5: Daniel John

2K 52 16
                                    


Tinawag ko siya, pero hindi siya lumingon. Sabagay.. Bakit nga naman siya lilingon? Eh may kasalanan ako sa kanya.

Sinundan ko siya, pero hindi muna ako pumasok agad sa kwarto. Hindi ko kasi alam kung paano ko siya haharapin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

Hiyang-hiya kasi ako sa nagawa ko.

Ipagpabukas ko na lang kaya?

Kaya lang, ang daming pumasok sa isip ko. Yung mga bagay na laging sinasabi sa akin ni Mama Carla. Gaya ng:

"Bakit mo ipagpapabukas ang mga bagay na kaya mo namang gawin ngayon?"

Tama nga naman si Mama. Hay, naku! Ang engot mo kasi, Danyel!

Lava lamp na lang ang tanging nagbibigay liwanag sa loob ng kwarto namin nung pumasok ako. Nakita ko si Kathryn na nakahiga sa kama habang suot ang shirt ko. Napangiti ako.

Tulog na kaya siya?

Pero bago ang lahat, nagpalit muna ako ng damit. Tsaka ko siya tinabihan sa kama.

"Hon..", tawag ko sa kanya. Pero katulad kanina, hindi siya lumingon. Tulog na nga siguro siya.

Hinigit ko na lang siya papalapit sa akin at niyakap. Kahit mahimbing na ang tulog niya, niyakap niya rin ako pabalik. Ganun naman kasi kami, kahit pa hindi kami okay.

Babawi ako bukas, pero sa ngayon? Matutulog na muna ako habang yakap-yakap ko siya.

*****

Nagising ako nang wala na sa tabi ko si Kathryn. Ano ba 'yan!? Ipagluluto ko pa naman sana siya ng breakfast. Imbes na bumawi ako sa kanya, iba yung binawi ko. Bumawi ako ng tulog. Engk!

Mission failed. Better luck next time, Danyel.

Tumingin ako sa orasan. 9:30 AM na pala. Bumangon na ako at pumunta sa banyo. Nagulat ako nang makita ko si Kathryn sa loob na nag-toothbrush. Akala ko nasa baba na siya..

Napatingin siya sa akin.. Nginitian ko siya, pero hindi siya ngumiti pabalik. Galit pa rin ata. Anong ata?! Galit talaga sa'yo!

Pinanuod ko lang siya hanggang sa matapos siya sa ginagawa niya. Aalis na sana siya, pero hinarangan ko siya.

"At saan ka pupunta?", tanong ko sa kanya.

"Danyel, please. 'Wag ngayon.", sabi niya habang sinusubukang dumaan. Pero dahil mas malakas at mas malaki ako sa kanya, wala siyang nagawa.

"Paano kung ayaw ko?", hamon ko sa kanya. Inirapan niya lang ako.

"Ito naman hindi na mabiro. Okay, okay. I'm sorry. Sorry na. Sorry kung makulit ako. Gusto lang naman kita makausap eh. At tsaka sorry kung nakalimutan ko. Sorry. Sorry talaga. Sorry kung pakiramdam mo hindi kita pinapahalagahan. Bati na tayo.. 'Wag ka na magalit sa akin, please?", luluhod na sana ako, pero pinigilan niya ko.

"'Wag ka ngang lumuhod! Ang OA mo!", sigaw niya.

"'Wag ka na kasi magalit, please?", pagmamakaawa ko sa kanya. Nakita ko naman siyang nagpipigil ng ngiti.

"Oo na, oo na! Hindi naman ako galit eh.. Ano.. Nagtatampo lang.", nahihiyang sagot niya sa akin.

"Sorry.. Bati na tayo, ha?", sabi ko ulit sa kanya.

"Okay na. Tama na. Naiintindihan ko naman eh. Alam ko namang hindi mo sinasadya. Sorry rin kung tinulugan kita kagabi.", hinawakan niya ang pisngi ko at ngumiti.

"I love you, Kathryn.. Mahal na mahal na mahal kita. Lagi mong tatandaan.", nakangiting sabi ko sa kanya.

"I love you, too.. Mahal na mahal na mahal rin kita. Oo na, alam ko naman 'yon eh. ", sagot niya sa akin at tsaka niya hinalikan ang labi ko. Nanlaki ang mata ko dahil sa ginawa niya.

"Ano? Baba na tayo?", natatawang tanong niya sa akin.

"Pwedeng isa pa?", parang tangang tanong ko rin sa kanya. Tinulak niya nang pabiro yung mukha ko.

"Anong pwedeng isa pa? Baliw!", natatawang sabi niya sa akin.

"Joke lang naman. Ano kako, pwede bang maghilamos at mag-toothbrush muna ako? Ayun. Ayun sana ang gusto kong sabihin. Nadulas lang ako.", sabi ko habang kakamut-kamot ng ulo.

"Oo na, oo na. Palusot pa more! Hahaha! Hintayin na lang kita sa labas.", lalabas na sana siya, pero hinawakan ko ang kamay niya.

"O, bakit?", nagtatakang tanong niya.

"Dito ka lang.", sabi ko sa kanya. Nag-umpisa na akong maghilamos gamit yung isang kamay ko. Natatawa ako sa itsura niya habang pinapanuod niya ako.. Halatang naasar na eh. Kyot!

"Ano ba naman, Danyel!? Hindi naman kita tatakasan eh!", sigaw niya habang pilit na tinatanggal ang kamay niya.

"Saglit lang. Ito na, o. Tapos na ako.", inirapan niya lang ako at nag-iwas siya ng tingin. Pinunasan ko muna ang mukha ko bago ko bitawan ang kamay niya.

"Uy! 'Wag ka na mainis.", tinusok-tusok ko yung pisngi niya, pero hindi siya tumitingin. Aha!

"Hon.. Ano 'yang itim sa mukha mo? Tumingin ka sa akin.. Tatanggalin ko, dali.", mabilis na napalingon siya sa akin. Kaya ang nangyari? Nahalikan ko siya sa labi.

Hahampasin niya sana ako.. Kaya lang, bago pa niya ako mahampas, nakatakbo na ako palabas.. Run, Daniel, Run..

"DAAAAANYEEEEEEL!", rinig kong sigaw ni Kathryn. Napangiti na lang ako.

DANIEL JOHN FOR THREE!!!!!! 🏀

-----------------------------------------------------
A/N:

Walang katapusang sabaw. Hahaha! Sorry talaga. Ito lang talaga ang kaya ko eh. Sad life. Chos!

Nga pala.. Get well soon, Ysa! ♥️

Okay. Bye.

Great LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon