_
AJ
Nakaalis na si Cev. Actually, mga fifteen minutes na nga akong nakatitig sa kawalan. Hindi ko alam kung bakit pa ako nakatayo sa may pinto at nakikipagtitigan sa hangin. Nag-iisip ako. Ng malalim. Tama bang maki-ride uli ako sa kotse niya? Imagine more than 6 hours kung may traffic na magkasama kami sa loob ng kotse?
Isipin nyo na lang yung nangyari nung nakaraan diba? Tingin ko kailangan namin ng supervision ng nakatatanda kung magsasama kami sa isang lugar na kaming dalawa lang. Pero, paano ko ipapaalam sa parents ko yun?
"Oh, anak, maghanda ka na. Nakakahiya naman kung mag aantay pa si Archie mamaya sa'yo eh makikisakay ka lang." Sabi ni Mama sa akin nung makita niyang nakatanga ako sa front door.
Eh, Ma. Paano kung bukas na lang ako babyahe? Tinatamad kasi ako e.
Ma, nakakahiya naman kay Cev, bukas na lang ako byahe. Mag commute na lang.
Sinubukan ko namang sabihin 'yan kay Mama eh, pero once she made up her mind kasi hindi na papabali pa iyon. Mas strict pa nga yan kay Papa eh. Si Papa, konting lambing ko lang bibigay na 'yon. Pansin rin ng mga college friends ko, lahat daw ng gusto ko binibigay ni Papa. Kaso, si Mama nakatoka sa akin ngayon.
"Sige baby tulog na ko. Katukin mo kami mamaya bago ka bumaba ha?" Sabi ni Mama sa akin bago ko pa ma voice out yung ni rehearse kong linya sa isip ko. Lumapit siya sa akin to plant a kiss on my cheeks.
Gusto kong ipadyak yung paa ko. Umupo sa floor at ngumawa na parang bata kaso di ko ginawa. Mabibigat ang padyak ko na umakyat patungong kwarto ko dahil sa frustration na wala man lang akong say sa mangyayari sa akin ngayong gabi! Nakaka-frustrate kapag made up na ang lahat.
I guess, wala akong choice kundi sumabay kay Cev. At, harapin yung takot ko na mapag-isa kami sa loob ng kotse niya. Kung ganun din ang mangyayari, ano ba ang dapat kong isuot?
Muntiko ko nang mapektusan ang sarili ko sa naisip ko! Kanina lang umaayaw ako na sumabay sa kanya, pinoproblema ko pa kung paano lulusot para lang hindi sumabay sa kanya tapos ngayon, pinoproblema ko naman kung ano ang isusuot ko sa byahe!
Seriously, AJ?!?
_
CEV
If I am sane enough I should have objected on the idea that AJ will join me in my ride back home. Dapat tumatakbo na ako palayo sa kanya. Pero ano itong ginagawa ko?
I'm looking forward to spending more time with her. Yan pa ang nararamdaman ko. Gusto kong iumpog yung sarili ko sa pader sa nararamdaman ko! Ang gandang isisi ito kay Jake eh, hindi sana ako maguguluhan ng ganito kung hindi niya ipinagpilitan na ako ang hahawak sa project dito.
I took a sip of wine before I drove out of the hotel that had became my home since I set foot in the province.
Pagparada ko ng sasakyan ko sa driveway nila AJ, bubusina na sana ako kaso bigla kong naalala yung ipinapanuod sa akin ni Laine na movie noon. Laine is only a friend. I tried to get into her pants pero ayaw niya, we're better off as friends daw. Ilan siya sa mga babaeng immune sa akin, and I don't know why. Pero naging sila ni Jake!
BINABASA MO ANG
Sexy Little Thing (Little Thing #1)
Romance[M-SPG] One night. One car. One woman. One man. This is a love story that started with one exciting drive. Love begins with lust. But, do lust ends with love? Follow AJ's love story as she discover more about herself, physically. Sinasabi ko na po n...