10: Daniel John

1.8K 76 74
                                    


Dumating ako sa bahay at nadatnan ko si Kathryn sa may sala kasama si Reese.

"Tatay.", lalapit sana ito sa akin pero pinigilan siya ni Kathryn.

"Ate, umakyat ka muna sa kwarto mo, ha? May sasabihin lang akong importante sa Tatay mo.", utos at pagpapaliwanag niya kay Reese. Tumango naman ito at umakyat agad papunta sa kanyang kwarto.

"Bakit ngayon ka lang?", panimula ni Kathryn habang nakapamewang.

"Ayos! Kailan pa ako nagka-curfew?", sarkastikong sagot ko sa kanya.

"Nakalimutan mo, ano?", bakas ang inis sa boses niya.

"Anong nakalimutan? Alam mo, ang hilig mong pahabain, diretsuhin mo na nga ako.", inis rin na sagot ko sa kanya.

"Birthday ngayon ni Reese, Danyel! Sabi mo, darating ka. Pero ano? Danyel, naman! Sa dami ng pwede mong makalimutan, yung birthday party pa talaga ni Reese! Simpleng dinner, kasama ang mga importanteng tao sa buhay ni Reese, ayun lang ang hiniling niya! Pero ano?! Nakalimutan mo! Inuna mo pa 'yang kliyente mo!", galit na galit na sigaw sa akin ni Kathryn. Great!

"O, edi sorry! Hindi ko naman sinasadya eh! Bakit ba kung maka-sigaw ka diyan, akala mo napaka-walang kwenta kong tao?!", sagot ko sa kanya. Ano?! Ako pa ba?! Eh sila rin naman nakikinabang sa ginagawa ko, ha?!

"Hindi 'yon ang punto eh! NANGAKO KA! Nangako ka sa bata! Tapos ano?! Hindi mo rin tinupad?! Matatanggap ko pa na yung anniversary natin, kinalimutan mo.. Pero yung birthday ng anak mo?! Pinaasa mo yung bata! Mabuti na lang, mabuti na lang talaga, maunawain siya!", sigaw ulit sa akin ni Kathryn.

"Oo na nga eh! OO NA! Kasalanan ko na! O, ano, tapos ka na ba dumada diyan?!", naiiritang sagot ko sa kanya.

"ANO?!", tanong niya sa akin habang nakataas ang isang kilay.

"Pagod ako galing trabaho! Ano, uulitin ko--", PAK!, hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil sinampal ako ni Kathryn. Napahawak ako sa kaliwang pisngi ko at tinignan siya nang masama.

"Ba't mo ko sinampal!?", tanong ko sa kanya habang hinihimas ang pisngi ko.

"Dapat lang sa'yo 'yan! Para magising ka! Anong nangyayari sa'yo, Danyel? Ba't parang nagbago ka na? Hindi na ikaw yung dating Danyel na minahal ko.", sigaw ulit niya.

"Well, news flash, Kathryn. Walang permanente sa mundong 'to. Tanggapin mo na, na iba na yung Danyel na minahal mo noon, sa Danyel ngayon!", nanggagalaiting sabi ko sa kanya.

Unti-unting napalitan ng pagkadismaya ang mga mata ni Kathryn habang nakatingin sa akin at tsaka nag-umpisang mag-tubig ang kanyang mga mata. Sus! Ano? Dadramahan niya ako? Oh, please! Pagod ako sa trabaho, para atupagin pa ang mga kaartehan niya.

"Hindi na nga talaga ikaw yung Danyel na nakilala at minahal ko. Sorry, ha? Akala ko kasi, iba ka. Eh parehas ka lang rin pala ng ibang lalake.", tumawa si Kathryn, halatang peke 'yon, at tsaka niya pinunasan ang mga luhang bumabagsak mula sa kanyang mga mata.

"O, ano? May sasabihin ka pa? Sagarin mo na. Gusto ko na kasi magpahinga.", walang kaemo-emosyong sabi ko sa kanya.

Kung kanina ay bakas ang pagkadismaya sa mata ni Kathryn, ngayon naman ay galit naman ang makikita dito. As if naman natatakot pa ako. Kung yung dating Danyel siguro, oo. Pero yung ngayon? Hindi na noh.

"Maghiwalay na lang tayo.", sabi ni Kathryn sa'kin.

"Fine! Ayun ang gusto mo? Edi sige. Bukas na bukas mag-file ka na ng annulment. Or baka gusto mong ako pa ang mag-file?", panghahamon ko sa kanya.

Great LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon