14: Daniel John

1.4K 57 8
                                    



"Hon.. Buksan mo na 'to."

Maraming beses na akong kumatok pero hindi niya talaga ako pinagbubuksan. Well, may tampuhan, I mean, nagtatampo kasi siya sa akin. Bakit? Ganito kasi 'yon..

{5 hours ago}

Kakatapos lang namin mag-lunch. Hay, ang sarap naman kung laging ganito. Kasama mo yung mga taong mahal na mahal mo.

2nd week of April na at nandito pa rin kami sa Amanpulo. Yes, talagang tinotoo ni misis ang gusto niya. Ang kagustuhan niyang manganak dito. Napailing na lang ako.

"Hon, magpa-ultrasound na nga pala ako.", malambing na sabi niya sa akin. Oh, shoot! Oo nga pala! 6th month na, so, malalaman na namin kung anong gender ng babies namin.Yes, babies. Triplets ang ipinagbubuntis niya.

Galing ko ba? Nasa tamang paggiling lang 'yan. *winks*

"Ah.. Eh.. Ayun nga sana, hon.. yung sasabihin ko sa'yo.. Pwede bang sa Manila ka na magpa-ultrasound? Pwedeng umuwi muna tayo? Pero babalik--", hindi ako natapos sa sinasabi ko dahil bigla siyang sumigaw.

"ANONG UUWI?! DITO NGA GUSTO KO EH!", pagmamaktol niya.

"Babalik rin--"

"HINDI! AYOKONG UMUWI! GUSTO KO DITO MAGPA-ULTRASOUND! Now, kung gusto mo umuwi, umuwi ka mag-isa mo!", inis na inis na sabi niya at iniwan akong nakanganga sa may dining area. Beast mode si b3h. Awtsu!

{end of 5 hours ago}

Kaya nga, heto ako ngayon.. nag-iisa.. Ay, kumanta? Aegis? Hahaha!

Kaya nga, heto ako-ohoh, basang-basa sa ulan.. Joke!

Seryoso na. Kaya heto ako, nagpapakahirap kumatok.................. kahit may susi naman! Walangya! Oo nga! May susi naman nga! Nagpapakahirap ako sa pagkatok, eh may susi naman akong hawak. Hashtag medyo shunga.

Pero teka. Delikado pala. Ayaw niya ako pagbuksan eh. So, that means hindi ko pwedeng gamitin ang susi. Baka lalong mainis. Ajuju! Help!

Kasi naman.. Bakit ba kasi dito niya rin gusto magpa-ultrasound? Hindi naman sa hindi ko kayang bayaran yung OB, pero kasi.. Nakakahiya na eh. Masyadong maproseso kapag sila ang pinapapunta ko dito.. Sa loob ng 4 months na pamamalagi namin dito, 3 times na kaya naming pinapunta yung OB niya.

Iba rin talaga 'tong si Kathryn. Hindi ko alam kung pinagtitripan niya lang ba talaga ako, may topak lang talaga siya, or talagang gusto niya lang..

"At wala kayong pake! Kung gusto niyo, magbuntis rin kayo! Walang makakapigil sa'kin!", natawa ako nang na-imagine ko si Kathryn na ginagaya yung linya ng mga pabebe. Putek! Nababaliw na ako!

"Hon.. Buksan mo na 'to, please.. Nag-aalala na ako..", pangugulit ko ulit, pero katulad kanina, hindi talaga ako pinagbuksan. Ehmehgehd.

Aish! Oo na! Sige na! Dito na kami. Dito na lahat-lahat! Dito na kami forever, kahit na wala namang forever. Ay, wow.

"Hon.. Buksan mo na 'to.. Oo na, sige na. Dito ka na magpapa-ultrasound.. Kung gusto mo, bilhin ko na rin 'tong Amanpulo. Alam mo namang--"

Napatigil ako sa pagsasalita nang bigla niyang buksan ang pinto at walang pasabing hinalikan ako sa labi.

"Thanks, Dada!", ngiting-ngiting sabi niya sa akin.

"Dada?" Bakit Dada?"

"ANONG MASAMA SA DADA?!", sigaw niya sa akin.

NABI-BEAST MODE NA NAMAN SIYA! AWTSU.

--------------------------------------------
A/N:
Yes. The long wait is ovaaaaah! Pagtiyagaan niyo na lang. Hehehe! Kahapon pa dapat 'to eh.

And!

Congratulations, KathNiel and KathNiels! Nai-push ang #PushAwardsKathNiels ❤️

Aaaaaaaand!!!1!!!!1!11!111111!!!!11!1

Let's watch #PSYDare later 😊

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Great LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon