Chapter 6: Knowing Mom..

16.6K 195 33
                                    

Dedicated kay @seeyara, idol eh! Walang katulad! Kahit na ano pang genre ang isulat niya ang gandang basahin! Nainlove ako sa writings nya! Nakakatomboy pa ang DP at BG nya! Leighton Meester, ftw!

_

AJ

Habang iniikutan ako ni Mama nag iisip na ako ng pwede kong idahilan. Kaso, wala akong maisip. Wala ba akong natutunan sa 5 years ko sa college?

Naninigas ako sa pagkatayo ko samantalang nanay ko para akong itinuring na specimen sa  science laboratory kung aralin.

Nung hinaplos ng nanay ko yung leeg ko, pigil yung hininga ko. 'Wag mo sanag mapansin yang love bite' Yan lang naman ang hiling ko eh. Inulit ulit ko yan habang nakapikit ako, umaasang hindi niya mapansin. Kaso, kung minamalas ka nga naman.

"Anak, ano 'to? Sinong may gawa nito? May boyfriend ka na ulit?" Sunud sunod niyang tanong.

Ibubuka ko na sana yung bibig ko para sagutin na kagat lang ng lamok yun ng mapansin kong nagsalubong ang kilay niya. "Anak, kung may boyfriend ka na, bakit hindi ka niya hinatid? Bakit hindi mo siya isinama?" Naguguluhan niyang tanong.

"Ma, kasi.." Wala naman akong boyfriend. I just engaged with premarital sex. A one-night stand to be exact. A night with a man that I barely know. Hindi ko naisaboses yang mga yan.

Papalayasin ako ng nanay ko kapag nalaman niya 'yan. Si Papa lang kasi ang natikman niya eh! 

"Asawa, will you stop asking questions? Pagod yang anak natin. Pagpahingahin mo muna." Saway ni Papa sa kanya mula sa hagdan.

Yuck! Ang corny talaga nila kahit kailan. Like I saw them kiss pa nung nakatira pa ko dito sa bahay. Ew lang. Then the 'asawa' na tawagan, yak lang! Pero, inggit ang barkada ko sa ganyan, cute daw! Cute kapag hindi mo parents pero pag parents mo, nakakadiri!

Lumapit ako kay Papa and hugged him. "I miss you Pa." Ang biased ko ba? I love my father so much. "Thank you." I said and giggled. Alam na alam niya kung kelan ako ise-save kay Mama.

Papa kissed my forehead. "Buti at nakauwi ka. Go to your room baby." Sabi niya sa akin.

I gave the both of them a nod and proceeded to my room. I heard mother and father talking.

"Pinagpahinga mo muna sana asawa bago mo ininterrogate." Pangaral ni Papa sa kanya. I smiled sa narinig ko.

"How would you explain the chikinini on her neck?" Tanong ni Mama. I flushed. Shet! Napansin niya nga. At alam nya kung ano yun. Duh! Dumaan din sa ganyan ang nanay mo! 

"Matanda na ang anak mo. Alam na niya ginagawa niya." Mariing sabi ni Papa. Alam ko na hindi niya tanggap yun pero siya kasi ang open minded sa kanilang dalawa eh kaya ganyan ang reasoning niya. OMG Papa, dalaga na ang baby princess mo!

"Pero, nasan yung boyfriend niya? Wala siyang pinapakilala." Sabi ni Mama.

Sexy Little Thing (Little Thing #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon