It's June. Hindi muna ako pumasok dahil inasikaso namin kanina ni Kathryn ang nalalapit na 5th birthday ni Reese. And speaking of Reese..."Nanay, Tatay, paano po ba nagkaka-baby?", nanlaki ang mga mata ni Kathryn at muntik ko na maibuga yung juice na iniinom ko dahil sa tanong ni Reese.
Tumingin muna ako kay Kathryn. Yung tingin na Paano? Anong sasabihin ko?, pero base pa lang sa tingin na ibinibigay niya sa akin, hindi niya rin alam kung ano nga ba ang dapat sabihin kay Reese. O, jusko! Feeling ko nasa hot seat ako.
"Ah, eh... Paano ko ba ipapaliwanag...", kamot ulong panimula ko. "Ah, kayo ni Buknoy, ah, kaya kayo... Ah, naging baby namin kayo ni Nanay dahil... dahil...", hindi ko alam kung bakit wala akong maisip na salita. Na-blangko ang utak ko. Jusko, paano?
"Dahil love ako ni Tatay at love ko rin si Tatay! Ayun! Ha-ha!", awkward na pagdugtong ni Kathryn habang pinanlalakihan niya ako ng mata.
"Tama! Ha-ha! Ayun nga! Dahil love namin ang isa't isa.", nag-aalangang pagsang-ayon ko sa sinabi ni Kathryn.
"'Pag may love na rin po ako, edi magkaka-baby rin kami?", inosenteng tanong ni Reese sa amin habang palipat-palipat ang tingin niya sa akin at kay Kathryn.
"Ah, oo, baby! Pero tsaka na, kapag nasa right age ka na. Diba, Tatay?", pinandidilatan pa rin ako ni Kathryn.
Gusto ko sanang matawa, pero pinigilan ko dahil alam kong hindi ito ang tamang oras para sa pagtawa.
Linapitan ko si Reese. "Oo, tama si Nanay. Kapag nasa right age ka na, baby. Maybe 'pag 80 years old ka na.", nagpipigil ng tawang paliwanag ko kay Reese.
"Yehey! I'll have a baby kapag 80 na ako! Thanks po, Nanay and Tatay!", masiglang sabi ni Reese sa amin.
"Group huuuuuug!", sigaw ni Kathryn at tsaka yumakap sa akin at kay Reese. Yumakap rin ako pabalik sa kanila. Nagkatinginan kami ni Kathryn at tsaka siya natawa habang umiiling-iling.
"Aba, aba! Anong kaguluhan 'to?", narinig kong sigaw ni Ate Abby, ang kapatid ni Kathryn. Buhat-buhat niya si Buknoy. Sa kanila kasi natulog ang anak namin kagabi.
"Ate!!!/Tita!!!", sabay na sigaw nila Kathryn at Reese. Bumitaw sila sa pagkakayakap sa akin at lumapit kay Ate Abby. Yumakap si Reese sa kanyang tita, samantalang si Kathryn naman ay akmang kukunin si Buknoy, pero pinigilan siya ni Ate.
"Hep! Hep! Mamaya mo na kunin! Hayaan mo muna akong i-enjoy. Kasi hindi na siya sa bahay matutulog mamaya.", sabi ni Ate habang iniiwas si Buknoy.
"Oo na po! Kung hindi ka lang talaga malakas sa akin.", naka-pout na sabi ni Kathryn.
"I miss you, Tita Abby!", masayang sabi ni Reese kay Ate. Yinakap niya si Reese at tsaka nagsalita, "Tara sa kitchen, baby. Let's bake cookies.".
"Sali ako!", sabi ni Kathryn pero inilingan siya ni Ate at inginuso ako nito. Lakas ko talaga kay Ate! Haha!
Tumingin sa akin si Kathryn. "Malaki ka na. Kaya mo na sarili mo.", nakasimangot na sabi niya sa akin.
Natawa lang si Ate at muling umiling. "Hindi na. Ako na. Asikasuhin mo na lang ang asawa mo. Tsaka hayaan mo na ako. Minsan ko lang makasama ang mga babies niyo eh.", sabi ni Ate kay Kathryn.
"Tutulungan ko lang naman kayo.", nagpapaawang sabi ni Kathryn.
"Papatulong na lang ako kay Mamu Mercy. AT... hindi laging nandito 'yang asawa mo.", pagtanggi ni Ate kay Kathryn.
