Ugh! Kakabalik ko pa lang galing Bicol. Napaka ni Kathryn!"Hon, get this."
"Hon, get that."
"ANO 'TONG DINALA MO?!"
"Ayoko na nito!"
"Iba na lang."
At ang pinakamalala..
"ANG PANGIT MO!!! UMALIS KA SA HARAPAN KO AT PUMUNTA KANG BICOL! IBILI MO AKO NG PILI NUTS!"
Buntis si Kathryn. Oo, buntis siya. 7 weeks. Anong month ngayon? December. Haaaaaaay.. Itutuloy ko pa ba yung plano kong maraming anak? 25 ang target ko eh. Ang hirap! Don't get me wrong. Kaya lang, nakakapagod talaga, lalo na kapag sa stage na naglilihi siya. Parang gusto kong maiyak. Jusko! Paano na ang sasalihan kong networking kung hindi kami magkakaanak ng marami? Ire-recruit ko pa naman sila. Huhu!
"FORD!!!!!!!!!!", ito na naman siya sa pagsigaw. Umakyat na ako, dala-dala ang pili nuts na pinabili niya. Take note: Ako dapat ang bumili sa Bicol. Mag-picture or video pa nga daw ako, proof daw. Tss!
Pumasok ako sa kwarto namin at nadatnan ko siyang nasa lapag at may inaayos na maleta. Teka, maleta ko pala 'yon. Pinatong ko sa kama yung plastic na dala ko at lumuhod sa harapan niya.
"Anong ginagawa mo sa maleta ko? Tsaka ano yung nilalagay mo? Aalis ka? Saan ka pupunta?", nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Anong saan ako pupunta? Baka, ikaw. Saan ka pupunta?", sabi niya sa akin habang isinasarado ang zipper ng maleta.
"As far as I can remember, wala naman akong pupuntahan. Wala naman akong seminar na naka-schedule. I told my secretary to cancel all my out of town appointments 'cause you're pregnant. At naikwento ko rin lahat sa'yo 'yon.", paliwanag ko sa kanya.
"Ay, ganun ba? O, edi pinapalayas na kita. Simula ngayon, hindi ka na pwede umuwi dito.", nakangiting sabi sa akin ni Kathryn.
"Hon, ano na naman ba 'to? May nagawa ba akong mali? Saan ako nagkulang? Hindi mo na ba ako mahal? Hindi na ba maganda ang performance ko sa--", pinutol ni Kathryn ang nagbabadyang kadramahan ko.
"Ang OA mo! Bawal mag-joke? Seryoso sa buhay? Ano nahithit mo? Baliw 'to. Isasama kita sa Amanpulo, maliban na lang kung ayaw mo.", sabi niya at binigyan ako ng nakakalokong ngiti. Ano? Amanpulo daw?
"Amanpulo? Anong gagawin natin sa Amanpulo?", naguguluhang tanong ko sa kanya.
"Wala lang, gusto ko lang pumunta, tapos uwi rin tayo agad after 5 minutes. Dami mo kasing pera. Tara, sayangin natin.", pamimilosopo niya sa akin.
"Ano nga kasing gagawin natin sa Amanpulo?", nagpipigil ng inis na tanong ko sa kanya. Buntis siya. Danyel, kalma.
"Maliligo lang ako sa banyo dun. Nakakasawa tubig natin dito eh.", pamimilosopo niya pa ulit sa akin.
"Kathryn..", pagbabanta ko sa kanya. Charing!
"Lulunurin kita. Nabubwiset kasi ako sa'yo, tanong ka nang tanong. Sasama ka ba o sasama?!", masungit na sabi niya. Napangiti naman ako bigla.
"Sasama, syempre. Biyaheng langit ba 'yan, Mrs. Ford?", kumindat ako sa kanya.
"Biyaheng impyerno, gusto mo?", sagot niya naman sa akin.
"Bawal ako mag-joke? Sungit mo talaga, buntis!", nakangising sabi ko sa kanya.
"Sungit pala, ha! Last mo na 'to, unggoy ka!", nanggagaliting sabi niya at kinuha ang plastic sa kama. "Ikaw ba talaga bumili nito sa Bicol or nagpapanggap ka lang?", seryosong tanong niya. "Baka binili mo lang 'to sa mall or baka pinabili mo sa iba. Nako!", pahabol pa niya.
"Ako bumili niyan. Ito, o.", sagot ko sa kanya at ipinakita ang video ko sa Bicol.
"K.", walang kagana-ganang sagot niya at tsaka lumabas ng kwarto, bitbit ang binili kong pili nuts.
Sinundan ko lang siya ng tingin at sumigaw,
"Hon! 25 ang gusto kong anak, ha? Sasali ako ng networking!"
Eksdi.
------------------------------------------------------
A/N:Nung medaling araw ng September 3 ko sinulat 'to, at dapat i-post ko rin 'to nun, pero tinamad ako. K.
Walang kwenta noh? (Lagi naman.)
Happy 4th Anniversary, KathNiel!!! ❤️
Feel free to comment here or kaya tweet kayo about sa story na 'to with the HT: #GreatLove (no need to tag me hehe), para naman alam ko kung walang kwenta or panget or ano. Hahaha! Salamat! 😊
Sakit ng puso ko, este, ng ngipin ko. Harhar! Babush!