"All things appear incredible to us , yet they differ more or less of our own personality" kung iisipin mong maigi yung sinabi ni More sa quotation niya ? marerealize mong tama siya . na may mga bagay dito sa mundo na napapasaya ka kahit sobrang liit lang nito , may mga bagay naman na kinahahangaan mo samantalang yung iba ay binabaliwala ito , saklap ng buhay no ? minsan nga naisip ko na sana balang araw yung interes ng tao maging iisa nlang . sa kung paano sila tumanaw ng utang ng loob , sa kung paano nila tignan ng pantay pantay yung isa , sa kung paano sila mamangha sa kagandahan ng mundo"
nakahiga ako sa bubungan ng bahay at nakatingin sa mga bituin , ang ganda nilang tignan no ? ang gaan sa pakiramdam na pagmasdan sila .parang sa kada titig mo sa isa ? hinahatak ka nila pataas at mararamdaman mo yung malamig na simoy ng hangin kasabay ng paghatak nila paangat sayo .
"nak baba ka muna may nag hahanap sayo" tinawag ako ni mama mula sa bintana
"opo ma, pababa na"
bumaba ako para tignan kung sino yun .
"kamusta na ken ? naalala mo pa ba ko ?" bungad ni alex na nasa tapat ng pinto ng bahay
nagulat ako dahil hindi naman kami ganun ka close para dalawin niya ko dito sa bahay
"bakit ? anong kailangan mo ?"
"may sasabihin lang ako , usap tayo labas ka dito"
umalis siya ng pinto at nag umpisa ng mag lakad
sinundan ko siya para alamin kung ano yung sasabihin niya , this is the first time na susunod ako sa sinabi ng isang taong hindi ko naman kilala , lalapitan ko na sana siya para tanungin kung anong pkailangan niya ng biglang ..
"a-anong meron ?" may humawak sakin 2 lalake at hinigpitan nila ito
"basta sumunod ka na lang" sagot ni alex habang patuloy na nag lalakad
hindi maganda yung nararamdaman ko kasi kung kakausapin lang niya ko hindi niya ko kailangang pahawakan ng ganito "ano bang kailangan niyo ?"
"wag ka ng magtanong , sumama ka na lang" sa pag tuloy namin sa pag lalakad , pakipot na ng pakipot yung daan hanggang sa mapunta kami sa isang bakanteng lote . bumungad sakin ang mahigit isang dosenang lalake na nakatingin sakin
"a-anong gagawin naten dito ?"
"wala naman , tuturuan lang kitang lumugar" dumampot siya ng kahoy mula sa damo at hinawakan ito ng mahigpit
"ano bang ginawa ko sayo ?!"
"malaki ken , malaking malaki" sagot niya at dahan dahang lumapit sakin
isang tanong ang nanatili sa utak ko habang lutang sa pangyayareng to , ano bang nagawa kong malaki at kailangan nila akong ganituhin ..
"ganyan ba kayo ka duwag ? isang dosena laban sa isa ? akala ko ba kayo yung pinaka maangas na grupo dito ? eh bakit parang mawalan lang kayo ng kasama tiklop na kayo" isang boses ang narinig mula sa kawalan at nakita ko ang isang lalake na nakasandal sa poste't nababalot ng dilim
"aba maangas ka ha ? sino ka ba ?" tanong ni alex sa kanya . halata ang pagka irita ni alex sa pang iinsulto ng isang di kilalang lalake na nasa dilim
unti-unti siyang lumapit at unti-unting natanaw yung mukha niya ng tumama sa liwanag
"benjie ?! anong ginagawa mo dito ?!"
"ano pa bang gagawen ko dito ? papanuorin kang banatan ng mga yan ? baka gusto mo kumuha pa ko ng pop corn at coke na extra large ? malamang sasagipin ka !"
BINABASA MO ANG
Not a Dream But a Gift [EDITING ]
Romance"Even when you'd lost everything you thought there was to lose, somebody came along and gave you something for free." ― Jenny Valentine, Broken Soup
![Not a Dream But a Gift [EDITING ]](https://img.wattpad.com/cover/47203445-64-k649321.jpg)