Chapter 14: Crazy Hormones

13.2K 167 5
                                    

Dedicated uli kay Ate Blip's Mom. EEEEEEE. Ang galing galing niya kasing writer e. Isa siya sa mga author na I look up to. Sila yung mga writer na karapat dapat na idolohin. Yung, oo writer sila ng mayroong BS pero, if you're going to digest the content of their stories, marami ka namang matututunan. At, hindi bastos o rated na rated talaga ang BS nila.

_

AJ

Maaga akong nagising kinaumagahan kaso, tinatamad akong bumangon kaya tumambay muna ako sa higaan ko ng halos isang oras. Saka lang ako bumangon nang maramdaman ko ang pagbaliktad ng sikmura ko. Shet naman e. Ayoko pa talagang bumangon nung mga oras na iyon at ayokong mapagod sa kakasuka ng wala. Huhuhuhu.

Nag crackers lang ako at orange juice matapos ang mahabang oras kong pag stay sa banyo na naubos lang din sa pagsusuka. Kaunti lang kinain ko sa pag iisip na kapag konti ang intake ko, kaunti lang din ang chances na magsusuka ako. At, tubig lang talaga ang pinaka appealing na bagay sa akin ngayon. Parati akong nauuhaw.

Mag aabang na sana ako sa labas ng bahay ko nang marinig ko ang busina ng sasakyan ni Keeshia, siya ang magmamaneho para sa akin ngayong araw. Ang swerte ko no? Hahaha. Classmate ko siya nung college. We clicked kaya hanggang ngayon kaibigan ko pa rin siya. We stayed as roomies nung matapos namin ang BSA at nag enrol sa review center before taking the board. Since then hindi na kami nawala sa landas ng isa’t isa.

Sa pinakamalapit na ospital kami nagpunta, hindi ko naman kailangang magpakalayu-layo kasi, nasa probinsya naman ang parents ko. At, malabo namang makasalubong ko sa OB ang mga kamag anak ko rito kaya I don’t need to think ng kakilala kong makakasalubong ko na kailangan kong itago kung ano man ang kondisyon ko.

Nang makarating kami sa ospital, mahaba na ang pila pero, nagpasched na siya kahapon kaya withing 15 minutes natawag na ang pangalan ko.

Tinanong agad ako ng nurse. “Miss Montero, na try niyo na po bang icheck ang condition through the over the counter PTs?”

“Ahm. No. Hehe. Kasi, I thought it’s just a simple migraine. My friend insisted to take me here lang para makasiguro.” Sagot ko. I never thought na buntis naman kasi ako before Keeshia talked me into this.

“Nag take po kayo ng gamot for your migraine?” Tanong niya agad sa akin.

“Nope.” Sagot ko. Ni hindi ko nga naisipang uminom ng gamot e. How irresponsible!

“Good. So, no need to worry.”

May maganda palang idudulot ang pagiging irresponsible ko sometimes! Pinaihi niya lang ako at sinabihang mag antay para sa resulta. “Pwede ko tawagin rito yung kaibigan ko? Honestly, natatakot na kinakabahan ako Miss.”

“Sure. Sige, tawagin mo na.” Sabi niya sa akin.

Agad akong lumabas at tinawag ang kaibigan ko. Tinanong niya agad ako kung anong resulta. Na sinagot ko naman agad. “Hindi ko alam. Kaya kita tinawag kasi natatakot ako. Kinakabahan ako e.”

“Gaga ka e. Ngayon mo iisipin yan. Nakooo. Stress so much!” Sabi niya. Natawa ako sa reaksyon niya. Haaaaay. Para pa rin kaming mga undergrad sa mga reakcyon namin. Lol

Sexy Little Thing (Little Thing #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon