3: Daniel John

2.5K 55 7
                                    


9 years later...

"Moon river.. Wider than a mile.." , kanta ko habang hinahaplos-haplos ang buhok ng anak ko.. Anak namin..

"Tatay, hindi pa po ako antok.. Is it okay kung i-kwento mo na lang po sa akin how you met my Nanay?", ano pa nga bang magagawa ko? Hindi naman ako makakatanggi sa baby ko.

"Okay. So, here it goes, Reese.. I met your your Nanay sa mall. I was in a hurry and she was, too. Nagkabungguan kami. No, I mean, binunggo ko siya. Nakakatawa nga eh. I was in a hurry yet I still found time to pull that kind of kalokohan... Nagmamadali ako noon kasi it's your Lola's birthday, late na ako, then may nakasalubong akong girl na sobrang ganda. It's your Nanay. The moment I laid my eyes on your Nanay? I felt something different. Something unexplainable,  connection that is. So, why not grab the chance, right? That is why a brilliant idea came into my mind. Binunggo ko siya. And the rest is history.", napatingin ako sa anak ko. Napangiti na lang ako nang makita siyang tulog na. I kissed her forehead, then I went to my room... Our room.

I smiled when I saw her in front of the mirror. My other baby. My big baby. My forever baby. I laughed at the thought. "Why are you smiling, Mr. Ford?", she asked, at may pagtaas pa ng isang kilay ha.

"Wala lang, Mrs. Ford.", binack hug ko siya at inamoy-amoy ang buhok niya. "How's my big baby?", tanong ko.

"Ayun, sumipa na naman. Ang likot-likot niya nga eh.", sabi niya habang naka-pout. Hay, her lips. My favorite part. Aish! Ano ba 'yan? Erase, erase!

"Hindi naman si baby number 2 ang tinutukoy ko, ikaw.." yes, she's pregnant with our second child, "How's my big baby? How's my Kathryn?" and yes, Kathryn Chandria Bernardo-Ford. My wife. My life. Siya si The One.

"Malay ko bang ako pala ang tinutukoy mo! Teka, tigilan mo nga ang kakaamoy sa akin. Nakakairita na eh! At tsaka maligo ka nga! Ang baho mo!", iritado niyang sabi habang patakip-takip pa ng ilong.

"Hoy, ha! Ang bango ko kaya! Amuyin mo pa 'tong kili-kili ko.", depensa ko habang nilalapit sa kanya yung kili-kili ko.

"Danyel, ano ba?! Tigilan mo nga! And please, don't hoy me! Hindi nakakatuwa! Gusto mo bang sa sala ka matulog?", aba! Inirapan pa ko.

"Uy, grabe! 'Wag naman.", niyakap ko siya ulit kahit napalag siya, inis na inis na naman ata sa akin ang misis ko.

"Okay, okay.. Sorry na. Na-miss lang naman kita.", kiniss ko siya sa noo.

"Ang OA! Nag-work ka lang naman! At tsaka nangungulit ka rin sa iMessage. Miss agad?", pambabara niya sa akin.

"Ganun talaga. Mahal na mahal kita eh. Kayo ni Reese. Pati si baby number 2." I gave her a kiss. Sa lips naman this time. "Come, come.. I'll tuck you in bed.", inalalayan ko siya papunta sa kama, pati na rin sa paghiga.. at tsaka ko siya kinumutan.

"Rest ka na. Masama sa inyo ni baby number 2 ang napupuyat. Ligo lang ako.", I said as I gave her another kiss on the forehead.

"Ehhhhh! Gusto ko sabay tayo.", I smirked at what she said.

"Gusto mo maligo tayo, sabay?", tanong ko sa kanya habang nakangiti.

Sinampal niya nang pabiro yung mukha ko. "BUANG! What I mean is... Gusto ko SABAY tayo... MATULOG. Hihintayin kitang matapos. Ikaw, Mister ha! Umayos ka!", sabi niya habang umiirap sa akin.

"Joke lang! Ikaw ang seryoso mo! Oo na, sige na, ligo lang ako.", tumayo na ako at pumunta sa banyo.

Pero bago pa ako makapasok sa banyo, liningon ko ulit siya, nakatingin pala siya sa'kin.

"Sigurado ka? Ayaw mo talagang sumabay? Final na? Basta, pasok ka na lang sa banyo, if ever na magbago ang isip mo. You're always welcome, alam mo 'yan.", pahabol ko, sinabayan ko pa ng kindat.

"DANYEEEEEEL!!!!! SA SALA KA MATUTULOG AND THAT'S FINAL!", sigaw niya.

Aguy! Napakamot na lang ako sa ulo at pumasok na sa banyo. *sighs*

-------------------------------------------------
A/N:

Sabaw. I know right. Hindi naman ako magaling sa mga ganitong bagay, pero sinusubukan ko. Promise! Na-pressure kasi ako sa comment ni msyellowpixie 😭 Jusko! 😂🔫 This chapter is dedicated to her, Ysa and Gwenny!

By the way, highway, matagal na 'tong naka-save, pero ngayon ko lang tinapos kasi nga na-pressure ako sa comment ni Kathy. Hahaha! Feeling ko kasi, hindi talaga okay 'to. So, ayun, kaya ngayon ko lang rin nai-post. Mwehehe! Sorry naman.

At tsaka si Reese nga pala yung nasa picture. Hahaha! Kathryn's kalookalike, pero kaugali ni Daniel. Orayt! Rock and roll to the world! 😂

おやすみなさい ♥️

Great LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon