Umupo na lang muna ako sa sofa habang naghihintay sa pagdating niya.
9:50 PM... Patience is a virtue.
10:35 PM... Kalma, Kathryn, kalma.
11:47 PM... Haaaaaaaaaaaaay..
12:10 AM... Mahal ko eh.
12:49 AM... I hate waiting.
Hinubad ko na ang sandals ko. Akyat na lang ako. Inaantok na ako eh. Bibisitahin ko muna siguro si Buknoy, bago ako matulog.
Pero bago pa ako tuluyang makaakyat sa taas, narinig kong bumukas ang gate at may pumasok na sasakyan..
Danyel...
Ay, ambot! Paakyat na sana ulit ako nang biglang may nagsalita..
"O, hon, gabi na. Bakit gising ka pa?", seriously? Talaga bang tinanong niya sa akin 'yun? Gusto kong magalit, pero pinigilan ko ang sarili ko. Nilingon ko siya.
"Ewan ko nga eh. Bakit nga ba gising pa ako?", wala sa sariling sagot ko sa kanya.
"Kathryn, ano na naman ba? Pagod ako. Kaya kung pwede lang, please, diretsuhin mo na.", sabi niya habang niluluwagan ang neck tie niya.
Hindi ko na napigilan. Na-iyak na ako. Pinaghintay niya ako, tapos ganito pa? Insensitive!
"O, bakit ka umiiyak? May masakit ba sa'yo?", oo, Danyel, may masakit.. Masakit yung puso ko..
"Wala. Walang masakit. Kumain ka na ba?", sabi ko habang pinupunasan ang luha ko. Pinilit kong 'wag maging sarcastic ang tono ng pananalita ko. Tiis lang, Kathryn.
"Oo, tapos na. Sabay-sabay kaming nag-dinner sa company. Nilibre ko na sila, pinag-O.T. ko kasi sila eh.", sagot niya habang dahan-dahang hinuhubad ang kanyang sapatos. Lumapit ako sa kanya at tinulungan ko siyang magtanggal ng sapatos. Asawa niya ako eh.
"Ganun ba? Kumain ka na pala. Buti ka pa. Ako kasi hindi pa eh. Hinintay kasi kita. Happy Anniversary nga pala. I love you.", gulat na napatingin siya sa akin. Kiniss ko siya sa pisngi at nginitian na lang. Tumayo ako at umakyat na sa taas. Mahal ko eh. Kaya sige lang, naiintindihan ko.
"Oh, shoot! Anniversary nga pala namin. Bakit ko kinalimutan?! Ang tanga mo, Danyel!", narinig kong bulong niya. Nakalimutan niya pala. Busy nga siguro talaga siya.
"Hon..", rinig kong tawag niya, pero hindi ako lumingon. 'Wag muna. 'Wag muna ngayon. I need a break. Ipapahinga ko na lang muna 'tong nararamdaman ko.
Tahimik na sa kwarto nila Buknoy, kaya hindi na ako bumisita. Dumiretso na lang ako sa kwarto namin. Makapagpalit na nga lang. Sinuot ko ang paborito kong shirt ni Danyel at black kong cotton shorts, tsaka ako sumalampak sa kama.
Tama, Kathryn. I-tulog mo na lang. Magiging maayos rin ang pakiramdam mo.
Wala eh, mahal mo eh.
--------------------------------------------------
A/N:Wala eh, ayan lang rin kinaya ko eh. Haha! Sorry na! Tsaka feeling ko, maire-relate naman sa great love ang chapter na 'to. Sabaw again! Sabi ko naman sa inyo, hindi ako into writing stories.
THIS CHAPTER IS DEDICATED TO msyellowpixie ♥️
Feel free to leave a comment. Kahit anong ka-echosan lang. Hahaha!
ありがとう!!!☺️