13: Kathryn Chandria

2.1K 61 39
                                    


Ilang araw na rin kaming nandito sa Amanpulo and I'm happy to say na nag-enjoy naman kami. Alam niyo bang dito ko na rin balak manganak, pero hindi ko pa sinasabi kay Danyel? Hahaha! Tsaka na.. mag-tu-2 months pa lang naman 'tong nasa sinapupunan ko.

Lakas ba ng trip ko? Hindi naman, sakto lang. Chos!

By the way, highway, ang ganda ko talaga! Hindi, joke lang. Ang gusto ko talagang sabihin ay... nag-aayos nga pala ako kasi may welcoming party dito sa Amanpulo. Invited lahat ng mga nag-check in ngayong month. A Night of Elegance daw ang theme nito and of course, it's formal. Nagtataka siguro kayo kung saan ako kumuha ng isusuot, eh nasa Amanpulo ako.

Well, nung nagpa-reserve or advance booking kasi ako, na-inform na nila ako na ang napili kong month ay may gaganaping welcoming party. So, ayun, kaya nakapagdala ako ng damit for me and my husband. Pinasadya ko pa talaga ang mga ito sa mga kilalang designers. Hindi ko na dinalhan sila Reese at Buknoy ng damit dahil ang nasabing party ay for 18 years old and above lang.

Enough of that.

Since hindi pa naman ganun kalakihan ang tiyan ko, naisipan kong magsuot ng fitted gown na pinagawa ko kay Michael Cinco. Oo, pinaghandaan ko. I don't why, siguro dahil buntis ako. Hahaha! Kay Joey Samson ko naman pinagawan ng maisusuot si Danyel. Naka-white kami parehas. Hindi ko rin alam bakit, siguro kaartehan ko dahil nga buntis. Charot!

"Let's go?", tanong ni Danyel pagpasok niya sa aming kwarto. 2-bedroom villa nga pala ang ni-rent namin. Ang isang kwarto ay para sa amin at ang isa naman ay para kay Mamu Mercy at sa mga bata.

Oo, si Mamu Mercy yung kasama ng mga bata. Ewan ko ba! Lately, gusto kong ma-solo si Danyel, pero 'di ko pinapaalam sa kanya.. Baka lumaki ulo eh.

Lumapit siya sa akin at naglahad ng kamay. Pinatong ko ang kamay ko sa kamay niya at nginitian siya. "Let's go.", sagot ko sa kanya.

"You look beautiful.", sabi niya.

"I know.", sagot ko. Buntis nga ako, 'wag kayong ano. Hahaha!

Natawa na lang siya at lumabas na kami ng kwarto habang magkahawak ang kamay, nagpunta na kami sa The Beach Club or Clubhouse, ang venue para sa gaganaping welcoming party.

*****

"And the Best Dressed Couple of the Night is... Mr. and Mrs. Ford! Congratulations!", sabi ng emcee sa harapan. Nagsi-palakpakan naman ang mga tao at inakay ako ni Danyel papunta sa harapan para kuhain ang aming award.

Nakipag-shake hands sila sa amin at nagpasalamat kami sa kanila.. bumaba rin agad kami ng stage para makabalik sa aming kinauupuan.

"Like every journey, this event must also come to an end.. But before we end this, we would like to thank all of you for gracing this event. This wouldn't be possible kung wala kayo. Again.. thank you, God bless and have a good stay here in Amanpulo.", pagpapaalam ng emcee.

Lumabas lang kami ng venue nung wala na masayadong tao dahil nga buntis ako.. at tsaka kami bumalik sa aming villa.

*****

Lumuhod si Danyel at tinanggal ang aking sandals. Tumayo agad siya pagkatapos.

"Thank you.", nginitian ko siya at hinalikan sa pisngi.

"You're welcome! Pero bakit sa pisngi lang?", sagot niya at biglang ngumuso sa akin. Natawa lang ako at pinisil ang ilong niya.

Great LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon