7: Kathryn Chandria

1.8K 59 21
                                    


*tok tok tok*

Nagising ako dahil sa sunod-sunod na katok sa pintuan ng aming kwarto.

*tok tok tok*

"Tatay! Nanay!", tawag ng aming panganay mula sa labas.

*tok tok tok*

"Tatay! Nanay! Open the door po, please.", pagtawag ni Reese sa amin.

"Ate, w-wait lang!", natatarantang sigaw ko. Nasaan na ba yung mga damit ko?

Tatayo na sana ako para hanapin ang mga damit ko ngunit bigla akong niyakap ni Danyel. "At saan ka pupunta?", tanong niya sa akin.

"Hon.. Nasa labas si Reese. Kailangan na nating magbihis. Hindi niya tayo pwedeng makitang ganito.", kinakabahang tugon ko sa kanya.

Napabuga na lang ng hangin si Danyel at tsaka ako pinakawalan. Agad akong tumayo at hinigit ang blanket para takpan ang katawan ko.

"Nagtatakip ka ba talaga, or gusto mo lang makita ang katawan ko?", mapanuksong sabi sa akin ni Danyel.

"Oh, please. Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo.", sabi ko habang hinahanap ang aking mga damit. "Saan mo ba kasi pinaghahagis yung mga suot ko?! Kasi naman eh!", bulyaw ko sa kanya.

"Hanapin mo.. Hahaha!", mapanuksong sabi niya ulit sa akin. Tanging irap lang ang naisagot ko kanya.

*****

"Ate, bakit?", agad na tanong ko kay Reese, pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto.

"Nanay.. Pwede po ba akong mag-alaga ng dog?", tanong niya sa akin.

Akala ko naman kung ano. Kinabahan ako.

"Ah.. Oo naman.. Pero let's ask Tatay rin, ha?", nakangiting sabi ko sa kanya. Ngumiti rin siya sa akin at tumango.

"Kailangan pa ba talagang itanong sa akin 'yan? Eh, alam mo namang kung ano ang desisyon mo, ganun na rin ang sa akin. At tsaka matatanggihan ko ba naman itong Ate natin?", biglang sulpot ni Danyel sa likuran ko. Kumindat pa siya sa akin.

"Syempre naman. Ikaw pa rin ang head of the family, kaya talagang dapat komunsulta muna ako sa'yo. Kung ano ang magiging desisyon mo, ayun ang dapat na suportahan ko.", pagpapaliwanag ko kay Danyel.

"Naiintindihan ko naman 'yon, hon.. Pero kung alam mo namang tama ang desisyon mo, go lang. Hindi ka naman gagawa ng desisyon na ikagagalit ko, diba?", nakangiting sagot ni Danyel sa akin.

"So..Tatay, Nanay.. Pwede po?", may ibang kinang ang mga mata ni Reese nung tinanong niya kami ni Danyel.

"Pero Reese, ha. Be responsible. Having a pet is like a having a baby.", pangaral ko sa kanya.

"Of course, Nanay! Love, protect and cuddle.", bibbong-bibbong sagot niya sa akin.

"Ano bang klaseng aso ang gusto mo?", tanong ni Danyel kay Reese.

"I don't know po. Pero Tita Kathy and her husband, Tito Pat, i-Messaged me po kanina. Sabi nila, bigyan daw po nila ako ng dog. Birthday gift daw po nila sa akin. BUT.. kailangan ko daw muna po mag-ask ng permission sa inyo. Here's a picture nga po, o.", tuwang-tuwang kwento ni Reese sa amin ni Danyel at tsaka ipinakita ang larawan ng isang aso na naka-save iPad niya.

"Wow! Ang cute!", nakangiting komento ko habang tinitignan ang larawan ng nasabing aso sa iPad. "Boy ba 'yan or girl?", tanong ko sa kanya.

"Boy po.", nakangiting sagot niya sa akin.

"O, 'wag kalimutang magpasalamat kay Tita Kathy at kay Tito Pat, ha?", nakangiting paalala ko kay Reese. Mabilis naman itong tumango.

"May name na ba?", tanong naman ni Danyel.

"Meron na po! Meron na po!", agad na sagot ni Reese sa Tatay niya.

"Meron na? Agad-agad? Ano?", gulat na tanong ni Danyel sa aming anak.

"DANYEL JOHN!", tuwang-tuwang sagot ni Reese habang pumapalakpak pa.

Nanlaki ang mga mata ko at napatingin kay Danyel.

"Parang napasama pa ata ang pagpayag ko ah.", narinig kong bulong ni Danyel habang kakamut-kamot ng ulo.

Napa-iling na lang ako at napangiti.

------------------------------------------------------
A/N:

1:38 AM ko 'to natapos kanina. Tapos mga 20 hours kong inedit. Hahaha! Hindi, joke lang. Nakatulog ako kaninang medaling araw, kaya hindi ko nai-post 'to. *kamot ulo*

Pagpasensyahan niyo na ha? Ito lang talaga ang kaya at tsaka wala kasi akong plan for this chapter. Bigla ko lang nakita yung picture ng dog sa camera roll ko, kaya ayun, napa-type ako. Hahaha!

This chapter is dedicated to Ate Lolly, Kathy, Tashie, Gwen, Ysa and Yen. 😉♥️

Meow!

Great LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon