8: Kathryn Chandria

1.7K 55 8
                                    


"Tulog na sila?", tanong sa akin ni Danyel habang pababa ako ng hagdan.

"Yup! Nung una, medyo nahirapan ako ibaba si Buknoy, pero naging okay rin naman.", nakangiting sabi ko sa kanya.

"Halika nga dito..", sabi niya habang tinatapik-tapik ang space sa sofa na inuupuan niya. Agad naman akong lumapit at tumabi sa kanya.

"Teka..", sabi ni Danyel sa akin at may kinuha sa bulsa niya. "Belated happy 7th anniversary, hon..", nakangiting bati ni Danyel sa akin habang hawak niya ang isang hindi kalakihang box.

"Belated happy 7th anniversary rin, hon.. Ano 'yan?", sabi ko naman sa kanya.

"Regalo ko sa'yo.", binuksan niya ang kahon at ipinakita sa akin ang laman nito.

"Binili ko 'to few months ago.. Nung umattend ako ng seminar sa London.. Para sana talaga 'to sa 7th anniversary natin yesterday, kaya lang, ayun nga, nakalimutan ko. I'm so sorry.", ramdam ko ang lungkot sa boses niya.

"Okay na nga, diba? Hindi mo naman sinadya 'yon eh. Thank you, hon.. Pero hindi mo naman ako kailangang bigyan ng gift.. Simpleng "Happy Anniversary!" lang, okay na ako..", nakangiting sabi ko sa kanya.

"I love you, Danyel John.. Kahit na makakalimutin ka.", humahagikhik na pahabol ko at hinalikan ko siya sa pisngi.

"Thank you rin.. Sa pagdating sa buhay ko, sa pagmamahal, sa pag-intindi sa akin, sa lahat-lahat.. I love you, Kathryn.. Pasensya na kung makakalimutin ako.", sabi niya sa akin. "Pwede ba kitang i-kiss sa lips?", nahihiya ngunit nakangiting tanong niya sa akin.

"Oo naman. Hindi mo naman ho kailangang magpaalam.", natatawang sagot ko sa kanya.

"Pero teka, isuot ko muna pala sa'yo 'tong heart necklace na bigay ko.", tumagilid ako at isinuot niya iyon sa akin.

"Okay na.", sabi niya at humarap ulit ako sa kanya.

Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi. "'Pag wala ako sa tabi mo, lagi mo lang tignan, hawakan or isuot 'yan. Wala nga ako, pero iniwan ko naman sa'yo ang puso ko.. ang pagmamahal ko.. Para kahit nasaan man ako, feeling mo, nasa tabi mo lang ako. At tsaka patunay rin 'yan na ikaw at ikaw lamang ang nagmamay-ari ng puso ko.", pagpapaliwanag niya sa akin.

"I love you, Misis.. I-claim ko na yung kiss na hinihingi ko, ha?", ngumiti na lang ako at tumango.

Pumikit siya at agad na nilapat ang labi  niya sa labi ko. Mabilis lang ang naging halik niya sa akin, ngunit ramdam kong punung-puno iyon ng pagmamahal. Yung halik na hindi ko makakalimutan.

"I love you..", sabay naming sabi at ngumiti sa isa't isa.

"Lika na.. Tulog na tayo.", pag-aya ko sa kanya. Tumayo na ako at nag-umpisang maglakad.

Paakyat na sana ako ng hagdan, ngunit bigla-bigla na lang akong binuhat ni Danyel..

"Papatayin mo ba ako sa gulat!?", pasigaw na tanong ko sa kanya at umirap. Natawa lang siya at umakyat na ng hagdan. "Ibaba mo nga ako! Mamaya mahulog pa tayo eh.", naiiritang sabi ko kanya.

"Ayoko nga! Gusto kita buhatin hanggang sa kwarto.", may halong pang-aasar na sabi niya sa akin.

"Ibaba mo na kasi ako..", pagmamakaawa ko sa kanya. Hindi siya nakinig sa sinabi ko at nagpatuloy lang sa paglalakad.

"Ang OA na kung hanggang sa loob, eh buhat-buhat mo pa ako. Ibaba mo na ako dito.", sabi ko sa kanya nang makarating kami sa tapat ng pintuan ng aming kwarto.

"Para tayong bagong kasal.", seryosong sabi ni Danyel sa akin.

"'Wag mong ibahin ang usapan.. Ibaba mo na ako.", tatawa-tawang sabi ko sa kanya.

"Anong ginagawa kapag bagong kasal?", seryosong tanong naman niya sa akin. Anong connect?

"Ha?", wala sa sariling tanong ko sa kanya.

"Ginawa lang natin kanina, hindi mo na agad alam? Pwes, gagawin ulit natin ngayon..", ngumisi siya at naglakad papasok sa kwarto.

"So, anong ibig mong sabihin? Magha-honeymoon--", napatigil ako at nanlaki ang aking mga mata.

Oh my gosh! Mag-aano kami?!?!?!

------------------------------------------------------
A/N:

Ang update na ito ay walang kwenta. Walang kwenta. Walang kwenta. Walang kwenta. Walang kwentaaaaaaaa! Hahaha!

Ilang araw na rin 'tong naka-save at hindi ko alam bakit ganito 'to. Basta ang alam ko lang, medaling araw ko 'to sinulat at sabaw 'to. Mwaha!

Sumakto rin naman pala ang nai-sulat ko because #PSYUnangHalik later at tsaka honeymoon tour ni Ari kagabi. Meow!

Oha! Waley talaga 'to. Babush!

Ay! This chapter pala is dedicated to msyellowpixie 😊 Lagi niya kasing pinapalakas ang loob ko sa pag-post. Haha! Thank you, Kathy! Wuv yu ♥️

Great LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon