Chapter 17: Mini Activity

11.3K 152 5
                                    

AJ 

There are things we can’t control. We can’t control the emotions that the people around us would feel. Kahit na gustung gusto mong sabihin na, “Uy, dapat masaya ka, magiging daddy ka na kaya.” Kaso, hindi e. Ito yung mga moments na I need my best friend, I need her.. kaso, wala na e. Wala na nga akong Ate, wala na rin akong best friend. Pati tatay ng magiging baby ko na never naging akin mawawala pa? Ang sakit lang hindi ba?

“Ah..eh..”

Yung sana hindi ko na lang sinabi. Na sana itinago ko na lang rin. Na sana, bumalik ang oras at nang hindi na yung mga salitang yun hindi na lang lumabas sa bibig ko ang mga salitang ‘yun. Totoo nga. Nagsisisi na ko at sinabi ko sa kanya.

Tinignan ko siya. Horror was all over his face.

Mas makakayanan ko siguro yung disappointment or yung sakit kung gulat ang nababasa ko sa mukha niya, pero, ohwell. Hindi ko nga naman kontrolado ang lahat. Emosyon niya yun e. Mararamdaman niya ang mararamdaman niya.

Hindi ko namalayan na may tumulo na palang luha sa mata ko.

Bakit ang unfair? Masama bang umasa ako. Masama bang isiping positive ang magiging reaksyon niya? Hindi ko naman hiniling na magpapyesta siya sa nalaman niya e. Ang gusto ko lang sana wag namang disgusto yung ipakita niya. Yun. Di ko na kayang tanggapin.

Tahimik lang akong lumuluha sa couch. At, siya? Umalis! Umalis siya!

Pero, hindi sa bahay ko. Umalis siya sa harapan ko at nagpunta sa kung saan. Pagbalik niya, may dala dala na siyang tubig.

“Tulog na tayo.” Aya niya sa akin.

“Tayo?” Nag aalinlangan kong tanong. Bakit may tayo? Akala ko wala.

“Hindi ka pwedeng magpuyat, diba?” Naguguluhan niyang tanong sa akin.

“Alam ko naman ‘yun e. Ang naguguluhan ako, bakit may tayo? Diba dapat tumakbo ka na paalis.. kasi baka iposas kita dito at ikulong kita para matanggap mo ito?” Sabi ko sabay turo sa tiyan kong unti unti ng nahahalata. Nagugulat ako dito sa ipinapakita ni Cev. Hindi ko alam na ganyan lang magiging reaksyon niya. Paano kung hindi lang nagssink in sa kanya ang sinabi ko?

“Yun ang tingin mo.. na.. aalis ako?” Hindi makapaniwa niyang tanong sa akin. It’s as if the thought of thinking na aalis siya is so unbelievable. Kung nakita lang niya sana yung mukha niya, the horror..

“Hindi ba?” I asked. “You should have seen the horror in your face...” Sabi ko sa kanya. Hindi ko talaga alam ang iisipin ko o sasabihin kong reaksyon sa nakita ko sa mukha niya kanina lang.

 

“AJ, let’s sleep.” Pambabalewala niya sa rant ko. Nakakainis ‘to ha. Nakakainis, nakakainis, kakainis. Hindi ba niya alam kung gaano ang kaba ko sa reaksyon niya?

“Hindi pwede yan Ceverino Jon Figueroa! Kung ayaw mo, ayaw mo, kung gusto mo, gusto mo. At, kung may desisyon ka na, sabihin mo sa akin. Kaya kong tanggapin ‘yun. Buntis lang ako, emosyonal lang, pero kaya kong tanggapin yung desisyon mo, kahit ano pa ‘yan, hindi uubra sa akin ang tulog, tulog na yan, okay?” Sabi ko sa kanya. Umaasa akong hahalikan niya ako sa kalagitnaan ng pagrarant ko e, katulad ng mga nasa palabas sa novels, yung hahalikan lang, okay na?

Sexy Little Thing (Little Thing #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon