Chapter 2

232 12 10
                                    

     Uwian na namin ng makita ko si Nalyn. Hindi ko kasalanang Nalyn lang  tawag ko sa kanya kasi hindi ko naman alam yung totoo nyang pangalan. Nakatayo siya sa gilid ng gate na parang may hinihintay. Hindi ko maiwasang mapatingin sa mga mata niya.

     "Si Princess ba yang tinitignan mo ?"

     "Hindi ah ? sino naman yun ?"

Napalingon ako at nakita ko si Jenalyn. Malamang nag tatanong kayo kung ano ko siya dito. Wag kayong maintriga masyado best friend ko lang siya ('ω`*)

     "Oh ikaw pala Jenalyn, kamusta ka na?"

     "Ayos lang naman ako. Bakit mo tinitignan si Princess?"

Ang rude namang kausap nito, hindi man lang ako kinamusta. Naturingan ko pa ,man din siyang best friend pero hindi man lang ako tinanong kung ok lang ba ako? kung kumain na ba ako? kamusta naging bakasyon ko o kung humihinga pa ba ako? ( T ^ T ) medyo OA na .

     "Ah wala lang. Kanina kasi medyo nabastos niya si Ms.santos kaya ngayon pinag uusapan na siya sa buong klase. Unang araw palang famous na agad siya no? Kilala agad siya ng lahat ng mga kaklase namin"

     "Si Princess nga talaga yung tinitignan mo"

     "Hindi si Princess nga yung tinitignan ko, si Nalyn"

     "Siya nga"

     "Sinong princess ba?"

     "Siya" sabay turo kay Nalyn.

     "Her name is Princess Reinalyn Laurenciana. 18 years old, Taga block 3 street din siya and guess what? Siya yung bagong lipat sa tapat ng bahay niyo"

     "Ano?!"

     "Bakit ? Ngayon mo lang ba nalaman yun?"

     "Oo eh, Hindi din kasi ako masyadong lumalabas ng bahay. Paano mo siya nakilala?"

     "Naging kaklase ko siya noong Elementary  and actually dati siyang taga sa amin kaya madalas ko siyang makita"

      "May alam ka ba tungkol sa kanya?"

      "Wala masyado eh. Pero alam mo bang nakita ko siyang inaway yung land lord ng bahay na inuupahan niya samin at binatuhan niya ng pera sa mukha?"

Natahimik ako sa narinig ko. Ewan ko kung maiirita ako o maiinis. Hindi niya pala attitude yun, characteristics niya na.


broooooom!! broooooom!! brooooooooom!!

Tunog ng motor yan (ㅇㅅㅇ)


Napatingin ang lahat ng istudyanteng nasa ground sa front gate ng school sa sobrang lakas nang tunog ng tambutso ng mga motor. Tumambad ang isang grupo na kilala sa lahat ng universities dito sa syudad at sila ang Black Horse. Napatingin din ako malamang lahat nga ee (-_-')  sa gate at nakita kong pinalibutan nila si Nalyn. 

     "Teka? anong gagawin nila kay Nalyn ?" paalalang sinabi ko kay Jenalyn. syempre kahit papaano babae parin siya. Kahit na barumbado at magaslaw siyang kumilos dapat padin siyang respetuhin.

      "Relax ka lang Ken, tignan mo" pabulong na sinabi ni Jenalyn.

Tinanggal ng lalakeng naka itim na jacket at nakasakay sa isang Honda vbr na motor ang kanyang helmet.

     "Hi babe, kamusta araw mo dito? Masaya ba?"

Tinignan lang siya ni Nalyn at kinuha ang kaha ng sigarilyong nasa bulsa ng jacket niya. kinagat niya ito't sumandal sa likod nang motor na nakaparada sa likuran niya.

Not a Dream But a Gift [EDITING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon