11: Daniel John

1.8K 73 28
                                    


"I'm a barbie girl, in a barbie world... Life in plastic, it's fantastic! You can brush my hair, undress me everywhere..", rinig kong punung-puno ng energy ang pagkanta ni Kathryn habang nakikipaglaro ng barbie doll kay Reese. Woooooh! Kailangan ko ng sandamakmak na pasensya! Hashtag ano Danyel, kaya pa?

Sa dinami-rami naman kasi ng pwedeng iregalo ni Dom at ng girlfriend niyang si Mariel Bea kay Reese kanina, ba't barbie doll pa? Tapos idagdag mo pa yung scenario ngayon: Kathryn, manika, undress.. Jusko, paano?!

"You can say I'm always yours.. I'm a barbie--", kanta niya pa pero pinutol ko na siya. "Tama na 'yan.", sabi ko. Napatingin sila sa akin ni Reese at tsaka lumapit. Anak ng! Dala pa yung barbie doll!

"Ang KJ mo, alam mo 'yon? Naglalaro kami ng anak mo eh...", sabi ni Kathryn at inirapan ako. "O, you control this one, sumali ka sa amin.", utos niya at inilagay sa kamay ko ang isang barbie doll na naka-bath robe. Paktay ka diha!

"Bakit pati ako? Hon, naman.", pag-angal ko sa kanya at ibinaba ang pesteng barbie doll sa may center table.

"You'll control that one or you'll sleep sa guest room?", nakataas ang isang kilay niya habang tinatanong ako.

"Wala ba kayong lalake diyan? Yung si ano.. Sino ba 'yon, 'nak?", tanong ko.

"Ken, Tatay. Barbie's boyfriend.", sagot naman ni Reese sa akin.

"Boyfriend??? Saan mo naman natutunan 'yan? Kaka-5 mo pa lang, ha.", striktong sabi ko kay Reese. Tinuro ni Reese ang Nanay niya.

"O, bakit ganyan ka makatingin? Papalag ka?", mataray na sabi ni Kathryn.

"It's just a game, Tatay. Hindi ka po ba naglalaro ng barbie nung bata ka?", depensa naman ni Reese.

Ting! Aha! Pagsisisihan mong naisipian mo pa akong isali, Kathryn. *smirks*

"Ah, nabigla lang ako anak.", nginitian ko si Reese at tinitigan ko nang nakakaloko si Kathryn. "Ang totoo nga niyan, may barbie doll pa rin ako hanggang ngayon.", nakatingin lang ako kay Kathryn habang nagsasalita. Kaya kitang-kita ko rin ang biglaang pagtataka sa mga mata niya.

"May barbie doll ka? Bakit 'di ko alam 'yan?", tanong ni Kathryn at nagtaas ng isang kilay.

"Really, Tatay? Big po ba or small?", manghang tanong ni Reese sa akin.

"Big, baby! Parang Nanay mo. Ganun ka-big.", nakangising sagot ko habang nakatingin pa rin kay Kathryn.

"Oh my gosh, Tatay! Pinapaliguan niyo rin po ba and dinadamitan? Wow!!! Gusto ko pong makita!", tuwang-tuwang sabi ni Reese sa akin. Hindi pwede, 'nak.

Hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko kay Kathryn. "Yes, baby. Pinapaliguan at dinadamitan ko rin. Ang ganda-ganda nga niya eh. I'll try to show it sa'yo. Try lang, ha.", sagot ko kay Reese habang tinitignan pa rin si Kathyn. Pero this time, 'yung tingin na mula ulo hanggang paa. Unti-unting nanlaki ang mga mata ni Kathryn.

"Tapos, nagsasalita pa 'yon. Tapos nag-a-I love you pa--", hindi ko natapos ang pagpapaliwanag ko kay Reese dahil biglang lumipad yung remote ng TV sa akin at tinamaan ako sa noo.

"Aray! Bakit mo ko binato?", tanong ko at tsaka hinimas ang noo ko. Magkaka-bukol pa ata ako.

"Tama na! Pagpahingahin mo na si Reese. Pagod 'yan sa party niya kanina.", masungit na sabi ni Kathryn. "Reese, go to your room na. Pahinga na.", sabi niya pa at tsaka humalik sa pisngi ni Reese. Wala namang bakas ng pagtutol sa mukha ng anak namin. Humalik pa nga siya sa pisngi ko bago umakyat sa taas.

"At ikaw!", turo sa akin ni Kathryn.

"A-ako?", tanong ko rin sa kanya.

"May iba ka pa bang nakikita dito, bukod sa ating dalawa?", masungit na tanong niya sa akin.

"Wala..", sagot ko at nagkamot ng ulo. Hoy! Wala akong kuto, ha!

"Ikaw kung anu-ano lumalabas sa bibig mo. Mag-preno ka nga!", naiinis na pangaral niya sa akin.

"Bakit? Meron naman talaga akong ganun eh!", pagtatanggol ko sa sarili ko.

"Meron? At nasaan, aber?!", nakapamewang na tanong niya sa akin.

"Ayoko ngang sabihin! Mamaya, hingin mo pa eh. Mahirap na.", natatawang sabi ko sa kanya. "Hon, akyat na muna ako, ha? Para kasing napagod ako.", nagkunwari akong humihikab para mapaniwala ko siya.

"Ang sabihin mo, wala ka talagang barbie doll, kaya tatakas ka. Kung anu-ano lang talaga lumalabas sa bibig mo eh, noh?", sabi niya habang umiiling-iling. Hirap talaga kumbinsihin nito.

Lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi. "Hindi, meron talaga. O, sige na, akyat na muna ako.", nakangiti kong sabi sa kanya at tsaka naglakad papuntang hagdan.

Bago ako tumapak sa hagdan, lumingon ako sa kanya. Nakita ko siyang nagliligpit ng mga gift wrappers na pinunit kanina ni Reese at mga gamit sa sala.

"Hon..", tawag ko sa kanya. Ayokong magsinungaling.

Lumingon siya sa akin at nagtaas ng isang kilay. "O, bakit? Mangungilit ka na naman?", seryosong sabi niya sa akin.

"Yung tungkol kanina... Ano... Ah... Eh...", kinakabahang sabi ko sa kanya.

"Ay hindi totoong may barbie doll ka na laruan? Oo, alam ko naman na dala lang 'yon ng kakulitan mo.", nakangiti na sabi na niya sa akin.

"Oo. Ayun. Pero ano...", hindi ako makatingin sa kanya habang nagsasalita. Hashtag nerbyos.

"Pero ano?", natatawang tanong niya.

"Pero ikaw yung iniisip ko habang pinag-uusapan natin yung barbie doll... ManiKATH..", mabilis na sabi ko at tsaka tumakbo pataas. Naramdaman kong may ibinato siya sa akin, pero hindi ako tinamaan.

"DANYEL!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!", rinig kong sabi niya mula sa sala.

Woooooh! Tumigil ako sa pagtakbo nung makarating ako sa taas. Naglakad na lang ako at tsaka kumanta habang pasayaw-sayaw pa (Syempre, iniisip ko si Kathryn habang nakanta. At syempre ulit, secret lang natin 'to.):

"She's a barbie girl, in a barbie world. Life in plastic, it's fantastic! I can brush her hair, undress her everywhere.. Imagination, life is my creation.."

:)))))

------------------------------------------------------
A/N:

(Explicit content or PG-13 daw ang chapter na 'to? O, sige.) Rated SPG: Theme, language and uh, sexual? Not sure. Hahaha!

Sabaw nga pala 'to. 'Wag kayong ano, pinaghirapan ko 'to. Hahaha! Ka-stress kapag impromptu. Jusko!

Para sa inyong lahat 'to. Salamat kasi kahit na hindi naman 'to kagandahan, sinusuportahan slash binabasa niyo pa rin. Salamat talaga ♥️

Watch #PSYUnahanSaKatotohanan later, after Nathaniel. 😊

Ayun lang. Eksdi.

Great LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon