4 years ago, ano nga bang nangyari?
Oh, well.. Niloko lang naman ako ng lalakeng pinakamamahal ko. Ng 1st boyfriend ko. Ang sakit lang, diba?
Yung nandiyan ako lagi para sa kanya, inuuna ko siya kesa sa sarili ko, yung kahit sinasabi na ng ibang tao na "He's cheating on you. May ka-holding hands kaya yan na iba. Ang sweet, sweet pa nga nila eh!" ay hindi ako basta naniniwala kasi malaki ang trust ko sa kanya..
Minsan nga tinatanong ko ang sarili ko kung bakit ako. Bakit hindi na lang sa iba? Sa dinami-rami ng tao sa mundong 'to, bakit ako pa ang nakaranas na masaktan? Eh wala naman akong ginawang masama. Ang ginawa ko lang naman ay masyado kong inabuso ang sarili ko. Nagmahal lang naman ako.
Pero na-realize ko na tama rin pala, tama pala na nasaktan ako. Siguro way yun ni God para matuto ako. Matuto na pahalagahan ang sarili ko. Na unahin ko yung sarili ko. Na ma-realize ko na there's more to life than love.
Kaya nga heto ako ngayon, masaya.. Kasama ang family, relatives at friends ko. Nasaktan man ako noon, naka-move on at okay naman na ako ngayon.. Hindi ako nagtanim ng galit kay Caleb. Napatawad ko na siya. Hindi pa man kami nakapag-usap, pero ang masasabi ko lang ay napatawad ko na talaga siya at kinalimutan ko na rin ang ginawa niya.
At kung sakali mang may dumating na bagong lakake sa buhay ko, at alam kong siya na yung itinakda ni God for me, I'll accept him.. With my arms wide open 😊