6: Daniel John

1.9K 52 11
                                    


Sabay-sabay kaming nag-breakfast. I'm happy because nakikita ko na happy rin sila. What more could I ask for?

"Tatay, you look ewan. So creepy! Why are you smiling? Are you baliw?", tanong sa akin ni Reese na para bang isa akong psychopath sa paningin niya.

Natawa si Kathryn at si Mamu Mercy sa sinabi niya, kaya hindi ko rin napigilan at nakitawa na rin ako.

"No, baby. Happy lang talaga ako because I have Nanay, you and Buknoy.", nakangiting sagot ko sa kanya.

"Eh, Tatay, what about Mamu Mercy po? 'Di ka po ba happy na you have her?", takang tanong niya sa akin.

Napatingin ako kay Mamu Mercy at napangiti. "Syempre naman, I'm happy na I have Mamu Mercy rin.", sagot ko sa kanya. "Remember the movie Coraline?", pahabol na tanong ko.

"Silly, Tatay. Of course! It's my favorite movie kaya.", sagot niya at inirapan pa ako. Haha! Cute!

"I know, baby. What I'm trying to say is, si Mamu Mercy, parang siya yung Other Mother ko. Parang yung sa Coraline, pero ang kaibahan nga lang, mabait si Mamu Mercy. Yung sa movie, hindi.", pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Oh, okay. Gets ko na po.", nakiting sabi niya sa akin. "Tatay, Nanay, Mamu Mercy... Tapos na po ako kumain. I'll go to my room na po, ha? I'll finish my assignments pa po kasi eh. Okay lang po ba?", pagpapaalam niya sa amin.

"Sure.", sabi ni Kathryn sa kanya. Nginitian ko na lang si Reese at nagpatuloy sa pagkain. Humalik muna siya kay Buknoy bago umakyat.

"Mamu Mercy, ano pong lulutuin mo for lunch?", tanong ko.

"Afritada, 'nak. Bakit, 'nak? May i-request ka ba?", nakangiting tugon niya sa akin.

"Ah.. Ano po... Balak ko po sana na ako na lang ang magluto. Pambawi ko sa inyo nila Kathryn.", nahihiyang sabi ko sa kanya.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!", hindi ko alam kung anong meron at kung makatawa 'tong si Kathryn, parang wala ng bukas.

Napatingin kami sa kanya ni Mamu Mercy. "Anong nakakatawa?", tanong ko kay Kathryn.

"Ikaw. You're funny. Ang tagal mo na kayang hindi nagluluto. Mamaya hindi pa masarap ang kalabasan eh. Edi hindi pa tayo makakapag-lunch niyan? Hayaan mo na si Mamu Mercy.", sagot niya habang tawa pa rin nang tawa. Sinamaan ko siya ng tingin.


"Hay, nako. Kayo talagang dalawa. Tawagin niyo na lang ako kung may ipadagdag kayo ha? Iakyat ko na muna itong si Buknoy saglit.", tatawa-tawang sabi ni Mamu Mercy at tsaka kinarga ang bata.

Linapitan ko si Kathryn at ikinulong sa mga bisig ko. "Hon, ano ba!?", pag-angal ni Kathryn, pero hindi ko siya pinansin.

"Anong sabi mo? Baka hindi tayo makapag-lunch? Eh kung ikaw na lang kaya ang i-lunch ko?", nakangising sabi ko kanya.

"Hoy! 'Wag ka nga! Oo na, sige na. Ikaw na ang magluto.", natatakot na sabi niya sa akin. "Alis na, bilis.. Magluto ka na. Chupi!", pahabol ni Kathryn.

Chupi pala ha! Danyel, isa ka talagang henyo!

"Ayoko. 'Wag na. Nagbago na isip ko. Ikaw na lang pala ang ila-lunch ko.", sabi ko at tsaka ko siya binuhat papuntang kwarto.

Nagpumiglas si Kathryn, pero hindi ako nagpatinag. Lalo ko lang hinigpitan ang hawak ko sa kanya.

Sisigaw sana siya, pero dahil henyo nga ako, natakpan ko agad ang bibig niya... ng bibig ko. Hashtag Ngiting Tagumpay.

At anong ginawa namin sa kwarto?

It's for US to know and for you to find out. 😉

--------------------------------------------------
A/N:

Hindi dapat ganito 'to, pero whatever! Major, major sabaw. Hahaha! Marami pa dapat mangyayari, kaya lang, hindi talaga gumagana utak ko. Hindi ko alam kung paano ko maitatawid yung balak ko eh. Sensya naman.

Hindi rin dapat medyo naughty ang chapter na 'to, pero nagbago isip ko. Mwaha!

So, ayun. Na-pressure po talaga ako kay msyellowpixie kaya ganito lang ang nai-type ko. Siya po ang sisihin niyo. Charot! Love you, Kathy! ♥️

Pagtiyagaan niyo na lang. Bye!

Great LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon