_
AJ
Nakatitig lang ako sa kawalan dito sa cubicle ko sa office. Iniisip ko ang mga pangyayari sa akin sa nakalipas na dalawang buwan. Noong una, isa akong inosenteng dilag na pauwi sa probinsya pero bago ako makarating sa aking uuwian naiwala ko na ang kainosentehang iyon. Iwinala ko, hindi ko pala nawala kasi I am more than willing. Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Wala akong pinagsisisihan sa ginawa ko.
Napabuntong hininga ako. Kahit nung nasa malayo ako. Nung nasa field work ako, hindi ko ito pinagsisisihan. Baon baon ko pa nga sa isip ko ‘yon e. Napangiti ako nung maalala ko iyong mga pangyayaring ‘yon. I shivered with the thought pero alam ko, I was and am looking forward to make it happen again.
Hanggang sa.. makita ko ang ngitian nila ni Tracy. Hindi ako girlfriend Cev para magselos pero kumulo ang dugo ko nung malingunan ko sila ni Tracy na nagngingitian. Andun pa ako sa lagay na ‘yon, pero kung makapagngitian sila animo walang ibang tao sa lugar na ‘yon.
“Ah. Excuse me. Mauna na ako.” Paalam ko sa kanila saka ako nagmadali na pumasok sa opisina. Cev and I doesn’t work together but we’re on the same building. Nasa mas mataas na floor lamang sila. Bale, ihahatid niya sana ako kaso si Tracy nanggaling sa mga kaibigan niya sa opisinang pinagtatrabahuan ko.
At, hindi nakatulong ang mga kinikilig na officemates and colleagues ko. “Ang gwapo ng mga boss ni Tracy. Ang swerte niya talaga.” Sabi ng isa.
Sabi naman ng isa. “Mas gwapo yung isa, pero mas maganda ang katawan nito. Nakikita ko pa lang siya nanghihina na ako. Paano pa kaya kung..” Napangisi ako ng maisip ko ang mga ginawa namin. Manghihina ka nga talaga!
Pero, nasaktan at nagselos talaga ako sa sinabi nang huli. “Nakakainggit mang aminin pero bagay si Trace at Sir CJ no?” Lalo pa nung nagsitanguan silang lahat. Saka ako tinanong, alangan namang hindi sabihin ko kasi mas bagay kami. Nginitian ko na lamang sila saka umalis.
Bago ako umalis, nakita ko pa na lumingon sina Cev sa akin saka patuloy na nag usap. Bakit hindi pa sila umaalis? Dumidisplay ba sila? Iniinis ba nila ako? Pinagseselos? Kinastigo ko ang sarili ko. Bakit naman nila gagawin ang bagay na ‘yon. You wish sabi ko sa sarili ko.
_
TRACY
Nakita ni Tracy ang mga nangyari sa lobby kanina. Kung paano halikan nung gwapong lalaki si AJ at kung paano hindi umalma si Aj. Nakita ko rin seryoso ang dalawa sa pinag uusapan nila sapagkat hindi nila man lang naramdaman na meron nang nakatitig sa kanila ng masama na animo’y papatayin sila dahil sa tinatawag na selos.
“I like her.” Yun ang sabi ni Cev sa kanya nangmagtanong ito ng whereabouts ni AJ. Nakakapagtaka kasi para kay Cev na magtanong ng tungkol sa babae. Kilala niya ito, ito ang kinikilala at kailangan iresearch, hindi yung ito ang nagreresearch. Hindi ito nagkakainteres ng ganon. Pansamantala niya itong pinaniwalaan.
Oo, magkaibigan sila ni CJ. May nangyari dati, at kung merong kailangan tutulungan nila ang isa’t isa. Walang halong tanong. Yung tipong scratch the itch lamang. Masaya siya para kay Cev dahil nagpapakita na ito ng interes hindi gaya ng dati. Siguro, merong nangyari dito noon na siyang naging dahilan ng ngayo’y ugali nito.
BINABASA MO ANG
Sexy Little Thing (Little Thing #1)
Romance[M-SPG] One night. One car. One woman. One man. This is a love story that started with one exciting drive. Love begins with lust. But, do lust ends with love? Follow AJ's love story as she discover more about herself, physically. Sinasabi ko na po n...